Umalis na si Alvis papunta sa kusina, hindi nagtagal ay pareho na kaming nanakasandal sa headboard ng kama.
Nakayakap ako sa bewang ni Alvis, nakahilig ang ulo ko sa dibdib nito habang nakaakbay ang kamay naman ni Alvis sa balikat ko.
"Sigurado ka bang ayos lang ang panonoorin natin?" Tanong ko dito. Isang horror comedy movie ang pinili ko dahil gusto kong i-relax ang pag iisip dahil sa nagdaang nangyare nitong ilang araw.
Tumango ito at itinuon nalang ang atensyon sa pinapanood. Kumunot ang noo ko dahil kanina ko pa napapansin na parang may gumugulo sa isipan ni Alvis.
Inilipat ko ang tingin sa laptop. Dahil ba ito sa inaasikaso naming profile nila Cas at Karl?
Inalis ko nalang sa isipan kong iyob at kinuha na lamang ang popcorn sa hita nito. Kakaunti nalang pala ang laman nito.
Tatayo na sana ako ng may napansin akong kumikinang sa loob ng bowl. Pinakatitigan ko ito ng mabuti at napasinghap ako!
There was a ring inside the bowl! Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.
Bakit may singsing sa loob ng bowl? Napapitlang ako ng tumikhim ang nobyo sa tabi ko.
Kinuha ni Alvis ang singsing sa bowl. "H-hindi mo alam kung paano ginagawa ito Leah. Kanina ko pa gustong..... ibigay ang singsing na ito pero hindi ako makakuha ng lakas ng loob" tinignan ko ito.
Was he... was he going to— Napahawak ako sa aking dibdib. It was beating so fast i couldn't breathe.
Inabot ng nobyo ang kamay ko na nasa dibdib para dampian ng halik. "I want to ask your hand in marriage, Leah"
Yumuko ito. "Alam kong nasaktan kita noon dahil sa mga pinapakita sakin ni Cas, ni Ash para masaktan ka lalo na.... lalo na nung....." bumuntong hininga ito.
"I want to stay with you for the rest of my life, Leah. I want you to keep shinning your light in me. Hindi ko man maipapangakong mapapasaya kita palagi, pero sana..... sana bigyan mo ako ng pagkakataong magmahal" saad nito at hinalikan ang kamay ko.
Matagal akong nakipagtitigan sa kayumanggi nitong mga mata. Hinding hindi ko makakalimutan ang maamo nitong mukha.
"What now? Are you going to marry me Leah Winter?" Tanong nito napanguso naman ako dahil hindi nagpapaawat ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Alvis, I will marry you Sebastian. Kahit hindi ka marunong magpropose wala akong pakialam" natawa ako ng mahina sa dulo hindi ko mapigilang maluha.
Isinuot na nito ang singsing sa palasingsingan kong darili. My heart was just filled with too much joy.
Tumawa ng mahina si Alvis at niyakap ito ng mahigpit. Hindi ako makapaniwalang isang milyonaryong papakasalan ang katulad kong hindi maganda ang naging nakaraan.
Hindi na ako makapaghintay na pakasalan sa itinakdang araw. Kahit hindi ko pa lubos na kilala si Alvis ay tatanggapin ko ang kahit an anong tungkol dito.
I wanted to stay with him too, for the rest of my life.
~after three months~
Maingat akong bumangon sa kama at tinignan ang orasan sa bedside table. Pasado ala-una na ng madaling araw.
Wala sa tabi ko si Alvis nang magising ako hinanap ko ito at nakita kong nakatayo malapit sa glass wall.
Pinagmamasdan nito ang mga kotseng umaandar. Tumayo ako at lumapit dito upang yakapin ang bewang mula sa likuran.
"Alvis, what's wrong? Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko dito at pumihit naman ito paharap sa akin.
"Hindi ako makatulog" saad nito and then i pouted my lips.
"Bakit? Nagdadalawang isip ka pa bang pakasalan ako?" Birong tanong ko dito. Isang linggo nalang ay ikakasal na kami.
"That will never happen" saad nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Nagtitigan pa kami bago ako pinangko ni Alvis patungo sa kama at kinandong sa mga hita nito.
"Naisip ko lang na bakit mo ako papakasalan kahit may mga bagay ka pang hindi alam tungkol sa akin" saad nito at hinaplos ang aking pisngi.
Bakit? May hindi pa ba ako alam dito? Handa na ba itong sabihin sa akin ang buong pagkatao nito? Tanong ko sa aking isipan.
Bumuntong hininga ito. His brown eyes were unsure for a while before sadness filled them.
BINABASA MO ANG
[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped Me
ActionSi Leah Winter ay isang biktima ng panggagahasa. Hinahabol ito ng kanyang mga kamag anak upang halayin ulit. Habang humahanap ito ng makakain kinidnap ito ng nagngangalang Alvis Sevastian. He's a millionaire. He's tall and handsome. Tinuruan ni Alvi...