LOVED AND SEEN WHEN SHE WAS GONE

89 10 0
                                    


Writer & FB acct: Enid Wrights

"Ma, may meeting sa school bukas para sa graduation ko. Kailangan ninyong um-attend ni papa dahil ako ang class valedictorian," saad ko habang diretsong nakatingin sa kaniya. She's busy with work again. Palagi naman silang ganito, walang bago sa kanilang dalawa ni papa. They were barely home, at tuwing narito sila sa bahay, ni ang kumustahin ako ay hindi nila magawa.

"I'm sorry, anak. Hindi ako makakapunta dahil marami akong gagawin bukas," tugon niya at hindi man lamang ako nagawang tapunan ng tingin.

"How about papa? Can't he come with me?" I was pleading like how I always do. Dama iyon sa boses ko ngunit hindi man lamang siya natinag at nagpatuloy pa rin sa pagtipa sa laptop niya.

I left her room and went directly to my dad's office. Tambak ang mga papeles sa desk niya. Kahit alam ko na ang isasagot niya ay sinubukan ko pa rin siyang tanungin.

"Dad, may meeting bukas sa school. Can you—"

I was cut off by his shouts.

"I told you not to come to my office, Lei! I have tons of work to do! Get lost this instant!" His eyes were burning with rage, and it brought chills down my spine.

I tried my best to fake a smile before shutting his door. Bakit palaging ganito? I was just asking for an hour of their time, pero bakit kahit na magmakaawa ako ay hindi nila iyon maibigay sa akin?

The next day, when the meeting was over, I immediately went home. I was fuming with anger dahil talagang hindi sila pumunta. Ipinagbabato ko ang lahat ng mga bagay na nahagilap ko, at hindi ko na inalintana ang pagkirot ng sugat na nagmula sa naapakan kong mga bubog na nagkalat sa sahig.

"What do you think you're doing, Lei?!" Mabilis na lumapit sa akin si mama at inawat ako sa ginagawa ko. "Tumigil ka sa kahibangan mo!"

Pagak akong napatawa. "Ako pa ang nahihibang ngayon? Ako ba, ma?!" sigaw ko sa kaniya, at iyon ang naging rason ng paglapat ng palad ni papa sa pisngi ko.

"Don't you talk to your mom that way! Pinalaki at binuhay ka namin hindi para tratuhin mo kami ng ganyan!"

"Binubuhay niyo ba ako? Bakit hindi ko dama?" pabulong kong sambit ngunit sapat pa rin para marinig nila.

"Nagpapakahirap kami sa pagtatrabaho para mapag-aral ka at mabigyan ka ng magandang buhay kaya huwag kang umasta ng ganyan sa amin, naiintindihan mo ba ako?" Maawtoridad ang boses ni papa, ngunit muli lamang akong napatawa rito.

"Hindi, hindi ko kayo maintindihan." I looked intently at them. "Bakit lagi ninyo akong tinatratong parang hangin? Why can't you give me even just a bit of your time? Why don't I feel your care and love? You're claiming na binubuhay ninyo ako, pero bakit pakiramdam ko at unti-unti ninyo akong pinapatay?"

"After everything that we've done for you, iyan ang sasabihin mo sa amin? Ang dami naming sakripisyo para lamang mabigyan ka ng ganitong klaseng buhay, para makatira ka sa ganito kalaking bahay—"

"Bahay ang binuo ninyo, pero ang kailangan ko ay isang tahanan." Hindi ako makahinga pero nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I don't mind being homeless if I'm with you both, kung minamahal niyo naman ako. Mahirap ba para sa inyong gawin iyon? Hindi ba ninyo naisip na higit ko kayong kailangan kaysa sa mga materyal na bagay na ibinibigay ninyo sa akin?"

They were both too stunned to speak. I was expecting them to comfort me, pero hindi man lamang sila kumibo.

Dumating ang araw ng graduation ko. Mag-isa na naman ako at teacher ko na naman ang inaasahan kong magsabit ng medalya ko.

But I was exhausted. I couldn't bring myself to march up to the stage, and so I just stayed at an empty classroom.

Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko kaya agad na akong umakyat sa upuang nasa harapan ko, ngunit imbes na medalya ay lubid ang isinabit ko sa leeg ko.

I was almost out of breath when I heard loud whispers around me. I tried hard to open my eyes, and there I saw my parents' tearstained cheeks.

"A-Anak, we're here for you. I'm sorry for always neglecting you. K-Kapit ka lang, ha? M-Malapit na ang ambulansiya."

"M-Ma, pa, I'm t-tired of b-begging for your a-attention," I managed to say as I gasped for air.

"Shh. W-We're s-sorry for everything, anak. We love you."

After hearing what my mom uttered, for the first time in a long while, I was able to plaster a sweet smile on my face, and that was just before darkness completely swallowed me.

A Broken TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon