Chapter 35 (Jason Ortega POV)

19 1 0
                                    

Umalis ako at pumunta sa kotse upang tawagan si Tito.

"Tito ako toh si Jason" saad ko dito.

Nirecord ko na din ang usapan na ito upang ebidensya sa mga kasamahan ko.

"Napatawag ka iho?" Tanong nito.

"Tito may mga ilang katanungan lang ako paa sa iniimbestigahan namin" sagot ko dito.

"Sige ano ba iyon?" Saad nito.

"Tito, diba hindi niyo anak si Karl? Magkaiba kase ang type ng dugo si Karl at Alvis" saad ko dito.

"Hayst, alam kong malalaman niyo din. Oo ampon si Karl ang type ng dugo nito 0+. Kaming dalawa ni Alvis A+" saad nito.

"Ganoon po ba tito, pwede nyo po bang isend yung link ng profile ni Karl at sa inyo din po" magalang na ani ko dito.

"Sige isesend ko nalang yung link. Kung nasan man kayo iho mag iingat kayo lagi matatapos din ang gulong ito magdasal lang tayo" mahabang linya nito at nagpaalam na.

"Sabi ko na hindi magkapatid si Alvis at Karl" saad ko at hinihintay ko nalang ipasa ni tito ang files para maprint ko na.

Ilalagay ko nalang sa recoder yung usapan kanina at magiging tape.

~after 50 minutes~

Nakaprint na at nakalagay na sa tape yung record kanina, pumasok na ako sa bahay para ibigay sa kanila ang maaaring ebidensya.

"Dre ano yan?" Saad ni Larry sakin.

"Wala pre" saad ko pero alam na nila ang sagot kaya nilagay ko na ito sa loob ng kwarto ni Alvis at ang iba pang profiles.

"Si Cas pala?" Tanong ko.

"Umalis may pupuntahan daw" saad ni Addi.

"Nakakapagtaka" saad ko.

"Malay mo naman may aasikasuhing bagay" saad ni Krish.

"Oh siya, magsanay na tayo sa hardin" saad ko at pumunta na.

"Kailangan niyo pang sanayin ang sarili niyo sa pagkarate, taekwondo at depensa sa sarili" saad ko ulit.

"Gaya ng sabi ni Alvis kailangang mabilis ang kilos at pag iisip niyo, nariyan ang Obstacle Area" paliwanag ko.

"Kailangan niyo ring matuto ng mga simpleng parkour" saad ko.

"Una gagapang kayo sa ilalim ng alambre, tire hop, aakyat kayo sa lubid, gagapang sa maliit na bangin gagapang din kayo sa putik, aakyat sa pader, magba-balance sa kahoy at sa bridge, ropes laser angle, at pagslide sa lupa" saad ko napanganga naman sila.

"Kakayanin" saad nilang lahat.

"Oorasan ko din kayo ang pinakamabilis ay may prize na worth one thousand five hundrend pesos" tila naganahan ang mga kababaihan dahil sa narinig.

"Panoorin niyo si Warren" saad ko.

Pinanood nila ang bilis nito at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkamangha.

"1!.... 2!.... 3!.... go!" Sigaw ko at pinindot na ang timer.

Gumapang na ito sa ilalim ng alambre pagkatapos ay mabilis itong tumalon sa bawat gulong at mabilis din itong umakyat sa lubid.

Mabilis itong gumapang sa bangin at putik tapos nagparkour pa akyat sa pader, at mabilis na nagbalance sa kahoy papunta sa bridge.

Pagkatapos ay mabilis itong nakaalis sa rope laser angle at gumapang sa putik.

Mabilis ito ang oras nito ay 39.7 seconds.

Napanganga naman sila dahil sa bilis nitong kumilos at natapos agad ang obstacle area.

"Syempre madali na sa inyo yan army kayo eh" saad ni Ace.

"39.7 seconds, magaling" saad ko sa kanila.

"Magpapalit pa ba kami?" Tanong nila. Ang suot nila ay 3/4 na maong short at tshirt.

"Oo" sabay naming saad ni Warren.

Pagkabalik nila ay may suot silang sports bra at cycling.

Ang sexy ng mapapangasawa ko argh bulong ko.

Pinagnanasahan mo naman sabat ng aking isipan.

Hindi noh saad ko at naibalik ko nalang ang atensyon sa mga babae ng narinig ko ang boses ni Warren.

"Sabay sabay na kayo" saad ni Warren ng d na ito tango na lamang ang sagot nila.

1!... 2!... 3!... GO!...

Sabay sabay silang lahat.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon