Chapter 49
JM POV.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Medyo malabo sa umpisa pero kalaunan ay nakakita na ako.
Hinanap ko sa paningin ko si nanay pero wala siya, nasaan na kaya? Hindi ko siyaakita.
Si Cedrick lang ang naroon na tulog at naka hawak ito sa mga kamay ko. Nakita kong maraming naka kabit sa akin na aparatos.
Tinangal niya ito kaya naalimpungatan si Cedrick kaya nagising na ito at nakita niya akong nakatingin sa kanya.
Nagulat ito kaya hindi ito nakaimik agad at nakita ko sa itsura niya na halatang hindi siya nakatulog ng maayos.
"Kanina ka pa gising? Tanong niya habang kinukusot ang mata. Hindi ata makapaniwala na nagising na ako.
" Hindi ngayon lang ako nagising." Nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako sa kanya dahil siya ang nagalaga sakin. Halata kasing dito siya natutulog habang binabantayan ako. Dahil bago ko kita tingnan kanina ay napansin ko yung mga gamit na mukhang sa kaniya iyon.
Nakita ko na may mga baon siyang damit kaya napaisip ako. Nasaan si mama bakit hindi ko siya nakita pagkagising ko, may tampo ba ito sa akin?
"Hmmm. Cedrick dumalaw ba si mama?" Kinakabahan ako baka kasi magalit ito kaya hindi siya pinuntahan.
"Hmm. JM ano Kasi, nasa ICU si tita comatose siya dahil siya lang ang nagdonate sa iyo ng dugo para mabuhay ka!" Malungkot na sabi nito.
Ano? Comatose si nanay? Kasalanan ko ito. Sana hindi umabot sa ganito na pati si nanay ay madadamay, ako lang naman ang nagdala sa kanya sa ganitong setwasyon dahil naging makasarili ako.
Nanghihina na napapikit ako dahil hindi ko kinaya yung nalaman ko. Nanunuyo lalo ang laway ko dahil hindi ko maproseso ang nangyari sa buhay ko.
Gusto ko siyang puntahan.
"Please Cedrick. Gusto ko siyang makita!" Nagmamakaawa ako dahil ayukong mawala sa akin ang kaisa isang ala ala ni papa.
Dahil sa paos na ako kakaiyak inabutan niya ako ng tubig at inalalayan niya ako.
Tumawag siya ng nurse para tulungan siyang ilagay ako sa wheelchair.
Kahit ayaw ni cedrick na magkikilos ako dahil 2 weeks na akong tulog dahil sa nangyari.
Wala siyang nagawa dahil makulit ako.
Kabado ako dahil hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko dahil nasa loob lang naman ang nanay ko at dahil sa akin.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Pinihit ko ang siradura habang tulak tulak ang wheel chair ni Cedrick.
Nakita ko na punong puno ng aparatos ang nakakabit sa katawan ng nanay ko, naawa ako sa kalagayan niya. Inaalo ako ni Cedrick dahil bumuhos lahat ng luha ko at nasaktan na naman ako, pero wala akong paki kung humagulgol ako kakaiyak. Maya maya ay tumunog ang aparatos na nagsisilbing gabay ng doktor para makita ang heart breat ng pasyente.
Pababa ito ng pababa dahil sa nangyari kaya ay pina labas kami ni cedrick, halos nagwala ako dahil ayaw kong umalis sa tabi ni nanay dahil mas kailangan niya ako.
Wala na akong nagawa ng isarado na ng doktor ang pinto, iyak ako ng iyak habang sinisisi ang dyos kung bakit niya ako pinabayaan. Nakatingin lang ako mula sa labas ng pinto habang pinipilit nilang erivive si nanay, wala akong marinig kundi tunog lang ng machine ang naririnig ko na para bang tumigil ang ikot ng mundo ko. Nag breakdown na ako ng makita kong wala na siyang hear beat sa monitor dahil isang linya na ito.
Wala na ang nanay ko iyon ang tumatak sa kaniyang isipan. Wala na ang kaisa isang nakakaintindi sa akin at dahil sa akin kaya nawala siya.
Ang sikip ng dibdib ko para akong sinaksak ng sinaksak ng paulit ulit hangang sa dueog na durog na ito.
Wala na yung kinukuhanan ko ng lakas na bumangon ulit.Wala na ang gagabay sa akin kung minsan ay mali ang daang tinatahak ko.
Wala na yung totoong tumangap sa kagaya ko na kahit hindi kami tangap sa lipunan ay minahal niya akong buong buong.
Dahil sa akin.
Ako mismo ang pumatay sa kanya.
Mas pinili niyang iligtas ako kapalit ng buhay niya.
Ang sama sama ko.
At ngayon hindi ko alam kung saan ulit ako maguumpisa dahil wala na akong pamilyang masasabi dahil magisa na ulit ako.
Patay na lahat ng sistema sa katawan ko dahil parang namatay na din ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Yakap yakap parin ako ni Cedrick at hindi niya ako binitawan kanina pa hangang sa mahimas masan na ako.
"Cedrick paano na ako! Kasalanan ko ito dahil naging makasarili ako at ngayon wala na siya hindi ko na alam ang gagawin ko?" Namumugto na ang mga mata ko.
"Shhh. Huwag kang mag alala dahil nandito pa ako, huwag kang mawalan ng pag asa tutulungan kita na bumangon!" Sabay halik sa noo ko. Wala na akong alam na malalapitan kundi siya lang.
Pumasok na kami sa loob ng kwarto, pagkaalis ng doktor at mga nurse. Nakita ko nakatakip na ng kumot ang buong katawan ni nanay.
"Nanay. Sorry sana mapatawad mo ako dahil naging makasarili ako dahil akala ko ay hindi ko na maramdaman ang sakit pag nawala ako at hindi ko rin naisip na magaalala ka sakin." Hawak hawak ko yung kamay niya na ngayon ay malamig na.
Hindi ko na mararamdaman ang yakap at aruga ng nanay ko.
Dahil ako mismo ang pumatay sa kanya.
Patawad nanay hindi ako magsasawang sabihin ito sa iyo.
Umiyak ako habang si cedrick ay walang imik na nasa tabi ko.
Lahat ng bagay ay may kapalit. Isipin mabuti ng ilang beses bago ka mag decide.
Lahat tayo ay nasaktan pero nasa atin kung paano natin tatangapin.
Mahalin mo muna ang sarili bago ang iba mga linyang galing sa ibang tao pero mahirap mapangatawanan ano nga ba ang gagawin mo?
Nasa sayo na kung ipagpapatuloy mo pa o ititigil muna dahil masakit na.
Walang naimbento na gamot para sa sakit na nararamdaman kundi hintayin mo na hilumin ka at mawala ito.
A/N: Maraming salamat. Kung nagustuhan niyo ito.💗💗
Please support my story.💗💗
Next update.💗💗
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Prince Turn Into Princess
Teen FictionIsang babaing pusong lalaki, na bigla na lang iniwan. Paano kong biglang magmahal siya ulit, pero sa lalaki na abangan lahat ng mangyayari sa kwentong ito. Sa lahat ng mangbabasa maraming salamat sa inyo, sana ay magustuhan ninyo. Ang kwentong...
