RELATIONSHIP

29 9 0
                                        

Writer: Weak Optimús

_

I have a fear of darkness and I have a girlfriend.

We've been in a relationship for about 1 year at sa one year na 'yon ay parang ako lang ang nagmamahal sa kaniya. Pero ayos lang 'yon, mahal na mahal ko siya kahit ano at sino pa ang ugali niya.

"Babe, ito oh tubig," sambit ko sabay abot sa kaniya ng tubig na kinuha naman niya.

Kumuha rin ako ng panyo at pinunasan ang noo niya, galing kasi sila ng P.E at volleyball ang nilalaro nila.

"Umalis ka," kalmang saad niya sa'kin

"H-ha? B-bakit naman, babe?" Nagtatakang saad ko ngunit tiningnan lang niya ako ng matalim dahilan para sundin ko ang sinasabi niya.

Umalis ako na siya namang pagdating ng mga kaibigan niya.

I knew it.

"Tara! Tara! Kain muna tayo tapos gala tayo after," rinig kong saad niya sa kasamahan niya.

Tiningnan ko sila habang naglalakad palayo. Ito na naman ako, nakatulala dahil palagi niyang ginagawa 'to sa'kin pag nandyan ang mga barkada niya.

**

"Babe, i love you.." I said.

Nandito pala kami sa tagpuan namin ngayon---our hidden place.

"Hmm," she said sabay kagat sa dinala kong sandwich para sa kaniya.

"Hindi mo ba ko mahal?" Tanong ko sa kaniya. Tinitigan lang niya ako at sumagot.

"Ofcourse, I love you too" Saad niya sabay tawa.

Atleast, sa ganitong paraan nararamdaman kong mahal niya ako.

Pero... Mahal nga 'ba?

She continued eating until someone interrupts it. Someone called her.

[Hello?..] she said on the other line.

[Okay, I'll be there wait for me] sabi niya ng nakangiti.

"Ah Niko, mommy wants me to be with her sa mall ngayon, mauna na'ko ha? By the way, thankyou for this," turan niya saka naglakad na palayo.

Niligpit ko muna ang mga pinagkainan namin at saka sinundan siya ng palihim.

Nang nakita ko siya, ay napangiti na lang ako ng mapakla

'I knew it, pipiliin mo pa rin ang lalaking sinaktan..'

I saw her with her ex on the mall.

Sabihan niyo na akong tanga at iwan siya, ngunit wala eh mahal ko talaga.

Kahit na palagi niya akong pinapalayo 'pag nandiyan ang mga barkada niya, mahal ko pa rin siya.

Hindi niya kasi ako kayang ipagmalaki dahil mahirap lang ako, Idagdag mo pang panget pa ako.

Umuwi akong sawi ang puso ko. Hays, ganito pala pag mahal na mahal mo ang isang tao, hindi kana nag-iisip kahit na naapakan na niya ang pagkatao mo.

Nagising ako kinabukasan na may ngiti sa mga labi.

Another day para magpakatanga.

Another day para masaktan.

"Goodmorning , babe!" Saad ko sabay bigay ng pagkain sa harapan niya.

Nandito na ako ngayon sa paaralan at nagdala ako ng pagkain dahil siguradong wala pang agahan to.

"Niko, baka makita tayo rito. Umalis ka na" she said.

A Broken TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon