Chapter 3

2K 46 0
                                    

Chapter 3

"Ahhh mataba! mataba! chubby!" sigaw sa akin ng nga kaklase ko.

"Hoy huwag niyong inaaway ang kaibigan ko she's not fa-!" pinigilan ko si Sofy dahil baka kung ano pang masabi niya, sa aming dalawa siya ang may lakas ng loob na makipag-away kahit ma-guidance siya ay okay lang sakanya basta naipagtanggol niya ako. Ayokong ma-guidance ulit siya ng dahil sa akin pati siya ay binu-bully na ng iba.

"Hindi raw mataba? 30kg ang bigat niya grade 2 pa lang tayo ang bigat niya na hahahah"

"Okay lang ang mataba atleast hindi pangit katulad niyo" pagtataray ko. Simula ngayon lalaban ako pero hindi ako mananakit ng pisikal gaya ng ginagawa ni Sofy ayokong gumaya sakanya dahil papagalitan ako ni Mommy lalo na si Daddy.

"Nye nye nye nye nye! edi inamin mo ring mataba ka hahahhaha" sabi ng kaklase kong babae. Gusto ko siyang patulan pero papagalitan ako ni Mommy.

"Ako mataba! ikaw payat mukha kang walis tingting blehhh" nilabas ko pa ang dila ko.

"Mas okay na ang walis ting-ting kesa sayo mukhang drum HAHAAHHA" sabi nung payatot na babae.

"Aba! sumusobra kana ah! ang pangit mong walis ting-ting hinahanap kana ng mga cleanwers kailangan na nilang magwalis sa labas!" sigaw ko at tinuro pa ang pintuan.

"Cleanwers daw? HAHAHHAHA cleaners yun bulol ka talagang mataba ka HAHAHAHHA. Kailangan ka rin nila baka nakakalimutan mo isa kang drum kailangang gamitin lagayan ng tubig pandilig sa halaman!"

"I don't care kung bulol ako atleast with high honors eh ikaw hindi ka nga nakakapasok sa top! at isa pa  ako malinis eh ikaw? pinangwawalis sa tae ng aso ni Ma'am Dulao bleehhh!" naiinis kong sabi.

"Blaaaahh! blahhhh! blahhhh!...Mataba! mataba! chubby! chubby! fat! fat. My name is Latifat fat fat na chubby fat! fat!🎶" dahil sa pagkanta ni payatot ay maraming tumawa kaya tumakbo na lang ako sa isang kwarto at umiyak naiwan ko tuloy si Sofy. Dahil sa pag uyak ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako nagising ako sa tapik ng isang batang katulad ko na chubby din.

"What are you doing here? Umiyak ka ba?" tanong niya sa akin tsaka inalalayan akong tumayo.

"I-inaway kasi ako ng mga kaklase ko, wala naman akong ginagawa sakanila bad sila sa akin" naiiyak kong sabi.

Niyakap niya ako. "Shhh, don't cry isumbong mo sila sa akin kapag binully ka ulit, ipapagtanggol kita okay?" pagpapatahan niya sa akin.

"Paano ka lalaban? hindi mo sila kaya eh mataba ka rin baka ibully ka nila"

"Porket mataba hindi na kayang lumaban mas malaki ang katawan ko sakanila.I don't want to see someone crying like you. You're beautiful so stop crying, don't be sad okay? I'll make you happier but first, I will make you stronger" pag mamalaki niya.

"Ewan ko sayo, aalis na ako blehhh" natatawang sabi ko. Paano siya mananalo eh isa lang siya tapos marami sila? tsaka isa pa sa aming dalawa mas mataba siya kaysa akin.

Nakita ko si Mommy nasa garden mabilis akong yumakap sakanya habang umiiyak. "Baby, where did you go? kanina pa kita hinahanap sabi ng teacher mo sa akin binully ka ulit totoo ba?" tumango ako binuhat niya ako.

"Gusto mo bang lumipat sa ibang school?"

