Time check 5:30 am.
Maaga akong nagising upang sanayin si Leah na ipagtanggol ang kanyang sarili.
Naligo ako at nagsuot ng sports tshirt, jogging pants, at sapatos na nike.
Pumunta ako sa kanyang kwarto ngunit tulog mantika.
Niyugyog ko ito ng niyugyog hanggang sa magising.
"Bakit ba!" Sigaw nito
"Maligo ka na eexercise na tayo pumunta ka sa gym room" seryosong saad ko at umalis sa kanyang kwarto.
"Sige na!" Sigaw nito
Tuluyan na akong umalis at tumungo sa gym room.
-after 20 minutes
"Sumuntok ka sakin" sumuntok siya pero napakahina.
"Suntok pa, ayan na ba ang lakas mo?" Nakangisi kong sabi sakanya.
Suntok ito ng suntok sakin ngunit hindi man lang ako nasaktan.
Sinuntok ko ito ng mahina sa braso ngunit natumba agad ito.
"Ano? Pag sinuntok ka pala ng lalake tumba ka na eh" sarkistong sabi ko dito.
"Suntukin moko sa dibdib" sabi ko
Sinuntok niya ako ng sunod sunod pero wala talaga.
"Kailangan mo pang sanayin ang sarili mo Leah dahil sa huli ikaw rin ang mahihirapan" sabi ko rito.
Ngunit nakaupo lamang ito sa sahig habang nakayuko.
BINABASA MO ANG
[COMPLETE] A Millionaire Kidnapped Me
AkcjaSi Leah Winter ay isang biktima ng panggagahasa. Hinahabol ito ng kanyang mga kamag anak upang halayin ulit. Habang humahanap ito ng makakain kinidnap ito ng nagngangalang Alvis Sevastian. He's a millionaire. He's tall and handsome. Tinuruan ni Alvi...