Writer: SAKLAF
FB: Chione Saklaf Clemente
_
"Don't be like Kim in this world full of Randall"
Naguguluhan kaming napatingin sa pinag sasabi ng kabarkada naming si Chione. Ngumiti ito samin bago mag patuloy sa pag sasalita.
"Randall is just a test para malaman kung gaano katatag yung relationship nyo sa partner nyo. Pa-fall kumbaga", paliwanang nito.
"At si Kim? " hindi mapigilang tanong ko na nag pangiti muli sa kanya.
"Si Kim? Marupok sya pero hindi malandi. Minahal nya si Randall kahit andyan si Deib. Yung tipong may hinahanap sya sa isang lalaki na nakita nya kay Randall na hindi naibigay ni Deib sa kanya."
"Inshort?"
"Sa panahong puro pa-fall ang tao wag kayong marupok. Kayo din ang masasaktan."
_
DATING TAYO
"Miss na kita."
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa sinabi nya. Gusto kong matawa at tanungin kung naka-drugs ba sya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong masira ang mood ko ngayon.
"Miss na kita Chione," pag uulit nito bago tumingin sakin.
I smiled at him awkwardly before looking at the sunset. "Hindi kita namiss e."
He let a heavy sighed before holding my both hands. "Miss na kita. Miss ko na yung dating tayo" malungkot na saad nito na nag patawa sakin.
"Ah! Namiss mo yung dating tayo?" Tanong ko na sinagot nya ng tango.
"Yung dating tayo na ginago mo ko habang sineryoso kita yun ba?" And with that, he slowly let go of my hands.
_
"Karma said a time will come in your life when some people will regret why they treated you wrong. Trust me, it will definitely come."
_
PEKENG MUNDO
"L-lei," hindi makapaniwalang usal nya sa pangalan ko. "P-paano? Bakit?"
"Surprise baby," nakangiting sagot ko.
Walang pag dadalawang isip na tumakbo ako papunta sa kanya para bigyan sya ng yakap.
"Nathaniel," naiiyak na bulong ko dito.
Sa wakas. Nakita ko na din sya. Ang dalawang taon kong karelasyon sa RPW, yakap yakap ko na.
"Lei sandali," pag kuha nya sa atensyon ko bago alisin ang mga kamay kong nakapalibot sa kanya.
Kunot noo ko syang tiningnan. "Bakit? Hindi ka ba masayang makita ako?"
"Masaya ako Lei at sa wakas nag kita na tayo pero kasi--"bitin nyang sagot na lalong nag pakunot sa noo ko.
"Tayo diba?" Naninigurong tanong ko bago bigyan sya ng pilit na ngiti.
He let a heavy sighed before looking at me intently. "Sa RPW, dun lang may tayo Lei" sagot nya na ikinawala ng ngiti ko.
"P-pero diba s-sabi mo mahal moko?" pigil ang hikbing tanong ko.
"Sa pekeng mundo Lei walang totoo. Anong ini-expect mo? Na dadalhin ko yun sa totoong mundo?"natatawang saad nya.
I tried to hold my tears back but I failed. "S-sabi mo m-mahal moko N-Nathaniel" pag uulit ko.
"I don't love you Lei. Kung ano man tayo sa pekeng mundo hanggang don lang yun, hindi kita kayang dalhin sa totoong mundo" seryosong sagot nya habang pinapanuod ang bawat emosyon ko.
"B-bakit hindi p-pwede?"
"May girlfriend ako."
"Tangina!" Hindi makapaniwalang bulong ko bago ngumiti ng pilit. "Nag sayang lang ako ng pamasahe sayo. Biruin mo, mula Cavite hanggang dito sa inyo tapos may girlfriend ka pala" humihikbing biro ko na ikinaiwas ng tingin nya sakin.
"Tumahan kana Lei, sorry kung nasaktan kita" nakatungong usal nya. "Tumahan kana Lei, sige na"
"Nathaniel kase" humihikbing usal ko.
"Bakit?"
"Wala nakong pamasahe."
_
"Alam mo ba kung bakit tayo nasasaktan? Kasi palagi tayong umaasa sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan."
BINABASA MO ANG
A Broken Tales
RomanceA Broken Tales: Collection of one-shot and short stories from various writers. A tale that came from heartbreaks, unrequited and tragic love story, betrayal and rejection. Words and story that can give you an advice and a reminder that sometimes wha...