"No mommy I want here, kahit binubully nila ako sa susunod po na mangyare ulit isusumbong ko po sayo" sagot ko.

"Okay basta sabihin mo sa akin pag sinaktan ka nila ha, para iguidance natin tandaan mo ang lagi kong sinasabi. Huwag kang bumawi dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli okay?" tumango ako at humalik sa pisngi niya. She's the best mommy in the wolrd.

Nagdaan ang araw na wala ng nambubully sa akin. Nakakapagtaka lang kasi ang bait na nila sa akin, lagi nila akong binibigyan ng foods kahit hindi ako humihingi.

"Bakit hindi na nila ako inaaway?" tanong ko sa kaibigan kong si Sofy ng bigyan ulit nila ako ng pagkain.

"Hindi mo ba alam?" tanong sa akin ni Sofy ang nag iisa kong kaibigan.

"Niligtas ka nung isang mataba sa kabilang section" nakangiting sabi niya.

"Huh? sino?" naguguluhan kong tanong.

"I don't know his name, pero ang sabi niya sa mga nagbully sayo ay ipapaalis daw niya sila dito sa school kapag inaway ka ulit nila"

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Siguro yung lalaking kinausap ako nung nakaraan baka siya. Ang galing naman natalo niya ang mga nagbully sa akin gamit lang ang salita hindi ang katawan hahahhaha.

Pagkatapos ng klase ay sinubukan ko siyang hanapin para magpasalamat pero hindi ko siya mahanap hanggang sa.

"Why did you do that? bakit ka nagsabi ng ganun sakanila hindi porket anak ka ng may ari ng school ay gagawin mo na 'yon" galit na sabi ng isang babae sa matabang nagligtas sa akin. Nagtago ako sa may pinto para hindi ako makita.

"Dahil nag bu-bully po sila sa taong walang kalaban laban. Mommy ikaw po ang nagsabi sa akin na kapag may naagrabyado po tulungan mo sa magandang paraan at iyon lang po ang alam kong paraan, mom kilala mo po ako ayoko sa lahat yung nasasaktan ng walang laban"

"Sorry son but hindi iyon ang tamang paraan para ipagtanggol mo ang kaibigan mo, promise me next time sabihin mo sa akin para ako ang gumawa ng paraan pwede kong kausapin ang magulang nila para turuan ng mabuting asal alright?" tumango ang lang siya sa ina niya at lumabas. Mabilis akong tumakbo sa may puno at nagtago para hindi niya malamang narinig ko ang pinag usapan nila.

"Lumabas kana diyan, I know narinig mo ang pinagusapan namin ni Mommy" sabi nung lalaki.

Lumabas ako at laimapit sakanya. "I'm sorry nagalit tuloy sayo ang papa mo dahil sa akin" 

"Hindi iyan ang inaasahan kong sagot" sabi niya.

Tumakbo ako at yumakap sakanya. "Thank you dahil hindi na ako nabu-bully, thank you so much" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi tsaka tumakbo.

"Mommy! I have a good news!" nakangiti kong sabi habang kumakain ng ice cream.

"What is it?" tanong sa akin tsaka binuhat ako.

"Mommy! wala ng nag-aaway sa akin"

Pinisil niya ang aking pisngi. "Really? mabuti naman"

"At alam mo po ba kung bakit wala na dahil may isang cute na lalaki ang nagligtas sa akin" kinikilig kong sabi.

"Who's this cute guy?" nanuksong tanong niya sa akin habang kinikiliti ako.

"Mommy stop it! hahaha...I forgot to ask his name but anak siya ng may-ari nitong school mommy!"

Kinwento ko lahat ng nangyare simula nung unang pag-uusap namin hanggang kanina. Natatawa pa ako hanggang ngayon kasi nakita kong namula yung pisngi nung lalaki kanina nung hinalikan ko siya. Ang cute niya talaga sarap pisilin nung pisngi niya.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon