Meet Her Mom

99 23 5
                                    


Chapter 25


Mark POV.


Nagtatampo siya sakin. Dahil hindi ko sinabing birthday ko. Lalambingin ko na lang mamaya.

Uwian na. Kaya kinulit kuna dahil kanina pa kasi ako iniisnob.

Hahaha cute niyang mag tampo.

"Love. Pansinin mo naman ako, sorry na. Huwag ka ng magtampo, promise hindi na ako mag lilihim." Kulit ko sa kaniya.

"Okay sabi mo yan ah?" Paninigurado nito.

"Hmm. Love hatid kita sa inyo. P'wedi?" Tanong ko dito.

"Mm. Okay naman, tamang tama hindi ko dala yung baby ko." Yung ducati na sasakyan na laging dala  niya.

"Okay sige,  tara na?" Aya ko  dito dahil uwian na nga.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at nag drive na ako. Pagkarating namin sa bahay nila ay pina tuloy niya ako .

Mark. Tara pasok dahil pakilala kita kay mama.

"Okay." Maikli kong sabi.

Kinakabahan ako. Paano kung ayaw sakin ng mama niya.

Shit.

Hinawakan niya ang kamay ko dahil halatang kabado ako eh.

Hindi ako prepared.
Ngiting pilit lang.

Pero bakit ba ako kinakabahan, malinis naman ang intensyon ko sa anak niya.

"Okay love." Sabi ko.

"Nanay dito na ako, may papakilala pala ako sayo." Sigaw niya.

Kahit balahura man ito, sa paningin ko ay maganda parin siya at mahal ko pa.

"Oh! Naku bakit ka nasigaw?" Lumabas ang nanay niya at nakita ko  na mukhang sa nanay niya siya nagmana.
Maganda ang nanay niya at parang mag ate na lang kong titingnan.

Kahit na.

Kay my loves parin ako hehe.

"Ma! Boyfriend ko pala, si Mark kim Almazar." Pakilala niya sakin sa mama niya.

Tiningnan akong mabuti ng nanay niya. Na parang bang inaalala ako.

"Hmm. May kahawig ka?" Ang sabi niya.

"Ho? Sino po?" Sino naman iyon?

"Anong pangalan, ng mga magulang mo iho." Tanong nito sakin.

"Ana at Alfred Almazar po." Magalang kong sabi.

"Ana? Kaibigan ko iyong nanay mo noong nag aaral pa kami. Kaso nawalan na kami ng connection, noong magsing asawa at trabaho na kami" kwento nito sa akin habang katabi ko si mayie na nakikinig lang sa sinasabi ng mama niya.

"Ah." Nakahinga na ako ng maluwag, akala ko ay  iba na.

Paranoid lang.

"Okay. naman po sila tita" nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Oh! Kilan pa pala kayo ng anak ko iho?" Tanong sakin ni tita Alexis.

"Kanina lang niya po ako sinagot tita." Magalang na sabi ko.

"Alagaan mo  ang anak ko dahil ayukong masaktan pa ulit ang anak ko." Deretsa niyang sabi sakin.

"Opo. Hindi ko po maipapangakong hindi siya iiyak sakin.love pero papatunayan kong, ang magiging dahilan ng pagiyak mo ay masaya ka." Sinasabi ko iyon habang  nakatingin sa mga mata ni mayie.

"Ayie sige dito kana maghapunan." Kinikilig pati si tita sa banat ko hahaha. Ayun libre pa kain ko dito hehe.

Natupad din ang dasal ko.
Na makasama ka araw araw, sa lungkot at ligaya sa kasaganaan at kapighatian. Ayun nagiging mais na ako.

Ngayong araw. Papatunayan kong hindi siya nagsisi na minahal mo niya ako.

Naghanda na si tita Alexis.

Nagdasal muna si my loves, bago kumain.

Ang swerte ko dahil siya ang binigay ni lord.

Napadami ang kain ko. Ang sarap kasi magluto ni tita eh.

"Ako na d'yan magliligpit mark." Sabi ni mayie.

Hmmm. Naisip ko bigla na wala pala kaming call sign ni loves.

"Ano tawag mo sakin?" Tanong ko

"Mark. That's your name naman eh." Nagtataka ng tanong nito sakin.

"Wala ka talaga kasweetan sa katawan, love na lang tawagan natin." Nakabusangot ko na sabi.

"Okay iyon lang pala. Kung ano na pinagsasabi mo kung ymuwi kana kaya. Ingat sa byahe ah. Wag na pagala gala okay i love you love." Sabay kiss sa lips.

"Okay po boss. Love i love you more." Sabay kindat ko hahaha wala lang trip ko lang kumindat sa gf ko.

Natatawang hinatid niya ako sa gate. "Oh! siya pasok kana, baka hindi kana tumangkad." Hahaha pambibiro ko.

Luh.

Asar talo dahil pinag babayo yung balikat ko.

"Oo. Sorry na mhuaps, sarado muna gate at tatawag ako pagkarating ko." Sabi ko dito habang tinutulak ko na siya papasok ng bahay dahil nasa gate na nga ako.

"Oo. Wala tuloy ako regalo sa birthday mo ngayon nakaka inis ka subra." Irita nitong sabi.

Hahaha. Akala ko nakamove on na. Hindi pa pala.

"Okay na sakin ang regalo mo. Ang sagutin mo ako. Hindi ko kailangan ng mga material na bagay dahil ikaw lang ay sapat na sakin." Banat ko dito.

"Okay. Sige umuwi kana dahil ayukong mabangasan ka at paguwi ay tawagan mo ako ah." Bossy nitong sabi. Hindi man lang kinilig kung sa iba ata ko iyon sinabi ay naglupasay na at lumuhod pa sakin. Kakaibang nilalang ka talaga love.

"Opo boss love." Nakangiti na sabi ko sabay saludo pa.

Sinarado na niya ang gate kaya pinatakbo ko na ang sasakyan ko.

Pagkauwi ko ay nagmano na ako kay mama at papa.

Naisipan kong itanong kung kilala niya si Alexis vellafuerty at xander vellafuerty.

"Ma! Pa!" Tawag ko sa dalawa.

"Oh. Nak? Bkit?" Takang tanong  ni mama habang kasunod nito si dad.

"Ma. May kilala kang Alexis at xander vellafuerty?" Tanong ko dito.

"Hmmm. Bakit nak? Kaibigan naming dalawa ni dad mo  anak. noong nagaaral pa kami." Sabi ni mama

"Ma. Kinukumusta ka at doon ako galing kasi hinatid ko ang gf ko." Sabi ko dit.

"Wow. Binata na ang anak natin alfred." Manghang sabi ni mama.

"Ma. Matagal na akong binata at ipapakilala ko siya. Not now siguro tomorrow." Sabi ko sa kanila ni dad.

"Kumain na ako doon ma kaya sleep na ako." Paalam ko dito sabay halik sa pisngi nila mama at dad.

"Okay anak." Sabi nito.

Umakyat na ako  dahil tatawag pa ako sa girlfriend ko.

A/N: maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa aking gawa. Mahal na mahal ko kayo. Huwag kalimutan na bumuto at mag kumento sa aking kwento.
Next update.💗💗

Itutuloy....




Prince Turn Into PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon