Chapter 15

1.6K 36 0
                                    

Chapter 15

"Mag kwento ka daliiiii" excited na tanong ni Neri. Nasa garden kami kasama si Thalia. Inuga-uga niya pa ako.

"Neri huwag ngayon puyat ako, dahan dahan sa paguga sa akin nahihilo ako" mahinang sabi ko.

"Halaaaaa! may nangyare sa inyo ni siiiir? baka buntis k-!" tinakpan ko naman ang bibig niya dahil sa sobrang lakas ng boses niya mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandito.

"Huwag kang maingay walang nangyare sa amin nahihilo lang ako kasi kulang ako sa tulog, ikaw kasi eh bigla kang pumasok nahihiya na tuloy ako"

"Ano ka baaaa! walang dapat ikahiyaaaa maswerte ka nga eh natikman mo si siiiir" kinikilig niyang sabi.

"Ewan ko sayo Neri" nahihiya kong sabi.

Nasa mall ako ngayon kasama si Timang at Thalia bibili ng damit pang bata. Hinayaan lang niya akong pumili ng mga damit dahil wala siyang alam sa damit pang bata kahit ako wala ring alam, siya ang nagbayad alangan naman na ako hindi ko responsibilidad na bayaran ang gamit ni Thalia. Dahil kanina pa kami naglilibot ay kumain kami sa isang restaurant.

Napasimangot ako ng makitang puro ramen ang nasa menu. "What do you want?" tanong sa akin ni Timang. "Juice lang" sagot ko ayoko ng ramen kahit gutom na gutom na ako hindi ako kakain ng ramen. Sana pala nag suggest akong kay Mier na lang nasa harap lang naman nitong mall.

"Bakit juice lang? hindi ka ba gutom?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin at bumaling ako kay Thalia na nasa stroller nakikioaglaro ako sakanya. Lagi niyang hawak yung barbie hindi ba siya nagsasawa?

Ayokong kausapin si Timang naiirita ako sakanya hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa nangyare kagabi. Pagkatapos niyang mag order ay nagpaalam siyang lumabas, wala akong pakialam sakanya kaya hindi ko siya sinundan ng tingin kung saan man siya pumunta mambababae siguro.

"Here's your order ma'am enjoy" nakangiting sabi nung naghatid ng pagkain dalawang juice at dalawang bowl ng ramen ang binili niya.

Pagbalik ni Timang ay may nilapag siyang shawarma sa lamesa. "Ano 'to?" inosenteng tanong ko.

"Ramen, syempre shawarma nakikita mo na nga itatanong mo pa" inis niyang sabi. "Alam kong shawarma yan, bakit ka bumili niyan? hindi pa ba sapat yang dalawang bowl ng ramen sayo?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Sayo yan, you don't like ramen that's why I order your favorite shawarma" seryoso niyang sabi. Teka? paano niya nalamang favorite ko ang shawarma? hindi naman ako nagsasabi sakanya ah.

"Sinabi sa akin ni Neri" tipid niyang sabi. Kaya naman pala ang daldal talaga ng babae yun.

Habang kumakain ay may lumapit sa aming babae. "Hey! it's you again Tim right?" nakangiting sabi nung babae. Slut!

Tumayo si Timang. "Yeah, and you are...?"

"Alliah! come on ako yung nakasama mo sa bar kagabi" malanding sabi nung babae. Ahh kaya pala lasing siya kagabi yuck baka hinalikan niya 'tong haliparot pagkatapos ay sunod ako!

"Ah yeah I forgot, so why are you here?" tanong naman ni Timang, hello nandito kami ng anak mo. Hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil sa inis ko ay nauna na kami ni Thalia na umalis hindi man lang sumunod ang kingina kaya nagpasundo na lang ako kay Abel. Hapon na ng makuwi kami naabutan ko si Amalia na nagwawalis sa sala.

Tumigil siya sa pagwawalis ng makita ako. "Kamusta ang pamamasyal?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot ayoko siyang patulan baka mapunta lang sakanya ang inis ko. Paakyat na ako ng magsalita ulit siya.

"Lubayan mo si sir hindi kayo bagay, masyado kang malandi para patulan niya" pagtataray niyang sabi.

"Wala akong pakialam dyan sa maliit mong utak, ama siya ng inaalagaan ko kaya obvious na lalapit sa akin si sir" sagot ko. Hahakbang na ulit sana ako ng magsalita ulit siya.

"Ang sabihin mo isa kang malandi"

"Aba! nagsalita ang hindi malandi. Fyi sa ating dalawa ikaw ang malandi Amalia I mean malanding animalia, baka nga baliw kana may pa amoy kapa ng boxer ni sir eww disgusting!" pandidiri ko sakanya. Nakita ko siyang inaamoy yung boxer ni Timang nung nakaraang linggo nakakadiring tignan.

"H-hoy! hindi ko inamoy lalabhan ko lang yun, aghhh ewan ko sayo m-malandi ka" aniya tsaka padabog na umalis. Tignan mo takot baliw talaga. Umakyat ako sa kwarto at pinatulog na si Thalia ilang minuto pa ang nakalipas bago siya makatulog.

Gabi na ng magising ako dahil sa iyak ni Thalia hinanap ko siya sa kwarto pero hindi ko siya mahanap ng biglang makarinig ako ng basag ng bote mula sa veranda kaya dali dali akong lumabas para tignan.

Naabutan kong nakaupo si Timang sa sahig bitbit si Thalia umiiyak, maraming nagkalat na bote ng alak. Anong problema ng lalaking 'to? hindi niya ako napansin ng lumapit ako sakanya ng konti. Mahigpit ang yakap niya kay Thalia kaya siguto umiiyang ang bata.

"I-iniwan tayo ng mommy mo without saying goodbye" pagkukwento niya sa anak niya gustuhin ko mang kunin si Thalia sakanya ay hindi ko magawa.

"I know nasa paligid lang natin siya at binabantayan ka your mother will be proud of you baby dahil mabilis kang matuto. It's been fucking 1 and a half year. M-miss mo na siguro ang mommy mo...I'm still inlove with her kahit niloko ko siya I don't know kung alam niya ang tungkol sayo pero kung sakaling alam niya nga o hindi I think hindi niya ako mapapatawad gusto kong lumayo pero tadhanan ata ang kusang naglalapit sa amin"

"I still remember when I say hindi ko siya lolokohin pero wala eh she cheated on me that's why I cheat too. But I was wrong...I don't want to lose her baby she's my world and my everything. I don't want to stay away again babawi ako sakanya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na makabawi sakanya" naiiyak niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin ganito ba talaga kapag nakikita mo yung taong mahal mo na umiiyak hindi dahil sayo kundi dahil sa iba? All this time akala ko may pagasa ako sakanya akala ko may nararamdaman na siya sa akin now i realized na mali palang mag expect ng sobra. Lumapit ako sakanya nagulat siya ng kunin ko si Thalia sakanya at dinala sa crib mabuti na lang at tumahimik siya.

Nagkunware akong hindi narinig lahat ng sinabi niya. "Wipe your tears and let yourself rest for a while" malumanay kong sabi tsaka inalalayan siya pahiga sa kama. Inalis ko ang sapatos niya at polo shirt hinayaan ko lang siyang nakapants dahil hindi ko kayang alisin. Pagkatapos ko siyang ihiga ay nag shower ako. Bukas ko na lang lilinisan ang veranda.

Inaamin kong nasaktan ako ng marinig ko lahat ng yun hindi ko ineexpect na ganun siya nasaktan ng iwan siya nung mommy ni Thalia. I-I think mahal ko na siya, gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Pero paano ako lalaban kung umpisa pa lang talo na ako? paano ako lalaban kung hanggang ngayon ay mahal niya parin? Kung ano anong naiisip ko.

Pagkalabas ko ay nakita kong nahihirapan si Timang na alisin yung suot niyang pantalon. Lumapit ako para tulungan siya mabuti na lang at may suot siyang boxer hinila niya ako kaya napahiga ako sa katawan niya. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan.

"Please hug me Tif, I need you" malambing niyang sabi yun lang ang naintindihan ko. Napangiti ako sa sinabi niya ilang minuto lang akong yumakap sakanya at hinayaan ang sariling makatulog.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon