Chapter 54.
Cedrick POV.
May pasok ngayon pero hindi ako pumasok dahil balak ko sanang mag bakasyon kahit hindi pa talaga bakasyon.
Gusto kong ma unwind naman si mayie dahil palagi na lang siyang nagkukulong at tulala sa kawalan.
Hindi ko siya masisisi dahil ilang beses na siyang nasaktan at wala ako noon para tulungan siya dahil naging duwag ako para lapitan siya.
Buti nga ay pinayagan ako na lumiban ng tatlong araw. Kahit tatlong araw lang makita ko lang muli yung ngiti ng mahal ko.
Ayukong sumuko at panghinaan na naman dahil ang sakit na makita siyang nagdurusa. At dahil ayukong paulit ulit na magsisi dahil nawala na naman siya sakin at sa maling tao pa ulit mag mamahal.
Nasa byahe na ako dahil papunta na ako sa bahay ni mayie. May dala rin akong prutas at pagkain. Hindi ko na rin alam kung anong sasabihin ko sa school sa hindi na tuluyan nito na pagpasok.
Huminga ako ng malalalim at pinakawalan ito at ng pipindutin ko na sana yung doorbell ay siya naman na pag labas nito.
"Oh! Ced ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumasok?" Takang tanong nito.
"Eh. Hindi ako pumasok pero nagpaalam naman ako sa school at pinayagan naman ako na tatlong araw akong mawawala."
"Ha? Buti pinayagan ka?" Kainis ang manhid talaga. Hindi ba niya napapansin na gusto ko siyang kasama.
"Eh. Oo at kasama kita sa pupunta ko." Nagaalangan kong sabi kasi baka ereject na naman yung paanyaya ko.
"Hm? Saan naman tayo pupunta? At bakit mo naman ginawa yun. Paano studies mo? Dahil sakin babagsak ka na niyan?" Kainis. Kelan kapa dumaldal mayie ang sakit mo sa ulo. Mas gusto ko na lang na tahimik ka tuloy. Pero ayuko ng lagi kang malungkot dahil nasasaktan din ako.
Bago pa siya ulit magtanong ay hinila ko na siya dahil baka masabi ko sa kanya na ginagawa ko ito dahil mahal ko siya na kahit na bumagsak ako sa mga grado ko kaya ko pa itong balikan at kahit na mapabayaan ko na sarili ko basta huwag lang siya.
Ganun ako magmahal marter man kung tatawagin nilulubos lubos ko lang na akin pa siya. Dahil hindi ko alam sa susunod kung nasa tabi ko pa siya.
Tahimik lang ako na nag mamaniho at pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Nakasimangot na naman siya na akala mo ay kinidnap ko, hahahaha parang bata. Kaysa pansinin ko siya ay nag drive na lang ako baka sa kakatingin ko sa kanya ay maaksidente pa kami.
Ang layo ng byahe namin dahil pupunta kaming bagiou dahil masaya doon subrang tagal ng byahe papuntang bagiou from manila. Masarap kasi ang strawberry doon at gusto ko lang na matikman yung jam at yung fresh na strawberry.
Pagkarating namin sa place ay namangha siya. Kainis kung naisip ko na ito pala ang makakapag papasaya sa kanya ay dapat ginawa ko na ito una pa lang.
Tumakbo siya na parang bata at pumunta sa mga magsasaka? Yun ba ang tawag sa nagtatanim ng strawberry? Kainis dahil hindi ko alam pero masaya na rin ako na masaya siya ngayon.
Tumakbo siya habang kinukulit ang mga ito. Medyo natutuwa din ang mga ito na may bisita sila.
Nagulat ako ng bigla niyang kainin yung fresh strawberry kaya hindi ko napigilan na suwayin siya.
"Hey. Hugasan mo muna yan." Sita ko sa kanya. Daig pa na bata ang ina alagaan ko ang hyper niya masyado.
Napasimangot lang ito sakin. Buti mahal kita kung hindi naku.
"Eh. Kainis. Gutom na kasi ako tapos mukhang masarap pa ito." Nakapout na sabi nito.
Naku mukhang namula ata ako dahil naramdaman kong umiinit ang tenga at leeg ko.
Shit.
Pero mukhang manhid itong kasama ko dahil hindi nito napansin. Kainis dahil gutom na pala siya pero bakit hindi niya sinabi? At ang bobo ko rin dahil hindi ako nagtanong.
Maya maya ay may lumapit na matanda.
"Iho. Mukhang gutom na asawa mo kung gusto niyo ay doon na kayo mananghalian sa may karenderya malapit dito." Asawa? Mukhang masaya ito hahaha. Bagay ba kami? Naku assuming lang.
Napansin ko na namumula si mayie, ano naman nangyari dito. Dahil sa gutom na rin ako ay nagpasalamat na kami kay tatang. Tanghali din naman kasi at dahil masyado kasi akong excited. Maya maya ay naalala ko na may pagkain at prutas ako sa kotse .
Kaya agad ko itong kinuha ko at inihanda dahil sa gutom na ang taong mahal ko.
Nang nahanda ko na ay hindi na ito umiimik dahil abala ito sa pagkain. Medyo napa dami ito ng kain at hindi pa rin ito naimik.
Napansin ko na subrang laki ng ikinabagsak ng timbang niya. Kaya naisip ko na papatabain ko siya, hahaha hindi naman mukhang baboy pero gusto kong ibalik yung dating siya yung masayahin pero cold sa iba.
Napapangiti na lang ako sa naisip ko. Sana maging success itong plano ko na bumalik siya sa dati.
Ikaw ? Gagawin mo rin ba ito? Pipiliin mo siya over your priorities in life.
Kasi ako oo.
Lahat pweding balikan. Studies mo at grade mo kasi p'wedi mo naman itong ulitin e.
Basta sa mahal mo isasacrifice mo lahat. Karupokan man pero nagmahal ka lang naman.
A/N: I dedicated this chapter again to ammeyyaa na laging sumusupport sa aking kwento. Thank you bb.💗💗
BINABASA MO ANG
Prince Turn Into Princess
Fiksi RemajaIsang babaing pusong lalaki, na bigla na lang iniwan. Paano kong biglang magmahal siya ulit, pero sa lalaki na abangan lahat ng mangyayari sa kwentong ito. Sa lahat ng mangbabasa maraming salamat sa inyo, sana ay magustuhan ninyo. Ang kwentong...
