Chapter 33 (Larry Asuncion POV)

19 1 0
                                    

Habang kumakain kami nararamdaman ko ang galaw ng paa sa tapat ko, katapat ko si Alvis,Leah at Cas.

Sinadya kong ihulog ang Tinidor ko at tinignan ko ang ilalim ng mesa.

Nakita ko ang paa ni Cas na nakapatong sa hita ni Alvis nasa sahig ang towel ni Leah kaya kinalabit ko ang paa nito para mahuli nito ang haliparot.

Kinalabit ko ang paa ni Leah at bumalik na ako sa pagkakaupo. Si Leah naman ay pumunta sa ilalim ng mesa.

"Aray!" Inda ni Cas natawa ako ng kaunti pero di ko pinahalata sa kanila.

"Ano ba Leah, ano bang kasalanan ko?!" Sigaw ni Cas.

Nakita ko ang paa ni Cas nagkaroon agad ito ng pasa, si Alvis naman ay tahimik lang na parang walang pakealam dahil sa kagagawan ni Cas.

Nang matapos na kaming kumain ay pumunta si Leah sa hardin kasama ang mga kaibigan nito sumunod naman si Cas.

Siguro ay mag-eensayo ulit ang mga ito bulong ko.

Sumunod naman kaming lahat para panoorin ang pagsasanay nila.

Kinuha nila ang kanya kanyang baril at si Leah ang nagtuturo sa kanila, naglagay silang lahat ng silencer.

Nakapwesto na din ang target nilang karton, lata at bote. Sunod sunod na putok ng baril ang maririnig sa hardin.

"Mali kayong lahat!" Sigaw ni Cas kinuha nito ang baril ni Krish at tinarget ang pinakamalayong target.

BANG!...

Isang putok ng baril lang ay tumama ito sa dibdib ng karton. Nilapag na nito ang baril at lumapit kay Leah.

"That's the right shot Leah" saad nito at hinawakan sa balikat.

"Wag mo akong subukan" seryoso at malamig na linya ni Leah at inalis ang kamay ni Cas sa kanyang balikat.

"Ang lakas mong malandi ka!" Sigaw ni Cas pero mabilis na nakaiwas si Leah, pipigilan na namin sana sila pero hinarang kami ni Alvis.

"Hayaan nyo sila nakahanap na ng katapat si Cas" saad nito at seryosong pinapanood ang pagtatalo ng dalawa.

"Pwede, matagal na din akong di nakakapag ensayo" saad ni Leah ng may nakakalokong tono ngunit seryoso.

Sununtok ni Cas sa mukha si Leah kaya napainda itl, bakas sa mukha ng mga kasamahan namin ang pag aalala at galit.

"Mabilis ka" saad ni Leah kaya agad nitong sinipa sa tyan si Cas kaya napahawak ito, siniko naman ni Leah ang likod ni Cas.

"Ahhhh!" Inda ni Cas, sinikmuraan naman ni Cas si Leah sa tyan kaya napaatras ito.

Sinugod ni Leah si Cas at sinipa sa tyan at sa mukha, napahiga si Cas sa sahig may dugo na din ang mga labi nilang dalawa.

Akmang kukuhain ni Cas ang baril pero sinipa ito ni Leah. Kinuha nito ang kamay ni Cas at nilagay sa likod at umupo.

"Wala ka ng laban sakin" saad ni Leah.

"Pagmamayabang lang ang kaya mo pero sa pakikipaglaban bagsak ka" saad ni Leah at tumayo na.

Nang papalakad samin si Leah at kinuha ni Cas ang baril at tinutok kay Leah.

"Leah!" Sigaw namin.

Naalarma si Leah kaya agad nitong sinipa ang baril at sinipa sa mukha si Cas kaya nakatulog ito.

"Ang galing mo behh" saad ng mga kaibigan nito.

Inalalayan naman ni Alvis si Leah upang gamutin ang sugat sa mukha.

"Ipasok nyo na si cas at gamutin" saad ni Alvis tumango naman sila at pumasok na kami sa loob.

"Ayos ka lang ba Leah?" Pag aalalang saad ni Alvis kinuha ko na ang first aid kit at inabot dito.

"Okay lang ako, matagal na akong hindi nakapag-ensayo kaya sakto yung laban kanina" saad ni Leah na may nakakalokong tono.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon