Chapter 24
Mark POV.
Tulala lang siya. Habang nilalabas ko yung saloobin ko.
Nakakabakla man pero pucha, umiyak ako sa harap ng classmates namin.
Nakatulala din yung mga kupal kong kaibigan. Sina Aron at Alwin de silva. Magkapatid sila at mga gago din na katulad ko. Pero binago ko sarili ko dahil sa taong mahal ko. Tangap ko kung ano siya dahil mahal ko siya.
"Hoy. Okay kalang?" Iyon talaga. Ang unang naisip kong itanong. Buwesit hindi nag function utak ko.
"Hmm. Ok lang. Salamat pala."
Kinakabahan ako. Baka tuluyan na niya akong ireject at iwasan, hindi ko kaya. Sana ay huwag naman, paranoid na ako. At pinag papawisan na ako ng malamig.
"Salamat. Dahil kahit anong gawin ko ay nandyan ka palagi. Hindi ka sumuko." Umiiyak siya.
Bakit?
Pinahiran ko yung luha niya.
"Kahit ganito ako ay mahal mo pa rin ako." Naluluha niyang sabi.
"Wala akong pakialam. Kung ano kaman. Basta mahal kita at wala akong pakialam kung anong tingin at sa sinasabi ng iba.
Tandaan mo. Akin ka at magiging akin ka JM. Ako ang nagmamahal sayo ng lubos, selfish ako, pagdating sayo." Seryusong sabi ko dito dahil sigurado na akong mahal ko siya.Naluha siya.
Ano gagawin ko baka tuluyan niya akong iwan.
Now or never susugal ako para malaman ko, kong may pag asa ba ako.
"M-mark masaya ako na nakilala kita. Ang buong akala ko ay wala ng tatangap sa kagaya ko. Oo mahal na din kita hindi ko to sinabi sayo dahil naawa ako. Sinabi ko ito dahil ito yong nararamdaman ko.
Binago mo. Yung nararamdaman ko sayo, akala ko ay puro away lang tayo. Pero unti unti kitang natutunan mahalin." Mahaba niyang sabi.Ang saya ko. Kaya agad ko siyang niyakap.
Kabaklaan man sa iyong paningin.pero mahal ko itong babae na bumago sakin.
Niyakap niya din ako.
Shit bakit ako kilig na kilig.
Ito yung the best birthday ever ko. Yeah hindi niya alam kasi hindi ko sinabi.
"Love. Can I kiss you?"
Tanong ko ngunit tinitigan niya lang ako."Hoy. Ligawan mo muna ako no?"
Taray talaga nito."Love. Kahit araw araw, kitang ligawan at tsyaka matagal na akong nanliligaw sayo. Kaya tatanungin kita. Can you be my girlfriend?" Deretsa kong sabi.
Walang atrasan na ito.
Ayukong maagaw pa siya ng iba, lalo na ng nerd na iyon. Hindi ako bobo para hindi mapansin na may gusto siya sa gf ko.
Hahaha kapal talaga gf agad dipa sinasagot.
"Y-yes. sinasagot na kita." Nauutal niyang sabi dahil kita kung namumula siya dahil sa dami ng makakita ng pag amin niya sa akin.
Tumalon ako sa tuwa grabe.
"Yehey. Hindi ka magsisisi love." Sabay kiss sa pisngi. Gentleman ako sa taong mahal ko.
Binulungan ko siya.
" The best birthday ever." Sabi ko kayst nagulat siya.
Hahaha ang cute niya.
10/10/20 sinagot niya ako.
A/N: Maraming. Salamat.💗💗
Sa lahat ng nag babasa at bumuto nitong kwento ko ay nagpapasalamat ako. Sa mga magbabasa pa lang ay huwag kalimutan na bumuto at magkumento sa aking kwento.Itutuloy......
![](https://img.wattpad.com/cover/209300385-288-k532451.jpg)
BINABASA MO ANG
Prince Turn Into Princess
Teen FictionIsang babaing pusong lalaki, na bigla na lang iniwan. Paano kong biglang magmahal siya ulit, pero sa lalaki na abangan lahat ng mangyayari sa kwentong ito. Sa lahat ng mangbabasa maraming salamat sa inyo, sana ay magustuhan ninyo. Ang kwentong...