Chapter 26
"Pupunta kami sa kabilang bahay sa may pagawaan gusto niyo bang sumama?" tanong ko sa dalawa.
"Oo bakla! gusto kong matutong gumawa para naman may magawa ako nakakapagod mag video dito kay Ayvie"
"Ako rin!" excited na sabi ni Ayvie.
Habang papunta kami ay nagvideo pa si Ayvie ewan ko ba vlogger ata siya. Kahapon pa video ng video.
"Bago tayo mag umpisa isuot niyo muna ang apron" sabi ni Mang Awing at nagumpisa ng magturo medyo naalala ko pa naman ang tinuro sa akin ni Lola kaya nauna akong matapos sakanila. Nakalimang gawa ako.
"Carlos pakiayos ang pag video mo para maganda ako diyan, hindi ganyan! ipantay mo...ano ba yan!" inis na sabi ni Ayvie kay Carlos na napakamot na lang sa batok.
Tatayo na sana ako para ilagay sa lamesa ang ginawa ko ng biglang sumakit ang ulo ko.
"M-mier...s-sumasakit ang ulo ko" sabi ko kay Mier na madali namang lumapit sa akin kahit si Mang Awing ay lumapit na rin.
"Bakla! bumalik na muna tayo sa kwarto mo magpahinga kana muna marami ka naman ng nagawa okay na yun" inalalayan ako ni Mier na maglakad pabalik sa kwarto.
"K-kung sakaling mawalan uli ako ng malay, huwag niyo akong d-dalhin sa hospital okay na ako dito sa kwarto" impit na sabi ko lalong sumasakit. Nasa pinto pa lang kami ng biglang may putok ng baril akong narinig, lumabas ako para tignan pero hindi ko naabutan dahil nandilim na ang paligid ko.
"Hindi ganyan nag mamagaling ka tapos mali naman pala yang ginagawa mo" natatawang sabi ko kay AD.
"Hindi mo ako tinuturuan" nakasimangot niyang sabi.
"Halika tuturuan kita, dito ka sa tabi ko" lumapit siya sa akin.
"First put that square here in the center then kunin mo ang clay ilagay mo dito sa gitna, apakan mo yang nasa kanan mo para umikot. Lagyan mo ng butas sa gitna huwag mong isagad ha para meron pa sa ilalim" turo ko sakanya.
"Like this?" nilabas pasok niya yung daliri niya sa ginawa niyang butas.
"What are you doing? umayos ka kung gusto mong turuan kita" inis kong sabi sakanya puro kahalayan ang laman ng utak.
"What? sabi mo lagyan ko ng butas tama naman ako ah" He casually said.
"Anong tama walang tama sa gingawa mo puro kabastusan lang ang laman niyang utak mo" inis kong sabi sakanya.
"Ikaw ang maling iniisip, nilgyan ko lang naman ng butas just like you said"
"Oo nga lalagyan lang ng butas eh bakit nilalabas pasok mo pa, isang pasok lang naman ang kailangan" inis kong sabi sakanya nakakainis talagang kausap.
"Okay okay, I give up" aniya tsaka ako hinalikan sa noo.
"Yan kung ganyan ka sana ka sweet edi mas maiinlove ako sayo lalo" nakangiting sabi ko.
"Hindi ba ako sweet palagi?" tumango lang ako bilang sagot.
"Starting today I'll be the sweetest boy you know. I'll spoil you, susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, ayokong magsisi ka sa'kin, lahat gagawin ko para sayo huwag mo lang akong iwan. Gusto kong bumilis ang panahon. I want to spend the rest of my life with you, nakikita ko na ang sarili kong naghihintay sayo sa altar para pakasalan ka kung pwede lang ngayon ay ginawa ko na" napangiti ako sa sinabi niya.
"Don't rush anything. When the time is right, it'll happen. Wala ka namang kaagaw sa'kin ang unfair nga eh kasi sayo marami akong kaagaw" nakasimangot kong sabi.
"I don't care about them all I care is you and our future. Babe, if ever na papipiliin ka between me and your study, anong pipiliin mo?" pilit na ngiti ang pinakita niya sa akin.
"Why? is there something wrong?" kunot-noong tanong ko.
"Kinausap ako ni Tita, sinabi nilang dadalhin ka sa America at doon tapusin ang pag-aaral mo"
"R-really? ahmm...hindi ko naman kilangang mamili kung kaya ko naman pagsabayin. Anong ginagawa ng cellphone at loptop? pwede naman tayong mag-usap kung kailan mo gusto" nakangiting sabi ko. Hindi ko alam ang tungkol sa pag-aaral ko wala pang sinasabi sa akin sila Mommy.
"Yeah, magka-usap nga tayo but I can't hug you"
"Hug lang ba talaga? Subukan kong kausapin sila Mommy na kung pwede ay dito na lang but if ever na matuloy ako sa America huwag kang maghahanap ng iba ha"
"Of course hindi ako maghahanap, pwede namang magsarili kaya bakit pa ako hahanap ng iba?" nakangising sabi niya.
"Yan nanaman sa kabastusan mo, ewan ko sayo tapusin na natin 'to para makauwi na tayo at makapag pahinga" natatawang sabi ko sakanya. Nakagawa kami ng 30 pagkatapos ay nagpaalam kami kay Lola na uuwi na.
"Lola uwi na po kami, babalik na lang po kami kapag may vacant" nakangiting sabi ko kay Lola.
"Mag-iingat kayo, bantayan mo ang apo ko Timothy kundi lagot ka sa akin"
"Opo lola, babantayan ko po siya dahil ikakasal pa po kami"
"Ikaw talaga, basta lagi niyong tatandaan huwag kayong magmadali dahil darating din ang time na ikakasal kayo, kasal muna bago bata ha" sermon ni Lola sa amin.
"Opo Lola wedding before baby" natatawang sabi ni AD.
"Alis na po kami, I love you La" humalik ako sa pisngi niya ganun din si AD at umalis na.
Magkahawak ang kamay namin habang nagmamaneho siya. "Babe, how many kids do you want?"
"Why do you ask? Gusto mo na bang magkaroon ng anak?" natatawang tanong ko sakanya
"Tanong ko lang"
"Hmmm...gusto ko kambal kamukha mo at kamukha ko, ikaw?" nakangiting sabi niya.
"Kung anong gender ang lumabas okay lang sa akin basta ikaw ang ina. Maghihintay ako hanggang sa ikasal tayo" nakangiting sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya simple lang ang sagot pero kinilig na ako, iba talaga pag marupok.
"I love you Chad" hinalikan ko siya sa pisnge.
Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. "I love you too, gusto mo bang kumain muna bago umuwi?"
"Sounds good"
"Where do you want?"
"Sa Bonchon gusto ko"
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Bonchon. Siya ang nag order konti lang ang customer kaya mabilis na dumating ang order namin.
"Mag ready ka bukas may pupuntahan tayo. Magdala ka ng damit 3 days tayo sa pupuntahan natin." nakangiting sabi niya.
"Where? anong meron?" kunot-noong tanong ko. Minsan lang siya magyayang lumabas or mag date kaya naninibago ako.
"Come on babe, gusto kitang makasama. Babawi ako ngayon dahil pansin kong hindi tayo nag d-date" nakasimangot niyang sabi.
"Natatakot ka bang sumama ako sa America? Babe hindi pa naman sure tsaka hindi pa sinasabi sa akin nila ang tungkol dun"
"Dalhin ka sa America o hindi okay lang sa akin. Gusto kong bumawi sayo" nakangiti niyang sabi. Hindi na lang ako sumagot, for sure hindi ko mapipilit sila Daddy na dito na lang mag-aral. Iniisip ko pa lang na hindi kami magkikita naiiyak na ako.
BINABASA MO ANG
The painful truth (COMPLETED)
FanfictionLatifah Pacura was deprived of the truth about her life. What if one day it will come to the point that she will know everything? Will she still accept the truth even if it hurts?