Chapter 10

1.7K 49 1
                                    

Chapter 10

Kinabukasan ay maagang pumunta si Mier dahil wala din naman siyang gagawin sa restaurant.

"Asan na ang tuturuan ko bakla!" sigaw ni Mier pagkapasok sa kwarto ni Thalia.

"Huwag kang maingay tulog pa ang alaga ko at ayaw niya sa maingay"

"Ay pasensya, nasan na ba jugsko antagal" pagtataray niya.

"Sandali lang tat-"

"Good morning pwendssss!" biglang sigaw ni Neri mula sa pinto.

"Shhhh!"

"Ay sorry pwends excited lang. Ikaw na ba ang kaibigan ni Lati na magtuturo sa akinnnnn!" mahinang sigaw niya.

"Ay pak! may panlaban! maganda 'tong kaibigan mo Lati. Masyado lang maingay" si Mier.

"Pareho lang kayong maingay"
tipid kong sabi.

"Pero mas maganda pa rin ako che!" pagtataray ni Mier.

Nagumpisa ng magturo si Mier kung paano rumampa. Ako naman ay kalaro si Thalia dahil nagising nung napasigaw si Neri ng natumba kanina. Nasa veranda kami ng kwarto ni Thalia.

"Ano ba yan! Neri ayusin mo. Kung gusto mong manalo ay ayusin mo konting kembot naman!" sigaw ni Mier,

"Mahirap kasi yang pinapagawa mo! kakaumpisa ko pa laaaaang kaya huwag kang mag isip masyado na kaya ko agad ang pinapagawa mong bayot kaaaaa!" sigaw pabalik ni Neri, umiyak tuloy si Thalia.

Binato ko sila ng tsinelas ko. "Punyemas naman Mier, Neri! konti na lang talaga  tatahiin ko yang kinginang mga bibig niyo!" sigaw ko sa dalawa.

Iniwan ko silang nagsisigawan sa veranda. Pumunta ako sa garden ng bitbit si Thalia habang umiiyak.

"Shhh tahan na baby, wala ng maingay" pag papatahan ko tsaka kinuha ang cellphone at pinlay ang the wheel on the bus pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak. Bwisit talaga yung dalawang 'yon maling mali ang papuntahin ko si Mier. Nagsama ang dalawang microphone!

"Oh sige kakantahan na lang kita wait baby" kausap ko sakanya.

Bitbit ko pa rin siya, nakaharap siya sa likod ko habang hinahagod ko ang kanyang likod tsaka nagumpisang kumanta.

🎶Baa, baa, black sheep. Have you any wool?. Yes, sir, yes, sir. Three bags full. One for the master. And one for the dame. One for the little boy. Who lives down the lane. Baa, baa, black sheep. Have you any wool?. Yes, sir, yes, sir. Three bags full🎶

Sinayaw ko pa siya para tumahimik. Minsan naman ay kinikiliti ko siya. Nakakapagod pa lang mag alaga ng bata, tagaktak na ag pawis ko.

🎶Baa, baa, black sheep..Have you any wool?. Yes, sir, yes, sir. Three bags full. One for the master. And one for the dame. One for the little boy. Who lives down the lane. Baa, baa, black sheep. Have you any wool?. Yes, sir, yes, s-🎶

"Ang ganda ng boses mo pwendssss!" biglang sigaw ni Neri habang papalapit na may dalang tray ng tinapay.

"Hinaan niyo ang boses niyo, kung ayaw niyong tahiin ko mga naglalakihan niyong bibig" inis kong sabi.

"Magaling talaga kumanta yan. Ewan ko ba sa baklang yan kung bakit ayaw mag singer na lang" si Mier habang may dalang juice at tinapay.

"Isa pa kanta ka pa ng isaaaaa!" pilit niya sa akin.

Pinunasan ko ang pawis ko. "Ayoko na pagod na ako. Tapos kana bang turuan?" tanong ko tsaka kumuha ng tinapay na dala ni Neri.

"Oo. Ang sakit nga ng paa at pwet ko ilang beses akong natumbaaaaa"

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon