Nasa mansion na kami nila Alvis marami ding nabuong magagandang alaala dito noong dinukot ako ni Alvis.
Natawa ako ng kaunti dahil sa dahilan ng pagdukot sakin ni Alvis, bumalik na lahat ng alaala ko kahapon and im thankful dahil bumalik ang mga alaala ko.
"Kaninong bahay ito?" Manghang tanong ko sa kanila.
Hindi alam nila Alvis na bumalik na ang memorya ko kaya nagpanggap na lamang akong hindi ko alam ang mansion na ito.
"Sa akin Leah" saad ni Alvis at pinaupo ako sa sofa.
Syempre hindi ko malilimutan ang salang ito dahil dito kami ng movie marathon ng mga kaibigan ko kasama si Alvis.
May nakita akong lalaki na lumabas sa isang silid hindi ko alam kung kaninong silid iyon dahil sa dami ng kwarto na mayroon dito, nasa mid 50's na siguro ito.
Ang suot nito ay maong na 3/4 at crocs na white polo naka nike na sports shoe din ito.
"Dad" saad ni Alvis at nakita ko sa mga mata ng ginoong ito ang saya at gulat nang makita si Alvis. Nagyakapan silang dalawa at umupo na sa tapat ko.
"Hindi ko inaasahang babalik kayo dito Alvis ijo" saad nito.
"By the way im Lucio Sebastian" saad nito saamin at isa isang nakipagkamay.
"Tara Leah lilibutin natin itong bahay" saad ni Alvis.
"No need Alvis, nagbalik na ako" saad ko at yumakap tinignan ko naman ang mga kasamahan ko.
"Nagbalik na ang alaala ko" pagpapatuloy ko at ngumiti.
"Sobrang saya namin Leah" tumili naman ang mga kaibigan ko at lumapit sakin upang yakapin ako.
Nagpaalam si Alvis na may kukukahin daw pagkabalik nito ay may folder ng hawak ni Alvis.
"Alvis subukan mong tawagan si Cas, si Ashleah at si Karl" saad ni Larry kay Alvis.
"Oo nga subukan mo, hangga't hindi mo nasusulusyunan ang nakaraan niyo hindi ka nila titigilan" saad ko kay Alvis.
"Sige, kung makumbinsi ko si Karl at Cas na pumunta dito. Hindi ko alam kung active pa ang number nila" saad ni Alvis at inabala ang sarili upang macontact sila.
Bahagya akong lumayo sa kanila upang macontact ko si Cas. Si Ashleah. Ringing ito at im thankful dahil sinagot nito.
"Anong kailangan mo?" Halata sa boses nito ang pagkairitado.
"Kailangan kita, kailangan ka namin, at kailangan ka ni Alvis" saad ko dito na may piyok na boses.
Hindi ko mapigilang maiyak dahil marami din akong pagkukulang bilang kapatid para dito.
"Papunta na ako" malamig na boses nito.
"No, hindi na sa lumang bahay ang tinutuluyan namin lumipat na kami dito sa mansion ni Alvis" saad ko pero hindi ito sumasagot.
"Mag-iingat ka Ashleah mahal na mahal kita" saad ko dito at pinatay nito ang tawag, tumulo na lamang ang luha ko.
Bumalik na ako sa sala abala ang mga ito sa hinihinging pabor ni Karl.
Maya maya ay may narinig kaming tunog ng heels si Cas, si Ashleah agad akong lumapit dito upang yakapin.
Alam kong nagulat ito sa ginawa ko kaya hindi nalang ito gumalaw at nanatiling nakatayo.
Umupo na ito sa harap namin umalis na ang daddy ni Alvis dahil may aasikasuhin daw na kaso.
Ang daddy ni Alvis ay isang miyembro ng United States Special Operations Command o mas kilalang SOCOM.
Hanga ako sa kanilang mga sundalo sa kanilang liksi at talino sa lahat ng bagay.
Iniwanan ko na muna sila dahil alam kong galit sakin si Cas ang kapatid ko.
"Uuwi muna ako saglit sa bahay" saad ko sa kanila at inayos ang sarili ko.
"Hiramin mo muna yung jeepney car ko sa garahe" saad ni Alvis tumango nalang ako dito at inabot sakin ang susi ng kotse.
Si papa ay isang sundalo din ngunit mas mataas ang rango nito kesa sa iba. Hiwalay ang parents ko pero minsan lang dumadalaw si papa sa amin noon.
Sumakay na ako sa kotse at tinawagan si mama upang hingiin ang number ng tunay kong ama pagkatapos ay nagpasalamat na ako.
"Papa, ako ito si Leah" saad ko dito.
"Oh ija napatawag ka?" Tanong nito.
"Papa pwede ko bang hiramin ang maliit mong condo? May importante lang po akong aasikasuhin" saad ko dito.
"Sige ija kung ayan ang gusto mo isesend ko nalang sayo yung address ng condo ko kunin mo nalang yung susi nakatago yon sa may halamang katabi ng puno" paliwanag nito at nagpasalamat na ako.
Sinend na ni papa ang address kaya pinaandar ko na ang kotse at nagtungo na sa condo.
BINABASA MO ANG
[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped Me
ActionSi Leah Winter ay isang biktima ng panggagahasa. Hinahabol ito ng kanyang mga kamag anak upang halayin ulit. Habang humahanap ito ng makakain kinidnap ito ng nagngangalang Alvis Sevastian. He's a millionaire. He's tall and handsome. Tinuruan ni Alvi...