Chapter 23 (Ace Ruiz POV)

32 4 0
                                    

~kinabukasan~

Maaga akong gumising upang ipagluto ang mga kaibigan ko.

Nagsaing ako at ginawa ko itong sinangag.

Nagprito na ako ng nga pwedeng iprito.

Nang matapos na ako sa lahat ay nilinisan ko na ang baril ko.

Nagtaka ako dahil may sulat sa pintuan.

Kinuha ko ito at may bakas na dugo.

Ang nakasulat dito ay:

Alam ko kung saan kayo nagtatago. Kahit saan mang lupalop ng mundo hahanapin ko kayo kailangan mo pang pagbayarinang kasalanan mo Alvis kaya humada ka.

"Ano yan?" Tanong ni Jason sa akin

Isang dying message? Bulong ko

"Mamaya nalang natin ipakita kila Alvis toh" saad ni Jason at tinabi ang mga sulat.

"Nakakapagtaka, siguradong alam na ng lalakeng yon ang bahay na toh" saad ko kay Jason.

"Mag dodoble ingat nalang tayo hindi natin alam ang galawan niya" saad naman nito sakin.

Nag almusal na kami at pagkatapos non ay pumunta na ako sa sala at inilapag ko ang aking mga armas.

Lilinisin ko ito at mag eensayo ako sa pagbaril, nilagyan ko na ng bala ang magasin.

Pumunta ako sa hardin at nakaready na ang pagsasanay ko dito habang si Jason ay nanonood lamang.

Kinasa ko na ang baril at itinuon ko ang atensyon ko sa mga lata.

BANG!... BANG!.... BANG!... BANG!...

Sunod sunod na baril ko at sunod sunod na pagkatumba ng mga lata.

May silencer yung mga baril namin kaya't hindi maririnig ng mga kapitbahay namin.

"Good job Ace, pero hindi mo kailangang pumikit kapag babaril ka maari ka ring barilin ng kalaban" saad ni Jason sakin.

Kinuha nito ang baril ko at binaril ang mga nakasabit na lata.

Limang magkakasunod na bala ang pinutok nito kaya't namamangha ako sa mga katulad nitong myembro ng army.

Nagising ang mga tulog mantika at aktibong aktibo ang mga itsura nila.

Natawa ako dahil sa inasta nila may mga baril itong hawak tapos magulo ang itsura.

"Nagsasanay lang kami bat ganyan itsura nyo?" Saad ko sa kanila at natawa ng kaunti.

"Kala ko naman may sumugod satin" saad ni Addi saamin at isa isa nilang in-unload ang mga baril nila.

"Mas mabuti na ang alerto" saad ni Leah at pumunta saamin.

Binaril ang mga lata at mga boteng nakasabit.

Malinis ang pagkakabaril at walang sablay.

"Sana all" saad naming mga kababaihan at sabay sabay na tumawa.

Oh diba praning lang?

"Dapat may silencer kayo meron don sa sahig kunin nyo sakto para sating lahat yon" saad ni Jason sa mga kasamahan namin.

Tumango na lamang ang mga ito at pumunta na kami ng sala.

Binigay ko sa kanila lahat ang ang silencer na nakita ko kanina sa secret door.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon