Tinawagan ako ni Leah dahil magsusukat kami ng gown niya para sa kasal nila ni Alvis sa darating na linggo.
Lahat kaming magkakaibigan ay pumunta sa isang mamahaling Bridal Shop.
Pagkapasok namin ay namangha kami sa daming gowns na pwedeng pagpilian.
We decided na obre dress ang susuotin namin kay Leah naman ay isang elegant long wedding gown.
Napagdesyunan nila na black and white ang theme color sa kasal nila Alvis at Leah mamaya ay gagawa na kami ng mga invitation para maipamigay ng maaga.
For sure ay mas marami ang naimbitahan ni Alvis at mga milyonaryo din ang mga ito katulad niya.
Pumili kami ng pecfect fit sa katawan ni Leah dahil mas magandang pagmasdan na naglalakad ito sa altar na hubog ang katawan.
"Hey eto nalang" tawag ni Leah samin ang napili nitong long gown ay white to black. Sinukat na nito ang gown and she's beautiful.
Maagang magiging ninang kami nito. Magkaedad lang kami ni Leah pero ang nakakatandang kaibigan namin ay etoh hindi pa nagkakaroon ng kasintahan.
"You're so beautiful Leah" manghang saad namin dito ng makalabas na ito sa fitting room. Bagay na bagay dito ang suot na gown. White to black ang long gown nito.
Tinignan namin si Alvis pero nanatiling nakatitig lang ito sa kinatatayuan ni Leah. "Hoy matunaw kapatid namin!" Awat ko sa kanila at sabay sabay kaming nagtawanan.
Ang akin naman ay obre dress na plain gray, si Ace naman ay black to white at si krish naman ay plain black.
Pumunta kami sa isang malaking wall glass we look so sexy and gorgeous we take a few pictures for a remembrance.
"How do i look?" Tanong ng lumabas sa isang fitting room—si Alvis, nakasuot ito ng all black suit na may red roses sa gilid ng bulsa sa kaliwang dibdib nito.
"You look handsome, Alvis" saad ni Leah at lumapit ito para ayusin ang neck tie nito.
"Hey kuhaan ko kayo ng picture" saad ni Ace at kinukuha ang cellphone ni Leah. "You're the best couple" kilig na sambit nito.
"Sus, Jason oh" sumbong ni Krish kay Jason na nag papapogi sa salamin tumingin ito sa amin at ngumisi ito ng bahagya.
"Bakit Ace gusto mo na bang ikasal tayo next year?" Tanong ni Jason at inakbayan si Ace, nagsungit si Ace at kinurot ng bahagya si Jason sa tagiliran.
"Oo nga, pwede namang quadro na kasal" saad ni Warren at ngumising umakbay sa balikat ko.
"Baka gusto mong dumapo ang kamao ko sa mukha mo, kaya tigil tigilan mo ako Warren" nanlilisik na matang tinignan ko ito tumawa naman ito.
Alam kong babaero si Warren at nasisigurado kong maraming babaeng napaiyak ito at maraming babaeng nagkakadarapa dito.
"Kung ako ang target mong paglaruan, nasisigurado kong hindi ka pa nagsisimula aatras ka na kapag sinapak kita ng kamao ko" nanlilisik na banta ko dito.
"No, im not baby ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Alam ko namang ang gwapo gwapo ko kaya maraming nagkakandarapa sakin" saad nito habang tumatawa.
"Hindi ako titigil hanggat hindi kita naangkin" seryosong saad nito at aakmaing hawakan ang pisngi ko pero tinarayan ko ito at pumunta na lang sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
Pumunta na din ito sa mga kaibigan nito na nagsasalamin sa isang malaking salamin. Pero lagi kong nahuhuli ang pagtatama ng mga mata namin.
"Something smell fishy" nakakalokong tono ni Leah at hinuhuli kung saan ako nakatingin.
"Hoyyy wala kaya!" Saad ko ikinamula ko naman ito at pabirong hinampas ang balikat nito.
"Tara na nga, marami pa tayong bibilhin para sa inyo" saad ko at hinila na sila sa fitting room upang makapagpalit na ulit.
Nang matapos na naming bayaran ang gown ay nagpunta na kami sa bilihan ng high heels.
"Hey anong kulay ang inyo?" Tanong ni Krish habang ginagala ang tingin sa mga nakadisplay sa paligid.
"Suggest ko lang, kung magpare-pareho nalang tayo ng kulay?" Tanong ni Ace habang hawak ang isang high heels na kulay black.
"Gray nalang" suggest ko sa kanila at sumang ayon naman ang mga ito naghiwa-hiwalay na kami upang maghanap ng kanya-kanyang heels.
Nakuha ng atensyon ko ang kulay gray na high heels na puno ng glitters kinausap ko ang isa sa mga sales lady doon at ibinigay ko na ang size ng paa ko.
"Hey may nahanap na kayo?" Tanong ko sa kanila habang nagmamasid pa rin sa iba't ibang disenyo na naka-display.
"Oo, hinihintay ko nalang ang sale's lady para ibigay sakin ang hinahanap kong size" saad naman ni Krish nilingon ko ang iba at mukhang ganoon din ang mga ito.
Nilingon ko ang narinig kong mga tunog ng heels ito hawak nito ang dalawang pares ng heels na hinihingi ko ngumiti ito sa akin.
"Ma'am ito na po ang heels na hinihingi niyo" saad nito at ngumiti sa akin sinoot ko na ito bagay lamang ito para sa susuotin kong obre dress.
Tinignan ko naman ang mga suot ng mga kaibigan kong high heels bagay din dahil morena kaming lahat.
BINABASA MO ANG
[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped Me
ActionSi Leah Winter ay isang biktima ng panggagahasa. Hinahabol ito ng kanyang mga kamag anak upang halayin ulit. Habang humahanap ito ng makakain kinidnap ito ng nagngangalang Alvis Sevastian. He's a millionaire. He's tall and handsome. Tinuruan ni Alvi...