Chapter 25

1.5K 35 0
                                    

Chapter 25

"Pupunta ako kay Mier mauna na ako Ate" paalam ko sakaniya. Naglakad lang ako dahil malapit lang.

"Oh bakla! anong ganap at nandito ka?" bungad sa akin ni Mier.

"Pwede mo ba akong samahan?"

"At saan naman?"

"Sa pottery shop" deretsong sagot ko. Gusto kong puntahan kung kanina ay ayaw ko ngayon ay gusto na wala akong magawa sa bahay. Sana lang ay hindi ako mawalan ng malay pero kung sakali mang maulit sana isang bagsakan na lang.

"Sigurado kaba paano kung mawalan ka ulit ng malay? Bakla ha kahit malaki ang katawan ko hindi ko parin alam ang gagawin ko pag nawalan ka ng malay tsaka bakla! malayo ang Quezon 2 to 3 hours ang byahe minsan aabot ng 5 hours kapag traffic" maarte niyang sabi.

"Sagot ko lahat, gas, pagkain lahat sagot ko. Maraming bar doon at dalawang araw tayo"

"Owemji talaga! hindi mo naman sinabi agad! tara na" hinila niya 'ko. Basta talaga about sa party sige agad.

"Sa bahay muna tayo kukuha ako ng gamit" sabi ko sakanya pagkasakay namin.

"Huwag na bakla doon na lang tayo bumili, hello pupunta tayo ng party kaya dapat bago ang damit. Isama kaya natin si Ayvie at ang Ate mo?"

"Huwag si Ate may trabaho pa siya, si Ayvie na lang"

Nasa harap na kami ng bahay nila Ayvie ng tumawag si Mier sakanya. "Bakla nasa harap kami ng bahay mo, punta tayo ng QC"

Mga ilang minuto lang ay lumabas na si Ayvie may dalang maleta. Sinamaan ko ng tingin si Mier dahil paniguradong aasarin niya nanaman si Ayvie dahil sa maleta.

"Bakit may dala kang maleta?" kunit-noong tanong ko sakanya.

"Pupunta tayo ng QC diba? Maraming bar doon alam ko namang hindi kayo nagdala ng mga damit kaya nagdala ako ng extra" nakangiting sabi niya.

"Akala ko pa naman magbabakasyon kana dun bakla" natatawang sabi ni Mier.

"Isang linggo na lang tayo doon para mas masaya"

"Gaga hindi pwede may trabaho ako pati si Lati"

"Edi mag leave muna kayo, dali na minsan lang tayo magkasamang tatlo" nakasimangot niyang sabi.

Wala na kaming nagawa ni Mier dahil gusto din naman naming mag stay ng mas matagal. Pagdating na lang siguro namin tsaka ako magpapaalam kay Timang.

Buong byahe ay natulog lang kami ni Ayvie mabuti na lang at 3 hours lang ang byahe.

"Bakla saan ba banda? magtanong kaya tayo?" suhestiyon ni Mier. Si Ayvie naman ay tulog pa rin.

"Nandiyan lang yun sabi dito left and the right...Ihinto mo saglit magtatanong ako" hininto niya ang sasakyan sa tabi ng lalaki. "Kuya saan po dito ang Pacura Pottery Shop?" tanong ko sakanya.

Tinuro ng lalaki ng daan. "Kaliwa po kayo tapos kanan tsak-" tumingin ako sakanya ng napansing kong tumigil siya sa pagsasalita.

"Kuya ayos lang po kayo?"

"M-ma'am! mabuti naman po at bumalik na kayo akala ko kung sino na ang nagtatanong ng daan kayo po pala" hindi makapaniwalag sabi niya.

Shit! baka trabahador siya doon kaya namukhaan ako. "A-ah...sabay na po kayo sa amin, nakalimutan ko po kasi ang daan"

"Kamusta na po ang shop?" tanong ko kay Manong.

"Huwag ka ng mag po ma'am mas matanda ka pa po sa akin. Medyo okay naman po napapatakbo naman po ng maayos ni sir Cabrera ng maayos" nakangiting sabi niya.

"Ano na ulit pangalan mo?"

"Carlos po"

Nagkwento pa siya ng kung ano-ano hanggang sa makarating kami. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung sasakit ba ang ulo ko pero wala. Maganda ang nasa harap, malinis, parang garden at unique ang style pang karaanan lalo na nung pumasok kami sa loob. Hindi ako makapnaiwalang akin ang shop na ito.

"Akala ko pa naman party ang pupuntahan natin hindi ko alam na sa isang pottery shop pala ang punta natin" namamanghang sabi ni Ayvie.

"Carlos mag stay kami dito ng dalawang araw" sabi ko kay Acrlos.

"Dalawang araw?! akala ko ba isang linggo?"

"Gaga! dalawang araw lang dito tapos yung natitira mag pa-party tayo oh yes!"

"Tara na pasok na po kayo tawagin ko lang po si Mang Awing ang kanang kamay ni sir Cabrera" sabi ni Carlos.

"Wow ang ganda naman dito Sissy, kanino 'to?" manghang tanong niya. Nagpicture pa siya ng mga naka display.

"Kay Lati ito bakla, oh diba mayaman pala ang bakla tapos nagtatrabaho pa sa akin" pinandilatan ko siya ng mata mabuti na lang at hindi narinig ni Ayvie.

"Hindi niya alam ang tungkol sa amnesia ko magdahan-dahan ka"

"Picturan mo nga ako bakla ia-upload ko malay mo maraming pumunta dito" sabi ni Ayvie kay Mier hinayaan ko lang sila na kumuha ng litrato.

Mga ilang minuto lang ay bumalik na si Carlos kasama ang isang medyo may katandaan na lalaki. "Magandang tanghali po sainyo, mabuti naman po at nakabalik kana wala po si sir Cabrera sa susunod na linggo pa po ang balik" sabi ni Manong Awing.

"Okay lang po, dalawang araw lang po kami Mang Awing. Maaari niyo po ba akong kwentuhan simula nung mag umpisa itong pottery shop alam ko pong alam niyong naaksidente ako at nawalan ng alaala"

"Oo alam ko iha, ako at si sir Cabrera lang ang nakakaalam. Magpahinga na lang po muna kayo ngayon at bukas na lang po ako magkukwento sainyo" sabi niya at dinala ako sa isang kwarto. "Kung may kailangan ka pwede mong gamitin ang telepono"

"Maraming salamat po" nagpaalam ako at umalis na siya.

Nilibot ko ang aking paningin kumpleto ang gamit parang sa hotel lang ang kaibahan lang kahoy lahat ng gamit. Lumabas ako para hanapin ang dalawa, nakita ko silang kumukuha pa rin ng litrato.

"Hindi ba kayo nagugutom? kanina pa kayo kumukuha ng litrato, hindi pa ata kayo nakakalibot" sabi ko sakanila.

"Medyo gutom na, may restaurant ba dito?"

Nakibit-balikat ako, nakita ko si Carlos kaya tinawag ko siya at tinanong kung may restaurant dito. Pagkatapos naming mananghalian ay pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto para magpahing

Bakit kaya wala akong maalala sa lugar na 'to? Naalala ko si Sofy, nasaan kaya siya? gusto ko siyang hanapin baka sakaling pag nakita ko siya ay may maalala ulit ako ang kaso hindi ko alam ang buong pangalan niya.  

Dahil hindi ako makatulog ay lumabas na lang ako at naglakad-lakad hanggang sa mapunta ako sa isang garden. Nakita ko si Mang Awing na nagdidilig ng halaman.

"Magandang hapon mo Mang Awing" bati ko sakanya.

"Magandang hapon din po" nakangiting sabi niya pinagmasdan ko lang siya sa pagdidilig.

"Alam mo bang proud sayo ang Lola mo, lagi ka niyang kinu-kwento sa mga trabahador dito. Ang akala niya ang iyong ina ang mag mamana nitong pottery shop pero ng tinuruan ka niya ay mabilis kang natuto at doon niya nakitaang may kakayahan kang palaguin itong pottery shop" kwento ni Mang Awing.

"Mahina ang pottery shop dati dahil hindi na masyadong gumagamit ang mga tao ng banga laging stainless na ang gamit. Pero nung dumating ka ay unti-unting lumago, ikaw nag nag suggest sa lola mo ng restaurant kung saan ang mga gamit ay may iba't ibang design pati mga plato. Dati kasi ay simpleng banga lang ang ginagawa namin walang ibang kulay kundi ang maroon" nakinig lang ako sa pagku-kwento niya gusto kong magtanong pero pinili ko na lang na makinig.

"Sa tuwing dadalaw ka dito ay may kasama kang lalaki ang alam ko ay nobyo mo, laging nakangiti ang lola mo sa tuwing dumadalaw kayo. Proud sayo ang Lola mo pero biglang nagbago ang lahat dahil sa nangyare. Pasensiya na at hanggang doon lang ang kaya kong ikwento ayokong may mangyaring masama saiyo iha, pinagbawal sa akin ng iyong magulang na huwag magkwento" malungkot siyang nakatingin sa akin.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon