Pretending

77 17 6
                                    

Chapter 53


Cedrick POV.

Mag mula ng mamatay si tita Alexis ay parang namatay na rin si mayie.

Kahit gusto kong mainis dahil palagi na lang siyang nagkukulong  sa kwarto ay wala akong magawa.

Hindi na rin siya pumapasok dahil wala na itong gana . Kaya lagi ko siyang pinupuntahan sa bahay niya na kahit pagod na ako.

Pero hindi ako sumusuko dahil ako na lang ang meron siya at ayaw kung hayaan na lamunin na siya ng lungkot. Nagpapangap lang ako na ayos lang kahit na nasasaktan ako sa nakikita ko. Ipinapakita ko na masaya ako kahit ang sakit sakit na makita mo yung mahal mo na subrang lugmok sa kalungkutan.

Na hindi mo alam kung kailan mo muli makikita yung dating saya sa mga mata niya.

Nakarating na ako sa bahay niya. Huminga ako ng malalim bago pinindutin  ang door bell.

May mga pagkain ako na dala dahil alam ko na hindi siya kumakain. Hindi ko alam kung suicidal ba talaga siya.

Pag bukas niya ng pinto ay nasilayan ko na naman ang mukha niya, na may mga malalamig na titig yung wala nang kinang sa mga mata.

Hindi nga niya napansin na pilit na lang ang pag ngiti ko.

Isinawalang bahala ko na lang dahil masakit talaga ang mawalan at lalo't hindi lang isang beses nangyare.

Tatlong beses kang iniwan. Hindi ka ba mababaliw non? Syempre oo. Kasi mahal mo yung mga tao na yun.

Umupo kami sa sofa tinitingnan ko lang siya.

Nagulat ako ng sabihin niyang huwag na akong bumalik at maghanap na lang ako ng jowa? Hindi ba niya nararamdaman na siya lang ang kasiyahan ko?

Kahit masakit na sabihinan ako ng ganun ay  tiniis ko na naman. Nagpangap na naman ako na ayus lang.

Dinaan ko na lang sa pakwela para kahit papaano gumaan ang loob ko. Kahit gusto ko nang sigawan siya para ako naman ang mahalin niya pero hindi p'wedi dahil hindi pa siya nakaka move on kay mark.

Mahirap pumasok sa isa pang relasyon kung alam mo na hindi pa siya nakakalimot. Ikaw lang ang masasaktan sa dulo.

Tulala na naman siya hindi ko na alam ang gagawin.

Kaya inaya ko siyang lumabas dahil ilang lingo na siyang kulong sa bahay. Namumutla na rin siya  dahil hindi nasisinagan ng araw at nangangayayat na.

Tinangihan na naman ako sa paanyaya ko na lumabas kami.

Tinatamad raw siya kaya wala akong magawa kung hindi pagpasensyahan ulit siya. Paano ka makakaahon kung ayaw mong bumangon gusto ko iyon sabihin pero parang napipi na ako dahil ayaw kung dag dagan yung sakit  sa puso niya.  Tulungan mo ang sarili mo mayie gusto ko iyon isigaw pero wala akong lakas na gawin iyon.

Nang sabihin niya na gusto niya ng yakap ay pinagbigyan ko na dahil pabor iyon sa akin. Hindi sa minamanyak ko siya kundi gusto kong ilabas itong sakit sa dibdib ko.

Nang yakapin niya ako ay umiiyak ako ng tahimik. Ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa pinaghalo galing emosyon. Alam kong maririnig at maramdaman niya ito pero wala akong pakialam.

Subrang sakit na dahil wala akong magawa para sa kaniya. Punong puno na ako sa sakit dahil wala akong kwenta dahil  hindi ko siya mapasaya. Pagod na akong umunawa sa kaniya pero mahal ko siya kaya nandito pa ako para tulungan siyang bumangon.

Kahit inaaway na ako ng family ko dahil lahat ng oras ko ay nasa kanya na pero mas pinili ko siya dahil mas kailangan niya ako.

Kahit hindi ko na lang na maramdaman na mahal niya ako basta nasa tabi lang niya.

Handa akong mag paka marter para sa kanya kahit kaibigan lang ang tingin niya.

Subrang higpit ng yakap ko sa kanya dahil wala ngayon ko lang lahat nilabas lahat ng  naipon na bigat sa dib dib ko. At dahil ito ang pinaka magandang nangyari sa akin ngayon dahil ito yung unang nayakap ko siya kaya sinusulit ko ang mayakap ko siya.

Nang kakalasin na niya ay pinigilan ko, kahit limang minuto lang please. Gusto ko lang sulitin na kayakap ka at mapawi itong sakit na nararamdaman mo.




Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya  at nakita niya na umiyak ako. Pinunasan ko yung luha na pumatak na galing sa mga mata niya. Imbis yung luha ko ang punasan ay sa kaniya ang inuna ko.

Bakit ka umiiyak? Naaawa kaba? O kahit minsan ba ay mahalaga din ako d'yan sa puso mo. Gusto kong isa-tinig pero naging pipi ako para sabihin iyon.

Nang tanongin niya ako kung anong problema ay hindi ko ito sinabi dahil hindi ko alam kung kaya ko. At bakit pa para maawa at iwan niya ako at ipag tabuyan kaya huwag na lang.

Kahit masaktan ako ng paulit ulit basta siya ang kasama at handa akong maging sandalan kahit bilang kaibigan lang.

Masokista siguro ako, ang kaso wala mahal ko siya kahit hindi niya alam, patuloy ko parin siyang mamahalin.










Ikaw? Gagawin mo rin ba na huwag siyang iwan kahit sa tingin mo na wala ka ng chance, dahil mahal parin niya ang dating kasintahan at sinisisi parin niya ang pagka wala ng kanyang nanay?

Ako kasi oo dahil mahal ko siya at walang hangan ko siyang mamahalin.

Hihintayin mo munang maka limot siya, bago ka pumasok sa puso niya. Mahirap na buoin muli ang tiwala pag nasira na ito ng una.

Next Chapter. Abangan.💗💗

Next. Update.💗💗💗

A/N: I dedicated this chapter to ammeyyaa na laging sumusupport sa aking kwento. I love you bb.💗💗

Prince Turn Into PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon