Chapter 13

1.6K 39 0
                                    

Chapter 13

Nagpalipas muna ako ng ilang oras bandang gilid ng plaza tsaka bumalik sa lamesa namin na parang walang nangyari. Question and Answer na ng makarating ako. Nagtatakang nakatingin sa akin si Mier pero hindi ko na lang pinansin.

"Last candidate please step forward" sabi ng emcee at pumunta sa harap si Neri. Palabiro ang emcee pero hindi ko kayang makisabay sa tawanan nila. Nag umpisa ng magtanong ang emcee ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si Timang.

Iniwasan kong tumingin sakanya kahit alam kong nakatingin siya sa akin. Nasa emcee ang paningin ko pero nasa iba ang isip ko. Ayokong maramdaman niyang naiilang ako sakanya. Kahit gusto ko siyang iwasan ay hindi pwede dahil kahit anong gawin ko makikita ko pa rin siya.

"What's on your mind?" tanong niya.

"Wala" tipid kong sagot. Hindi ko pa rin siya nililingon.

Kakaisip ko kay Timang hindi ko namalayan na si Neri pala ang first runner up. Kumaway sa akin si Neri habang papalapit pero tipid na ngiti lang ang binalik ko.

"Congrats anak! proud ako sayo" masayang sabi ng ina ni Neri. Kinuha ko si Thalia kay Tita Nali para makapag usap sila ng maayos.

Lumapit sa akin si Mier. "Bakla okay ka lang?" tanong niya.

"Okay lang ako"

"Bakit parang ang tamlay mo kanina ko pa napapansin simula nung makarating tayo dito bakla" nag-aalala niyang sabi.

"Gutom lang siguro" pagsisinungaling ko.

Ayokong madamay siya sa kalungkutan ko mas gugustuhin ko pang ako lang ang malungkot huwag lang ang mga malalapit sa akin.

Nakita ko si Timang na kausap si Darlene na haliparot, umiwas ako ng tingin. Nagpicture pa kami ni Neri ebidesiya daw na nanalo siya kahit first runner up lang. Ang arte okay na nga ang korona, sash at certificate kailangan pa ng picture.

"Okay ka lang?" mahina niyang tanong.

"Naugutom daw bakla, libre ka naman diyan" nakangiting sabi ni Mier.

"Oo baaaaa, tara gusto ko ng cheese burger. Meron akong nakita sa labas taraa" aya niya sa amin ni Mier. "Nay bibili lang po kami hintayin niyo nalang po kami dito" paalam niya sa nanay niya. Iniwan ko si Thalia kay Tita Nali dahil hindi pwedeng mahamugan ang bata.

"Pabili po kamiiii" masayang sabi ni Neri sa nagtitinda. "Anong gusto niyo?" tanong niya sa amin.

"Burger with egg na lang" sagot ko, ganun din kay Mier.

"Pabili po ng limang burger with egg at isang cheese burger na walang cheese" sabi niya sa nagtitinda. Huh? cheese burger na walang cheese?

"Ano po? cheese burger na walang cheese? baka po burger lang" naguguluhang sabi ng tindera.

"Cheese burger na walang cheese sabi ko hindi mo ba narinig?" nakataas na ang kilay ni Neri.

"Baka nga po burger lang ang ibig niyong sabihin" pag-uulit ng tindera.

"Mas magaling kapa sa akin aaaah! ikaw ba ang kakainnnnn?!" sigaw ni Neri naagaw tuloy namin ang pansin ng iba dahil sa malakas niyang sigaw. Kingina pinilit pa ang cheese burger.

"Pasensiya na kuya, burger na lang po ang ibigay niyo pasensiya na gutom na kasi siya kaya medyo bangag" natatawa kong paumanhin, napailing na lang ang tindera. Nakita ko si Neri na umuusok na ang ilong dahil sa galit kaya pinigilan ko na ang sarili kong tumawa samantalang si Mier tawa parin ng tawa.

"Baklang Neri! kaya hindi ikaw ang champion eh bobonikels ka HAHAHAHHA" natatawa niyang sabi.

"Huwag mo akong tatawanaan Mier baka gusto mong bawiin ko pagkain moooo" inis na sabi ni Neri kay Mier.

"Ewan ko sayo bakla! mas gutom kana ata kaysa dito kay Lati HAHAHAAH" natatawa parin niyang sabi, sinamaan ko siya ng tingin dahil ang sakit sa tenga ng tawa niya masyadong malakas.

Pagkatapos naming bumili ay bumalik na kami kila Tita Nali, kinwento pa ni Mier ang nangyare tungkol sa cheese burger ni Neri mas marami pang tawa si Abel kaysa kay Mier kanina. Kung kanina ay nagawa ko pang tumawa ngayon hindi na dahil malapit lang sa akin si Timang na nakikitawa na rin.

"Tama na ang kakatawa tara na at umuwi na tayo para makahiga ng maayos ang bata" sabi ni Tita Nali.

Bitbit ko si Thalia papuntang sasakyan. Hindi ko pinansin si Timang nung tumabi siya sa akin, malapit lang naman ang plaza sa bahay nila Neri kaya 5 minutes pa lang ay nasa bahay na nila kami. Pumasok ako agad sa kwarto para ihiga si Thalia. Nagulat ako ng sumunod sa akin si Timang.

"A-anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko.

"Dito matutulog" tipid niyang sagot.

"Bakit dito pa?" inis kong tanong.

Sasagot na sana siya ng pumasok si Neri. "A-ah...siiiiir sa kabila po ang kwarto niyo kasama niyo po si Abel pero kung gusto niyo pong mag isa ipapalipat ko na lang po dito si Abel" sabi ni Neri nang ituro niya ang mga kwarto.

"No need, dito na lang ako" maikling sabi ni Timang at humiga sa tabi no Thalia. Nasa kaliwa ako nasa kanan naman siya.

"S-sige po sir...Pwends alis na ako ha salamat ngayong araw, goodnight" nakangiti niyang sabi.

Pagkaalis ni Neri inayos ko ang higa ni Thalia pagkatapos ay lumabas ako para mag shower. Pajama, panty at tshirt lang ang suot ko wala akong suot na bra dahil hindi ako sanay kapag matutulog.

Pagbalik ko sa kwarto ay wala si Timang. Umupo ako sa tabi ni Thalia at nag lotion. Nasa kalagitnaan ako ng pagpahid ng lotion ng dumating si Timang. Gulat siya ng makita ako. Iniwas niya ang paningin sa akin.

Nagmadali akong magpahid dahil baka magsalita nanaman siya about sa nangyare kanina. Inayos ko ang unan at humiga na, hindi ako mapakali.

Hindi ako sanay na may kasamang lalaki na matulog sa isang kwarto. Gising pa kaya si Neri? Tumayo ako dahil naiihi ako, bubuksan ko na sana ang pinto ng may humawak sa kamay ko.

"Huwag ka ng lumabas, ako na lang" pigil niya sa akin at lumabas.

Ha? anong siya na lang? Pagkalabas ko ay hindi ko nakita si Timang hanggang pagkatapos kong umihi ay wala pa rin siya sa kwarto. Hindi ko na lang pinansin at natulog na.

Kinabukasan nagising ako wala ang mag ama. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Tita kasama si Neri na nagre-ready ng lamesa.

"Magandang umaga po" bati ko sakanila. "Neri nakita mo ba si Thalia?" nagtataka kong tanong.

"Kasama ni sir nasa labas" mahinang sabi niya. Pansin kong maga yung mata niya halatang galing sa iyak. Naligo muna ako bago lumabas para hanapin si Thalia.

Naabutan kong tinuturuan ni Timang si Thalia na mag lakad. Nasa pintuan lang ako pinapanood sila, ang ganda ng ngiti ni Thalia napapangiti tuloy ako. Mabuti naman at naisipan niyang turuan ang anak niya na maglakad, sabi ni Mama mahirap maging single dad/mom lalo na kapag maagang nagkaroon ng anak. Sa sitwasyon ni Tim ay halatang wala nga siyang experience sa pag-aalaga, iniwan pa ng ina ni Thalia. Kahit ako ay mahihirapan kung iwan ako ng ama ng anak ko.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon