Prologue

5.7K 76 1
                                    

Prologue

"Are you ready anak?" sabi ni Mommy habang inaayos ang buhok kong nakalugay.

"Kailangan pa bang makipagkita sa kanila?" kunot-noong tanong ko.

Kahit kailan ay hindi ko na isip na mag asawa ng maaga, kung mag-aasawa man ako ay mas gugustuhin ko pang ang mahal ko ang pakasalan ko kaysa sa hindi ko kilala. Kung alam ko lang na kapalit nv pag stay ko dito ay may arranged marriage na magaganap hindi na sana ako sumama, may problema ba sila? alam nilang may boyfriend ako.

"Napag-usapan na natin anak, right? He's kind and gentleman, kaya ka niyang buhayin pati ang magiging pamilya niyo." pangungumbinsi niya sakin.

"Kaya kong buhayin ang sarili ko mom. I'm not ready to have a family. Come on mom ayokong magpakasal sa hindi ko mahal mas gusto ko pa si AD, pabor naman kayo sakanya diba? bakit parang nag-iba na ngayon?" angil ko. Hindi nila ako sinagot.

What's wrong with them? alam naman nila about sa boyfriend ko tapos may arranged marriage na magaganap? Heck no.

Panay ang sulyap ko kila Mommy, nang mga sandaling iyon ay naghihintay na lang kami sa pagbukas ng elevator. Kinakabahan ako gusto ko ng umalis sa building na 'to. Pag nalaman ng boyfriend kong may naka-arranged marriage sa akin baka magalit. Kahit na hindi kami okay nitong nakaraang buwan mahal ko parin siya. Nakakapagtaka lang dahil bigla siyang naging cold sa'kin and I don't know what's happening.

"Umayos ka Latifah." seryosong sabi ni Daddy. Hindi na lang ako sumagot dahil hindi naman nila ako pakikinggan.

Pagbukas ng elevator, restaurant ang una naming nakita. Bago pa man kami makalapit sa lamesa ay nagpaalam akong mag cr dahil kinakabahan na ako, ang lamig ng kamay ko at nanginginig.

"Make it fast anak, kanina pa sila naghihintay." sabi ni Mommy sabay haplos sa buhok ko. Tumango lang ako at umalis.

Dumiretso ako sa cr at doon ay mabilis nag isip kung paano makakatakas. Kinakabahan ako sa posibleng mangyare.

Saktong may dumaan na waitress. Humiram ako sakanya ng uniform nila, wala na akong maisip na paraan. Mabuti na lang at napahiram niya ako, nagpasalamat na lang ako.

Time is running, nagmadali akong nag ayos ng sarili tsaka lumabas ng CR na parang may ginawang kasalanan. Meron naman talaga Tifah!

Buong-buo na ang desisyon kong tumakas. I'm already 20 kaya kong buhayin ang sarili ko. Kung magkaka pamilya man ako ay ayoko ng sapilitan.

Sinilip ko si Mommy sa di kalayuan na tila may hinahanap. Sa takot na makita ay binilisan ko ang hakbang. Lumingon ulit ako kay mommy ngunit sa sobrang bilis ng lakad ko ay nabunggo ang katawan ko sa isang matigas ng kung ano man and there I saw a tall guy. matangkad na lalaki. Sa lakas ng bunggo matutumba na sana ako mabuti na lang at mabilis ang kilos ng lalaki para masalo ako sa baywang.

Napatitig ako sa mukha ng lalaki, ang ganda ng kaniyang mga mata, matangos na ilong at mapulang labi.

"Latifah where are you?"

Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko, nabahalang baka makita ako ni Mama.  The next thing I know hinalikan ko ang labi ng lalaking nasa aking harap.

Pero bago pa ako malunod sa halik ay lumayo na ako. Kitang kita ko sa mukha ng kaharap ko ang gulat, kamusta naman ako?

"I'm sorry, It's just an accident." mabilis na depensa ko ng makitang magkasalubong na ang kanyang kilay. "I'm so sorry" pagpaumanhin ko pagkatapos ay mabilis na pumasok sa elevator. Hindi ko na siya tinignan pa.

"Arggghh! lagot ako sa boyfriend ko kapag nalamang may hinalikan ako!" singhal ko sa sarili ko. Wala na akong maisip na paraan dahil anytime makikita ako ni mommy.

Mabilis akong nag impake ng gamit, at nagpa book ng ticket papuntang Pilipinas. Mas gugustuhin ko pang nasa Pilipinas dahil nandun ang boyfriend at kaibigan ko. Kaya lang naman kami napunta dito dahil gusto nila mommy na dito ako mag-aral, pumayag ako dahil para naman sa akin eh pero ang arranged marriage? No, ayoko kaya tumakas ako.

Kapag nag stay pa ako dito lalo lang akong pipilitin nila Mommy na magpakasal. Nag iwan ako ng sulat para sakanila Mommy. I'm sorry mom and dad.

All my life sinunod ko sila sa gusto nila pero ang itali ang aking sarili sa lalaking hindi ko naman mahal ay hinding hindi ko gagawin.

Pero nasa huli pala talaga ang pagsisisi. Pag-uwi ko ng Pilipinas ay may isang pangyayareng nagpabago sa buhay ko. Sana pala hindi na lang ako umalis.

__________________________________________________________________________________

Note: Unedited. Maraming error like ng, nang, doon, dun, iyon, iyun, 'yon, 'yun. Pasensiya na unang story ko pa lang po nawa'y maintindihan niyo. Maraming salamat! Enjoy reading!

The painful truth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon