Chapter 51 (Cassidie Rayne Serrani POV)

22 1 0
                                    

Nakatanggap kami ng invitation card mula kila Alvis at Leah ikakasal na sila at masaya ako para sa kapatid ko kahit na naiinis ako sa kanya.

Noong nagkaroon ng amnesia si Leah ay nagpanggap akong nurse sa hospital, pero hindi kasama sa plano ko ang maaksidente siya. Lagi ko siyang pinupuntahan sa kwarto niya at binabantayang matulog.

Binabantayan ko din ito noong nasa mansion na sila at nang bumalik ang alaala nito masaya ako kahit na nagagalit ako sa sarili ko dahil ako ang may gawa non.

Nagalit ako sa sarili ko oo malaki ang inggit ko sa kapatid ko at puno ng galit ang puso ko dahil sa ginawa ni Alvis sa akin.

Pero may mali ako yes tama si Alvis pinagtangkaan kong patayin si Karl noong natutulog ito magkasama kami sa mansion nila.

Pinagsisihan ko ang lahat ng nangyare sa buhay ko. At gusto kong makabawi sa mga mahal ko sa buhay kahit na makasalanan ako ay tinggap pa din nila ako.

"Baby ayos na ba itong suot ko?" tanong ko sa nobyo kong si Karl mas nasanay na kami sa bago naming pangalan kesa sa Ashleah at Lester.

"You're so beautiful baby" paos na bulong ng nobyo at masuyong hinalikan ang kamay nito. Im sorry Karl naging bulag ka sa mga kasalanan ko kahit na marami akong nagawa mas nanaig pa din ang pagmamahal mo sa akin.

Nakasuot ako ng mermaid dress na kulay black na may stripes na white fit na fit sa magandang hubog ng katawan ko lumapit ako sa kanya na nakaharap sa walk in closet malapit sa kwarto namin.

Nakablack suit ito na bagay sa kanyang malaking katawan humarap ako dito upang ayusing ang neck tie nito. Cas kissed Karl's lips gently.

Cas placed his hand on Karl's nape to deepen their warm kiss. Then Karl put his hand on Cas waist. They were stopped by someone who called Karl's cellphone.

Cas moaned in annoyance and Karl slightly walked away laughing at her protest. "Baby kailangan na nating mauna sa reception para maabutan natin sila Alvis at Leah" saad ni Karl at hinalikan si Cas sa noo.

Sabay na silang sumakay sa kotse dahil noong nakaraan pa ay nauna na sila sa Cebu sa bandang Malapascua Island, Langub Beach isa sa mga hotel doon.

Hindi kami makikilala ng kahit sino dahil napagdesyunan namin na mag mask muna at gusto naming sopresahin sila. Binitbit ko na ang regalo ko para dito.

Maraming tao sa paligid kaya minabuti kong hanapin ang isang malaking table. At hindi ako nabigo napakaganda ng kapatid ko at masaya ako na kasal na sila ni Alvis.

Pumunta kami kung saan naroon ang bagong kasal at tatakpan ko ang mata ni Leah gamit ang aking palad.

"Sino toh?" natatawang saad ng kapatid ko nagulat din ang mga kasamahan nito dahil bigla kaming sumulpot sa hapagkainan nila. Tinanggal ko na ang mask ko ganoon din ang aking nobyo.

"Surprise" saad ko ng mabitawan ni Cas at dahan dahang binaba ang mga kamay nito. Halata ang gulat at saya sa mukha nito at masaya ako dahil ngayon ko lamang nakita ang matatamis na ngiti nito.

Nakita ko si Karl na lumapit sa kapatid nito at nakita ko ang saya sa mga mata nilang dalawa ngunit wala pa ding umiimik.

"Kumain kayo ng kumain ate" paanyaya ng kapatid ko sakin. Oo ako ang panganay at si Leah ang bunso. Binigay ko na ang regalo namin sa kanila Alvis nilagyan na din namin ito ng letter. Ang regalong iyon ay dalawang bote ng wine.

"Sige lang Leah intindihin mo ang sarili mo" saad ko at hinawi ang nakalaylay na buhok nito. She's so beautiful. "Salamat ate" masayang saad nito at niyakap ako nagulat ako dahil sa hindi inaasahang yakap kaya niyakap ko din ito.

"Pasensya na hindi kami nakaabot sa kasal niyo" saad ni Karl sa kanila. "Ayos lang yan pare" saad naman ni Larry at tinapik ang balikat nito.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan tungkol sa mga nanagyare sa buhay namin at humingi na din ako ng tawad sa mga ito pinagsisihan ko na din ang lahat ng iyon.

Gabi na at may plano kaming uminom suggest iyon ni Alvis isang liquor at whiskey ang niregalo namin sa mga ito at mahal na alak ito.

"Hey buksan nalang natin itong whisky" saad ni Alvis at tinaas para makita ng lahat. "Sure!" sigaw ng lahat at kumuha na ng shot glass. May nirentahan kaming bar na maliit malapit sa dagat at doon kami iinom.

"Baby ontian mo lang dahil malalasing ka" saad ko sa nobyo kong si Karl at pinisil ng marahan ang kanang hita nito. "Don't worry baby" saad nito at hinalikan ang kaliwang kamay ko.

Wala pa sila sa kalahating bote na naiinom pero mga lasing na ang lahat may nasuka na din habang ang iba ay nakasandal ang ulo sa sofa.

"Mauuna na kami" ni Alvis at inakay pangkasal si Leah papunta sa kanilang hotel habang kami dito ay naiwang lasing.

"Baby mauna na din tayo" saad ko tumango naman ito at nagpaalam na sa kanila. Paakay akay kaming maglakad ni Karl hanggang sa makarating na kami sa nirentahan ding bahay.

[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon