Chapter 17

1.6K 41 0
                                    

Chapter 17

"T-tifah? kailan ka nakauwi?" takang tanong sa akin ni Ate tsaka niyakap ako.

Kumuha ako ng baso at nagtimpla ng gatas with yelo namiss ko 'to. "Kanina mga 6, may susi naman ako eh. Sorry hindi ko nasabing uuwi ako ngayon" sabi ko at umupo. Monday ngayon kaya maaga akong umuwi dahil kailangan ko pang bumili ng isusuot at regalo.

"Gutom kana ba?" tanong niya. "Medyo" tipid kong sagot. "Mabuti at pinayagan kang mag leave?"

"Yup, pero hanggang tuesday lang kailangan kong bumalik ng wednesday tsaka mabait naman si Timang"

"Timang? Sinong Timang?" kunot-noong tanong niya habang nagluluto ng itlog.

"Ang ama ng batang inaalagaan ko" tipid kong sagot.

"Hmmm...I smell something fishy, tell me what happen to the both of you sa pagkakaalam ko sa taong naiinis ka or kaaway mo lang ang binibigyan mo ng nickname" nakangising sabi niya.

Kinwento ko sakanya lahat ng nangyare sa amin. Hindi naman ako pala kwento eh pero feeling ko kailangan kong ikwento sakaniya.

"Really?! Ohmyghaaad. I can't believe it! posibleng wala pang nangyayare sainyo, kissing ganun? meron o wala?" nanunuksong sabi niya.

"M-meron pero halik lang" nahihiya kong sabi umiwas ako ng tingin dahil feeling ko namumula na ang mukha ko.

"Come on, nahihiya ka pa rin? I'm so happy for you nakahanap kana ng lalaking magmamahal sayo" nilagay niya yung itlog na niluto sa plato at nag umpisa na kaming kumain habang nag kukwento.

"I don't know, hindi pa rin ako sigurado sakanya parang may sabit" malungkot kong sabi.

"Paanong sabit? may kabit? hindi pa ba kayo? Didn't he say I love you?" kunot-noong tanong niya.

Umiling ako. "He didn't say it, I think mahal niya pa rin yung ex niya, mother ni Thalia. Ayokong sumugal Ate pero alam mo naman ako marupok kahit walang kasiguraduhan sumugal pa rin ako"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Shhh, I don't want to see you crying. Alam kong marupok ka pero alam kong kaya mo pang pigilan. Hindi maganda ang ganiyan Tifah kung alam mong masasaktan ka sa dulo itigil mo na habang maaga pa"

"Huli na para pigilan, hindi ko lang maamin nung una pero sigurado ako na mahal ko siya umpisa pa lang. Kahit masaktan ako Ate okay lang basta masaya ako sakanya at ganun din siya lalaban ako" pinunasan ko agad ang luha ko kase ayaw kong may makakita ng sakit na nararamdaman ko.

"Mahirap lumaban sa taong iba ang gustong ipaglaban. Paano kung panandaliang saya ka lang? Paano kung bumalik ang ina ng bata? Paano ka? You're worth it, beautiful
and one of a kind Tifah. Huwag mong sayangin sa isang tao na ginagawa ka lang panakip butas. Ikaw na ng nagsabi na mahal niya pa ang ina nung bata it means hindi pa siya nakaka move on. Don't waste your time on people who don't appreciate you" aniya habang hinahagod ang likod ko napahagulgol na ako sa sinabi niya.

"Silang mag ama lang ang nagpapangiti sa akin. Feeling ko kasama siya sa nakaraan ko, sa tuwing nakikita ko siya may naaalala ako. Sadness has been always here with me, simula nung wala akong maalala. I feel like malungkot ako bago nawalan ng alaala. Minsan inisip ko na huwag ng balikan kasi baka lalo lang akong masaktan kapag nalaman ko ang lahat"

"Shhh tahan na. Huwag mong pilitin ang sarili mong makaalala balang araw babalik lahat basta nandito lang kami ni Mommy sana mapatawad mo kami pag nalaman mo lahat" naiiyak na sabi niya.

"A-anong mapatawad?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Wala sige na kain na tayo" natatawa niyang sabi tsaka pinunasan ang kaniyang luha. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon