Chapter 23

1.4K 37 0
                                    

Chapter 23

"Mier nakita mo ba si sir?" tanong ko kay Mier na nilalaro si Thalia.

"Ay was bakla! hindi ko nakita, inaway mo tapos hahanapin mo are you okay ghurl?" mataray niyang tanong.

"Pakibantay muna si Thalia" sabi ko at lumabas para hanapin si Timang.

Mag so-sorry ako naging harsh ako sakanya kanina. Naisip ko naman pwede ko namang iwasan ang tanong niya about sa alaala ko sa ngayon gusto ko munang humingi ng tawad.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko si Mama at Papa na kausap yung doktor na kausap ni Tim nung magising ako. Bumalik ako sa pinto dahil ayoko munang makita sila Mama ngayon.

"Bakla okay ka lang?" tanong sa akin ni Mier ng bumalik ako sa kama.

"M-mier dala mo ba ang loptop mo?" tang ko sakanya.

"O-oo sandali kunin ko lang...oh ayan ano bang gagawin mo?" naguguluhan niyang tanong.

Nagpunta ako sa chrome para isearch ang pangalan ko. Nagulat ako ng makita ang aking sarili, nasa harap ng isang pottery shop hawak ang gunting at bulaklak kasama ang isang matandang babae.

Pacura Ceramic are now open!

Congratulations! Latifah Pacura a young millionaire girl at the age of 21.

"I-ikaw yan? Bakla okay ka lang?" napahagulgol na ako ng iyak.

"Nagsinungaling sila sa akin, about sa pamilya ko. Nabubuhay lang pala ako sa kasinungalingan paano kung hindi ko maalala ang lahat ganito nalang ba ako ang mabuhay sa kasinungalingan? Okay naman sila para sa'kin, masaya ako dahil pamilya ko sila pero all this time niloloko lang pala nila ako"

"Huwag kang ganyan may rason sila kung bakit nila tinago ang lahat sa iyo. Subukan mo silang kausapin, alam kong hindi rin nila ginustong itago ang lahat sayo lahat ng tao may rason Lati. Don't cry na lalo kang papangit niyan tignan mo si Thalia nakatingin sayo"

Lumingon ako kay Thalia at totoo ngang nakatingin siya sa akin. Lumapit ako sakanya at binuhat siya.

"Bakla sabi ng doktor hindi ka pwedeng ma stress, ibaba mo na muna si Thalia at magpahinga kana"

Bumalik ako sa kama, sinubukan kong matulog pero hindi ko kaya masyadong marami ang laman ng utak ko. Mga ilang minuto lang ay bumukas ang pinto.

"A-anong ginagawa niyo dito?" kunot-noong kong tanong ko.

Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Bakit hindi ka nagsasabi sa amin?" nagaalalang tanong niya.

"Anong hindi sinasabi?" naguguluhan kong tanong.

"Na palagi kang nawawalan ng malay, may naaalala kana ba?" malungkot na tanong ni Mama.

Umiwas ako ng tingin ayokong umiyak. Hindi ako iiyak. "U-umalis po muna kayo gusto ko pong mapag-isa" nauutal kong sabi. Hindi ako iiyak, hindi ako iiyak. Paulit-ulit kong sanasabing hindi ako iiyak pero ng yakapin ako ni Mama ay humagulgol na ako sa iyak. Ang rupok ko talaga kahit kailan.

"I-I'm sorry, hindi namin ginustong itago ang katotohanan sa iyo maniwala ka, tinuring kana rin naming tunay na anak"

"Masakit Ma, hurting someone with the truth is better than making them happy with a lie. Mahirap po dahil nakasanayan ko na kayong kasama pero all this time nabubuhay lang pala ako sa kasinungalingan" naiiyak kong sabi.

"I'm sorry....I'm sorry, kaya lang namin hindi sinabi sayo dahil sabi ng doktor baka ma triggered ang utak mo kapag sinabi namin ang lahat sayo at tuluyan kang mawalan ng alaala kaya mas pinili na lang namin na huwag sabihin. Pag bumalik na ang alaala mo patawarin mo kami Latifah pati ang magulang mo lalong lalo na ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan ang lahat" paliwanag ni Mama.

Pinunasan ko ang aking luha. "What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo kasalanan ang nangyare, hayaan mo munang magpahinga ang sarili mo, unti-unting babalik lahat ng alaala mo basta huwag mong pabayaan ang iyong sarili nandito lang kami ng Papa at Ate mo. Patawarin mo kami sa aming nagawa, mahal ka namin Latifah" niyakap nila akong dalawa.

I forgive a lot, but I never forget what's said and done. Mahirap tanggapin na ang taong malapit sayo ay kaya rin palang magsinungaling. I know meron silang rason pero hindi iyon sapat sa akin sa ngayon. But I know someday matatanggap ko rin ang lahat.

"Mahal ko rin po kayo" niyakap ko sila pabalik.

Gusto kong magtanong sakanila kung ano pang nalalaman nila pero hindi pwede dahil baka lalo lang sumakit ang ulo ko. Dahil sa sinabi nilang hindi ko kasalanan ang nangyare ay parang ayoko ng balikan ang nakaraan ko. Natatakot ako sa susunod pang alaala ko.

Ilang oras na nag nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Timang, kanina pa umalis sila Mama. Si Mier naman ay inuwi si Thalia sa lola niya dahil hindi pwedeng magtagal ang baby sa hospital. Gustong matulog ni Mier dito para daw mabantayan ako pero hindi ako pumayag dahil may trabaho pa siya.

Natutulog ako ng may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok. Pero ng imulat ko ang aking mata ay walang tao. Nakita kong naka open ang pintuan sa veranda. Naghanap ako ng pwedeng panglaban kung sino man ang naglakas ng loob na pumasok. Kaya kong lumaban pero kung ganito naman ang lagay kona masakit ang ulo ay hindi ko kaya. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Teo kaso hindi niya sinasagot sunod kong tinawagan si Mier.

"M-mier? where are you?" nanginginig kong tanong hawak ko ang walis sa aking kanang kamay sa kaliwa naman ang cellphone.

"Gabing-gabi na bakla! nasa bahay ako. May problema ba?"

Lumapit ako sa pinto at nakita ang likod ng isang lalaki. "Pumunta ka dito ngayon na bilis! may tao sa veranda, hindi ko kilala" mahinang sabi ko tsaka pinatay ang tawag.

Lalapit na sana ako ng bigla siyang tumingin sa akin kaya napaatras ako. "S-sino ka?" nanginginig kong tanong. Hindi niya ako sinagot papalapit na siya sa akin pero hindi ko pa rin makita ang mukha niya.

"L-lumayo ka sa akin, tatawag ako ng pulis!" sigaw ko pero patuloy lang siya sa paglapit. Hahampasin ko na sana siya ng biglang bumukas ang pinto kaya mabilis siyang lumabas ng veranda.

"Nasaan ang kalaban! nasaan!" sigaw ni Mier nagboses lalaki pa kaya imbis na matakot ay natawa ako.

"Wala na umalis na natakot sa boses mo" natatawang sabi ko.

Lumapit siya sa akin. "Okay ka lang ba? nasugatan ka ba? Ano sabihin mo at dadalhin kita sa hospital" natatarantang sabi niya. Lalo akong natawa. "Bobo ka rin e no? nasa hospital tayo ngayon, okay naman ako walang sugat" natatawang sabi ko.

"Mabuti naman dahil lagot ako kay Papa Tim kapag nalamang may sugat ka, dito ako matutulog wether you like it or not" sabi niya at humiga sa isang kama na tabi ng hinihigaan ko.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon