Mutual Understanding

78 14 0
                                    

Chapter 58

Mayie POV.

Mula ng pabalik namin sa bagiou ay parang may nagiba na sa amin at sa akin dahil lalong kung nagugustuhan si cedrick na akala ko dati ay panghanga lang pero lalong lumalala.

Magkasama kami ngayon dito sa mall dahil nagpasama siya sa akin dahil may bibigyan  daw siya ng regalo kaya nakasimangot ako habang sinusundan ko siyang mamili  ng pang regalo.


Nakakainis kasi wala naman ako kilala ng babae na binigyan niya ng regalo pero malay ko ba kung may nakilala siya habang absent ako.

Pumasok na ako  sa school pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon, nakapag isip isip din ako na ayaw kung malungkot si nanay dahil ginawa kung miserable ang buhay ko.

Kanina pa kami paikot ikot dito sa SM pero mukhang mapili ata yung reregaluhan niya kasi nahihirapan siyang mag decide kaya nilapitan kuna kahit nagseselos na ako.

"Oy. Ano na? Kahit ano naman magugustuhan nun."  May kinuha ako sa istante na pabango buy 1 take 1 siya at mabango siya dahil inamoy ko at nag spray ako  sa may tester.

"Salamat."  Maikli niyang sabi.

Nginitian ko na lang siya na hilaw kasi nasusura na ako sa attitude niya ngayon.
Interesting sakin kung sino yung babae na iyon.

Naalala ko bukas na ang birthday ko at hindi ko iyon sinabi kay cedrick kasi nagpaalam ito na may lakad ito bukas.

Matapos niya akong halikan may nagugustuhan na pala tsk. Mga lalaki nga naman.

Pagkatapos namin bumili sa SM ay kumain na kami sa mang inasal dahil  gutom na gutom ako kaya ay nakalima akong kanin.

"Sana inanim mo na yung kanin, nahiya kapa kay kuya na taga ibigay ng kanin." Pangaasar niya sakin.

Inirapan ko na lang dahil asar parin ako sa kaniya.

Nagyaya itong pumunta ng arcade para maglaro at dahil inaya niya ako  kaya  ngayon ay magkalaban kami hehe.

Syempre nanalo siya  kaya mas lalong humangin na naman. Pagkatapos namin sa arcade ay pumunta kami sa supermarket para bumili ng ice cream at snacks para may stock daw sa bahay.

Daig ko pa ang may sugar daddy dahil bata pa ako ay bawal pa ako mag work kaya siya ang tumutulong sakin para bumangon muli.


Pagod na pagod kami dahil ang dami naming napuntahan at kinainan dahil libre niya ako kaya sinagad ko na pero hindi naman siya mababa-bankcrupt agad kasi petmalu si lodi at werpa ang business nila. Ayan napa ano tuloy ako pero hindi sa pinipirahan ko siya pero balang araw ay masusuklian ko rin ito.


Nakarating na kami sa tapat ng bahay at ng bababa na siya ay  pinigilan ko kasi  may sasabihin ako.

"Hmmm... Ced thank you sa lahat ng ginagawa mo sakin. Naapreciate ko  ito ng malaki." Ngumiti lang ito na  pang lag lag panty susko labas 32 na ngipin.

Joke lang hehe pero totoo ang lahat ng sinabi ko at walang galing kaplastikan.

Ginulo lang nito yung buhok ko at bumaba na para  pagbuksan ako ng pinto.

I know na kahit may feelings na ako kay ced ay hindi ko maiwasan na mangamba kung kagaya ulit siya sa  mga past ko na iiwanan lang ako pag hulog na hulog na ako.

"Oy. Natulala kana sa kagwapuhan ko."  Hindi  ko alam na natulala  na naman ako at sa harap ko na siya.

Kaysa pansinin ko ang sinabi niya ay binuksan ko na lang ang gate at dahil dala niya lahat ng foods at snack na binili niya ay  nauna na akong buksan ang pinto at ng tapos ko ng gawin ay tinulungan ko na siya sa bitbit niya.



Pagkatapos naming maglagay ng mga pinamili ay tinulungan niya akong maglinis ng bahay hehe dahil medyo malaking din kasi ng bahay  namin at buti sabado  ngayon at walang pasok.

Para tuloy kaming mag asawa dahil habang nagsasasayaw siya habang nag mamap ng sahig ay pinupunasan ko ang tumatagaktak niyang pawis  kaya basang basa na ang T-shirt niya na pinahiram ko dahil hindi ko tinatapon yung pang swaggers na mga damit ko.

Nagulat ako ng biglang niyang hubarin sa harap ko yung damit niya. Kaya bigla ko tuloy siyang nabatukan dahil  nagulat ako sa abs niya shit 8 packs na hahaha magiging manyak na tuloy ako.

Dahil hindi agad  siya nakapagreact sa ginawa ko ay tumakbo na ako sa banyo dahil pakiramdam ko ay naginit ang mukha ko dahil nakakahiya kaya yung ginawa ko dahil  malakas kaya  at nag  head bang  pa nga siya.


Ilang saglit lang ay nahimas-masan na ako pero nagulat ako dahil pag bukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang nakangising mukha ni ced. Kinabahan ako dahil hindi ko naman kayang aminin
na natetempt ako sa abs niya nakakahiya kaya iyon.

Dahan dahan akong lumabas  dahil nakasilip ako kanina  at pilit na ngiti lang isinukli ko.

Bigla  siyang lumapit sakin ng tuluyan na akong naka labas sa banyo.

Dahil wala akong maatrasan ay  sumandal na lang ako sa pinto at hinawakan ko yung siradura.

Nagulat ako ng maramdaman ko yung malambot niyang kamay na nakapatong sa kamay ko na nakahawak sa seradura.

Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Pumikit ako ng palapit na ang mukha niya sakin.

Kabog lang ng dibdib  ko ang naririnig ko.

"Hahaha epic failed yung mukha mo...
Ang sarap kunan ng  picture." Halos mamatay na ako sa kaba at siya  ay tuwang tuwa sa kalukuhan niya.

Umalis na ako sa harap niya dahil nahihiya ako kasi akala ko ay ha halikan niya  ako.

Buong araw ay hindi niya ako tinigilan asarin kaya para kaming mga batang  nagrarambulan, nag fellow fighting din  kami  nong maisipan naming  maglinis ng guest room.

Dito na siya kumain  ng hapunan dahil  tinamad na siyang umuwi kasi mukhang hindi na niya kaya pa mag drive kaya  ginamit  niya  yung guest room.

Naghilamos na ako  at nagpalit na  ako ng pantulog at pagkatapos ay naisipan  kong mag fb. Nakita kong  online si Angel  kaya  inistalk  ko ito at nakita kong married na ito kay  aljon? Wow revelation nga naman at buti naka move on na ako sa kanya.

Pinatay ko na yung phone kasi inaantok na ako.

Sa bawat taong umalis ay may taong darating para buoin muli ang nadurog mong puso.

Abangan.....


A/N:Hi guys  thank you for  supporting my story.

Don't forget to  click the star button for vote my story.

Next update.💗💗

Prince Turn Into PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon