Chapter 16

1.6K 40 0
                                    

Chapter 16

Kinabukasan, gumising ako ng maaga para maglinis sa veranda. Pag bangon ko wala na si Timang, tulog pa rin si Thalia. Nagpunta ako ng veranda para linisin sana kaso nakita ko ng malinis.

Naliligo ako ng biglang bumukas ang pinto ng cr. "Hey are you hungry?" biglang sulpot ni Timang ulo lang ang nakasilip sakanya. Kingina!

kinuha ko agad ang twalya at tinakip sa katawan. "N-naliligo ako ano ba!" sigaw ko.

"Come on nakita ko na yan, what do you want to eat?" nakangising sabi niya.

"Kahit ano! labas kung ayaw mong batuhin kita dyan!" sigaw ko. Mabilis akong naligo pagkasara ng pinto huwag kayong mag isip ng kung ano-ano, walang nangyare sa amin hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang nakita niya na kung ano man yun naiinis ako sakanya.

"Bakit ba bigla ka nalang pumapasok sa cr?!" inis kong sigaw, makakasigaw ako ng gusto ko dahil wala si Thalia sa kwarto kasama siguro ni Neri. Nakahiga siya sa kama at tumayo ng marinig ako. Mabuti na lang at sa cr na ako nagbihis.

"I just want to cook something for you" nakangiting sabi niya. Matalim ko siyang titinitigan habang papalapit sa akin.

"Huwag kang lalapit hanggang dyan ka lang!"  paghinto ko sakanya at lumayo ako. "Pwede namang tanungin ako pagkatapos maligo at para saan? bakit mo ako lulutuan?" kunot-noong tanong ko.

"Dahil inalagaan mo ako kagabi"

"Hindi kita inalagaan, inalalayan lang kitang humiga yun lang yun"

"Atleast inalalayan mo pa rin ako, sige na masarap naman ako magluto"

Nagutom ako bigla. "Adobo na lang" tipid kong sagot. "Okay, tatawagan na lang kita pag luto na" aniya tsaka mabilis na umalis. Bumaba naman ako para hanapin si Thalia.

Nasa garden kami ni Thalia naglalaro ng barbie yung iba naman ay may ginagawa. Napansing kong nav-vibrate ang phone ko may tumatawag naka silent kaya pala hindi ko marinig yung ringtone.

"Hello"

"Hello sissy! kamusta ka na?" sigaw ni Ayvie nilayo ko ang phone ko sa aking tenga baka mabingi eh.

"Buhay pa naman, napatawag ka?"

"Hello, birthday ko na this monday nakalimutan mo na ba?" shit! oo nga pala, nakalimutan ko.

"Pasensiya na Ayvie, babawi na lang ako next time" paumanhin ko nawala sa isip ko.

"Anong next time? gusto ko ngayong birthday ko nandun ka! kapag wala ka magtatampo talaga ako friendship over na tayo niyan" nagtagampong sabi niya.

"Oo, pupunta ako send mo na lang yung adress. Btw, kamusta buhay mo?"

"Sissy alam mo bang naka arranged mariagge ako huhu, hindi pa ako ready na maging losyang"

"Gaga! porket naka arranged marriage losyang na agad? tumakas ka kung ayaw mo" suhestiyon ko.

"Ayoko nga! iba ang magulang ko sayo Tifah you already know that mas strict ang parents ko kaysa sayo. Tsaka bakit ako tatakas kung yung crush ko naman ang papakasalan ko, ahhhhh!" kinikilig niyang sabi. Sinilip ko si Thalia na naglalaro pa rin hinawakan ko ang likod niya baka basa na pinalitan ko ng panibagong towel.

"Yun naman pala, bakit nagrereklamo ka na maagang malolosiyang?"

"Syempre araw araw kaming mag aano, edi malolosiyang na ako kilala mo naman yun best in bed" my innocent ears!

"Ewan ko sayo kung ano-anong kahalayan ang pumapasok sa isip mo"

"Edi ikaw na inosente, out na ako basta ha I'll wait you punta ka sa birthday ko, mwaaaa"

"Oo, huwag makulit isend mo lang yung address"

"Wala man lang mwaa? wala ka talagang kasweetan babye!" tsaka niya pinatay.

"Sinong kausap mo?" muntik ko ng mahulog yung cellohone ko ang hilig sumulpot ni Timang kung saan-saan. "Kaibigan ko lang" sabi ko tsaka bumaling kay Thalia.

"The breakfast is ready, niluto ko ang gusto mong adobo" nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa labi.

"T-teka nga! bakit mo ako hinalikan? baka nakakalimutan mo isa lang akong yaya ni Thalia at walang tayo" paliwanag ko. Porket hinalikan ako eh bibigay na ako? hindi no kahit marupok ako kaya ko namang pigilan.

"I don't care, come on give me a kiss" parang batang humingi ng candy sa akin. Dahil marupok ako hinalikan ko siya smack lang. Kung ano man ang meron sa amin ngayon masaya ako.

Masarap ang niluto niyang adobo pero wala pa ring tatalo sa luto ni Manang dito kami kumain sa garden dahil mas gusto ni Timang dito kumain. "Masarap ba?" tanong niya. "Hmm...sakto lang" sagot ko.

"Bakit sakto lang?" nakasimangot niyang tanong.

"Dahil may mas masarap pa dito sa luto mo" nakangiti kong sabi sinusubuan ko naman ng patatas na dinurog si Thalia.

"Who?" salubong na ang kilay niya.

"Si Manang, ang sarap ng luto niya sa lahat ng natikman ko kasama ang luto mo kay Manang talaga ang pinakamasarap" sabi ko tsaka sumubo ulit.

"Akala ko kung sino na, next time magpapaturo ako kay Manang para naman masabi mong masarap ang luto ko" nakangiti niyang sabi.

"Masarap naman ang luto mo iba lang talaga yung kay Manang"

Pagkatapos naming kumain ay umalis na siya dahil may trabaho pa siya. Habang nagliligpit ng pinag kainan namin ay hindi ko maiwasang mapangiti. Kung ganyan sana siya ka sweet sa akin mag reresign na ako bilang yaya mag a-apply na lang ako bilang asawa. Kung ano-anong naiisip ko. Sometimes you just gonna use your imagination to make yourself happy.

Naalala ko ang papalit na birthday ni Ayvie nakalimutan kong magpaalam, friday ngayon kaya kailangan ko ng mag paalam sana lang ay payagan ako. Nagv-vibrate nanaman ang cellphone ko. Teo?

"Hello Teo" sagot ko tsaka inipit ang cellphone sa pagitan ng tenga ko at balikat.

Nililigpit ko ang pinagkainan namin. "Hello Tif, kamusta?" tanong niya.

"Okay naman ikaw?"

"I'm okay, are you going this Monday sa birthday party ni Ayvie?"

"Of course, hindi ako pwedeng mawala doon. Alam mo naman yun masyadong matampuhin. Ikaw pupunta ka ba?"

"Yup, sunduin kita dyan"

"Okay ikaw bahala, patayin ko na ha medyo busy kasi ako alam mo na nag aalaga ng bata. Just call me if you want something, I miss you"

"It's okay, call me kapag susunduin na kita. Halata ngang busy ka hindi mo na ako natawaga" naramdaman ko ang tampo sa kaniyang boses.

"Come on, busy lang talaga ako. Babawi na lang ako next time okay? Papatayin ko na byee, I love youuu"

"I love you too Tif" sabi niya tsaka ko pinatay magkaibigan lang kami kahit nag i-iloveyou. Sa lahat ng kaibigan ko si Teo ang nauna kong nakilala simula nung mawalan ako ng alaala.

Buong araw ay nasa kwarto lang ako ni Thalia kasama siyang naglalaro. Maaga kong napatulog si Thalia siguro dahil napagod kakalaro. Nasa veranda ako ngayon ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Timang mula sa likod. Tumaas ang balahibo ko ng maamoy ang alak. Napapadalas na ang paguwi niya ng lasing.

"Uminom ka nanaman?" kunot-noong tanong ko.

"Shhh...it's only two bottle" sabi niya at nag umpisa na siyang humalik sa aking batok napakapit ako sa railings na nasa harap ko.

"A-ahm birthday ng kaibigan ko sa monday pwede bang umabsent muna ng dalawang araw? Monday at Tuesday sana kung pwede?" pinilit kong maging normal kahit yung mga kamay niya ay naguumpisa ng gumapang sa aking katawan.

"Okay lang, kukunin nila Mommy si Thalia tommorrow" aniya habang hinahalikan parin ang batok ko papuntang leeg at hinarap niya ako sakanya at nagpatuloy siya sa paghalik.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon