Chapter 28

1.4K 32 0
                                    

Chapter 28

Pagkatapos kong makipag asaran sakanya ay nagpaalam siyang magpapalit ng damit. Tinatamad akong magpalit, hindi naman ako nilalamig kaya siya na lang pinauna ko.

"Susunod na lang ako" sabi ko at umalis na siya. Kasama ko si Noel at Sofy na naglalampungan.

"Mahiya naman kayo may tao dito oh" parinig ko sakanila. Pero mukhang hindi nila ako narinig nagtuloy lang sila sa paghaharutan. Mga ilang minuto lang ay nagpaalam si Sofy na mag c-cr lang.

Naglalagay lang ako ng kahoy sa apoy para hindi mawala ang apoy nang magsalita si Noel. "Tif...Chad told me that you're going to study in America" tumingin ako sakanya hindi ako sumagot hinayaan ko lang siyang magsalita.

"Pumasa siya sa Lunary States University isang sikat na school dito sa Quezon. It's his dream to study in LSU pero nagdadalawang isip siya kung mag-aaral siya sa LSU" malungkot na sabi niya. Naguguluhan akong tumingin sakanya.

"He choose you between his dream to study in LSU. You know that you are important to him, he can do anything just for you. Pero isang pagkakataon lang ang pwedeng ibigay ng LSU. Gusto niyang sumama sayo papuntang America. Tif I know that you know na malaki ang maitutulong ng LSU sakanya"

Gulat akong nakatingin sakanya. He never mention me about LSU. Bakit kailangan niya pang mamili? Nandito ang future niya, malaking chance na gaganda ang future niya dahil sa LSU. Pangarap ko rin na mag-aral sa LSU pero wala akong magawa dahil sila Mommy ang nag decide na sa America, hindi ko sila kayang suwayin.

Nanatili akong tahimik, wala sa isip ko na isama siya papuntang America. Ganun niya na ba ako kamahal para sumama siya sa akin at iwan ang pwedeng makatulong sakanya upang maging successful siya? Napangiti ako ng mapakla sa naiisip.

Hanggang sa pagtulog ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Noel. I tried my best to sleep but I can't. Masyadong maraming laman ang utak ko. Natapos ang dalawang araw namin sa Palawan pinilit kong maging masaya kahit papaano. Last na gabi namin ngayon bukas na ang uwi namin.

Umupo siya. "Babe are you okay? Lagi kong napapansin na tulala ka. Is there something wrong?" nag aalalang tanong sa akin ni AD.

Hindi ko na talaga kaya feeling ko sasabog na ang utak ko kaya nagsalita na ako. "Noel told me na gusto mong sumama sa akin" deretsong sabi ko sakanya.

Nakita kong nagulat siya dahil sa sinabi ko. "I'm sorry babe for not telling you about it. I don't want to stay away from you, you knew me kahit ilang minuto palang pagkatapos nating magkita namimiss na kita agad. Paano pa kaya ang taon?" malungkot niyang sabi.

Naiiyak ako dahil sa sinabi niya. Dinikit ko ang noo ko sa noo niya. "But babe...Your future is here. It's your dream to study in LSU and I want you to stay here and wait for me"

"You're my future and I can't wait, gusto kitang makasama oras-oras, minu-minuto"

"You're future is here...gusto rin kitang makasama but this is not about us, it's about you and your future here. Promise me that you're going to study in LSU and wait for me" nakangiting sabi ko sakanya.

Nahihirapan ako sa sitwasyon namin nung una okay lang dahil sa tingin ko naman ay kakayanin naming lumayo. Pero nung malaman kong gusto niyang sumama nag bago ang isip ko parang gusto ko ng mag stay para makasama siya pero hindi pwede.

"Okay...I promise to wait for you" hahalikan ko na sana siya ng bigla siyang lumuhod at may kinuhang maliit sa may cabinet na malapit sa amin and then I saw a ring, a diamond ring.  "Now it's time for you to promise me. Promise me that you're gonna accept my proposal pagbalik mo. I want to marry you as soon as possible pagbalik mo magpapakasal tayo agad sa ngayon singsing na lang muna para sigurado na" he said with a genuinely smile.

"I promised to marry you when I comeback" sinuot niya ang singsing at hinalikan ako. I kissed him back. I love this man so much, hindi ko kayang mapunta siya sa iba. Magkakamatayan muna bago maagaw sa akin.

Ang simpleng halik ay nauwi sa matagal na halik. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang parte ng katawan ko ramdam kong pinipigilan niya ang sarili.

"I want to taste you so bad" aniya sa pagitan ng halik namin.

Humiwalay ako sakanya. "No...it's not the right rime, kasalanan ang may mangyare sa atin habang hindi pa kasal. Let's wait until we married" nakangiting sabi ko at pinulupot na ang sarili ng kumot.

Napasimangot siyang tumingin sa akin at niyakap na lang ako. "I know, kaya ko namang pigilan. Sleep now don't think too much, okay?"

Nakatingin ako sa singsing na suot ko. "Goodnight. I love you my man" nakangiting sabi ko at hinalikan siya bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Kinabukasan 6:00 am naman ang alis namin papuntang America at iyon ay ngayon. It's already 5:55 am hinihintay na lang namin ang private plane. Naiiyak ako na hindi maintindihan dahil maiiwan ko si AD. Hindi sumama si Sofy dito dahil baka lalo lang daw siyang maiyak.

"Babe...don't cry. Sige ka baka sumama ako niyan" natatawang sabi niya.

Pinunasan ko ang luha ko. "I'm gonna miss you. Huwag kang magloloko dito ha, pag nagloko ka tapos na tayo sinasabi ko sayo Timothy" sungit ko sakanya.

"Oo naman hindi ako magloloko ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, magpapakasal pa tayo" aniya tsaka ako hinalikan sa noo.

Lumapit sa amin si Mommy. "Come on sweetie aalis na tayo magpaalam kana" nakangiting sabi ni Mommy.

"Go now, lagi mong tatandaan na mahal kita Tifah. Mag-iingat ka, hihintayin kita" sabi ni AD.

"I love you...mag iingat ka"

"I love you too" aniya tsaka ko siya hinalikan. Mamimiss ko ang labi niya.

Para akong tanga na iyak ng iyak pagpasok sa eroplano. Bakit ba kasi kailangan pang sa America mag aral kung pwede naman sa Pilinas. Buong byahe ay wala akong ginawa kundi kumain at matulog. Alas tres ng umaga kami nakarating, unang apak ko pa lang ay naiiyak nanaman ako. Kung kasama ko lang siguro si AD or si Sofy hindi ako malulungkot.

Isang oras pa ang byahe bago kami mapunta sa isang malaking bahay. Hindi na ko nagulat sa laki ng kwarto ko. Kung anong laki ng kwarto ko sa Pilipinas ay ganun din dito. Inayos ko na lahat ng gamit ko at tinulog ko.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon