Chapter 4

1.9K 40 0
                                    

Chapter 4

Nagising ako dahil sa mga nagku-kwentuhan sa paligid ko. "Halaaaaa! anong nangyare sakanya manang? Dalawang oras na ang nakalipas Manang baka patay na siya?"

"Huwag kang magsalita ng ganiyan Neri, baka siya ay buntis kaya nahimatay tumawag kana ba ng do-"

Iminulat ko ang aking mata at nakita ko sila Manang, Neri, Abel, Amalia at si Sir Tim.

"Okay ka lang ba iha?" tanong ni Manang habang inalalayan akong umupo.

"A-ah...okay lang po manang" mahina kong sagot, nanghihina ako. Inilibot ko ang paningin ko nasa isang kwarto ako, malinis mukhang nasa isang guest room ako. "Paano po ako napunta dito?" kunot-noong tanong ko.

Lumapit sa akin si Neri. "Binuhat ka ni sir Tim! ang swerte mo Latiiiiii!" bulong niya sa akin. Anong swerte dun? Teka bakit dito pa sa guest room? Hindi naman ako bisita isa akong katulong.

"Nahimatay ka kanina, nagulat ako kaya tinawag ko si Tim para buhatin ka papunta dito, ikaw ba ay buntis kaya ka nahimatay?" nabigla ako sa tanong ni Manang, nakakawindang!

"A-ahhh! hindi po manang, baka dahil po sa puyat kaya nahimatay ako hehe" bigla kong sagot. Kingina nahimatay lang buntis na agad!

Sinulyapan ko si Sir Tim kita ko sa mata niya ang pag-aalala. Nakakahiya unang araw ko pa lang ganito na ang nangyare. Bigla akong napayuko.

"Unang araw pa lang palpak na" pagpaparinig ni Amalia, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah sir pasensya na po babawi po ako ngayon din" pag paumanhin ko.

"Magpahinga kana lang muna sainyo at bumalik ka kapag okay kana" aniya sabay alis.

Nag paalam ako kila manang na uuwi na muna gaya ng sinabi ni Sir Tim. Gabi na ako nakauwi dahil hapon ako nagising kanina, hindi pa ako nagla-lunch pero mas gusto ko pang matulog.

Habang nasa daan ay naalala ko ang dahilan ng pagkabagsak ko. That was my memories nung bata ako. Bakit hindi ko nakita si Mama? Sino ang batang nagtanggol sa akin? Sino si Sofy? Sino ang mommy na kausap ko? Bakit ibang mommy ang kausap ko? Bakit mommy ang tawag ko sakanya?  Mag kamukha kami, sure ako malinaw ang lahat sa isip ko na alaala ko iyon nung bata ako. Gustuhin ko mang pilitin ulit na isipin ang nakaraan ko ay wala ng nangyayare. Kaya pagkauwi ko ay itinulog ko agad, dahil baka sakaling mapanaginipan ko ang alaala ko.

Nagising ako dahil sa amoy ng tuyo. Bumangon na ako para maligo at magtrabaho. 7am na kaya kailangan kong mag madali, wala pang isang linggo baka sinesante na ako.

"Dito ka natulog?!" gulat na tanong ni Ate.

"Yes, nagkaproblema kase kahapon kaya umuwi ako" wala akong balak sabihin sakanya about sa nangyare kanina gusto kong malaman ang lahat pag nagtanong ako sakanila baka hindi magtugma sa nalaman kong alaala.

"Anong nangyare? mag kwento ka" nagpiprito siya ng itlog. Baliktad dapat inuna niya yung itlog bago ang tuyo.

"Wala lang yun, pwedw bang pakibilis Ate?  kailangan ko ng pumasok ng maaga baka masisante ako nangako pa naman akong babawi ngayon" palusot ko.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako agad. Pagkapasok ko pa lang ng gate ay nakita ko na si Sir Tim.

"G-good morning sir" nauutal kong bati. Yan ka nanaman Tifah!

"Good morning, are you okay now?"

"Opo sir" masigla kong sagot.

"Okay, Follow me" tipid niyang sabi.

Sumunod lang ako hindi ako tumingin sakanya baka masapak ko lang. Naiinis ako kapag ganitong maaga eh may nagsusungit sa akin.

Pumasok kami sa isang kwartong kulay pink lahat ng gamit. May mga stuff toy, barbie, abc ball na kulang pink, mga books, dalawang crib, cabinet lamesa at isang malaking kama.

Lumapit siya sa isang crib, sumunod ako.  Isang baby na mahimbing ang tulog, parang gusto ko na ng bata. Basta itong batang nasa harap ko okay na. Parang gusto ko siyang yakapin. Hinalikan ni Sir Tim ang bata. Napangiti ako, magkamukha sila.

"From now on, dito ka matutulog para maalagaan mo ang anak ko. Ayokong maulit yung nangyare dati, kung maaari sana ay huwag mong alisin ang mata mo sakanya. Watch her carefully" sabi ni Sir Tim.

"Bakit dito po ako matutulog sir? hindi po ba pwedeng dun na lang din kila Manang?" hindi sa nag-iinarte ako pero nakakapagtaka lang.

"Dito ka matutulog para mabantayan mo ang bata, paano kung magising siya ng madaling araw? sinong magpapatulog?" ay oo nga naman ang bobo ko.

"Okay sir"

"I'm not here for two weeks, kasama ko sila mommy andyan naman sila manang, kung may kailangan ka ask her, ngayon na ang alis namin" huh! 2 weeks?!

"Ang ikli naman ng 2 weeks ba't hindi mo na gawing buwan or taon" bulong ko.

"What did you say?" kunot noong tanong niya. Ang sungit niya.

"Ah....ang sabi ko...baka hanapin ka ni Thalia, yun ang sabi ko hehe" palusot ko.

"I'll call you always, or kung umiyak siya tawagan mo ako" seryoso niyang sabi. Tumango lang ako at tumingin sa bata. Ang cute niya talaga, gusto ko na siyang buhatin kaso tulog pa. Lumingon ako kay Sir Tim. Malungkot siyang nakatingin sakin.

"Okay lang kayo sir?" tanong ko. Pero hindi a rin siya natitinag.

Inuga ko siya. "Sir! sir! ayos lang po kayo?"

May sinabi siya pero hindi ko narinig.

"I'm sorry, I'll go now, please take care of my daughter" malungkot niyang sabi sabay halik sa noo ng anak.

"Ingat po"

Tumingin ako sa baby, ang sarap niyang titigan. Kung ganito lang rin ang trabaho ko ang alagaan siya di ako magsisisi. Humiga muna ako sa kama. Feeling ko talaga kasama si Sir sa nakaraan ko.

Bumaba ako para pumunta sa kusina. "Manang ano pong almusal ni Thalia?" tanong ko kay manang habang may niluluto siya.

"Nilagang patatas iha, nakapag laga na ako kunin mo na lang dun sa kaserola"

"Salamat manang"

Kumuha ako ng dalawang piraso ng patatas at piniga gamit ang kutsara. Pagkatapos ay umakyat na ako. May naramdaman akong gumalaw galing sa crib, lumapit ako at nakita ko si Thalia na nilalago ang isang stuff toy.

"Good morning princess" nakangiting bati ko. Ngumiti siya. Ang gaan sa pakiramdam nung ngiti niya.

Binuhat ko siya at nilapag sa kama, maluwang naman yung kama tsaka naka alalay ako kaya imposibleng mahulog siya. Hawak ng kaliwa kong kamay ang laylayan ng kaniyang damit sa kanan naman ay hawak ang kutsara sinusubuan ko siya ng patatas. Nakakatuwa siyang alagaan. Pagkatapos ko siyang pakainin at painumin ibinalik ko siya sa crib. Mabuti na lang at hindi umiyak.

Nag search ako kung paano patulugin ang bata, or paano patahimikin kapag umiyak. Kantahan, sayawan, kwentuhan ng mga pangbatang kwento at kung ano-ano pa nag yt ako ng kwentong pangbata hanggang sa nakatulugan ko ang panonood. Nagising lang ako sa malakas na sigaw ni Neri.

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon