I NEVER ASKED HER

24 9 0
                                        


   ✍ Itslinzzy
FB Account: Itslinzzy WP

"Overthink ka na naman! Palagi na lang."naiiritang sabi ko kay Rica.

Napahilamos ako ng mukha tila nawawalan na 'ko ng gana sa kanya. Tatlong taon na kaming magkarelasyon ni Rica pero wala pa rin nagbabago sa kanya.

Mas pinipili niyang mag overthink kesa pagkatiwalaan ako sa mga bagay bagay. Sa loob ng tatlong taon napaisip ako may tiwala ba talaga siya sa akin?

"Sorry Paul... sinusubukan ko naman 'wag mag-overthink pero hindi ko talaga magawa." naiiyak niyang bulong sa akin habang hinahawakan niya ang kamay ko.

"Pagod na 'ko, Rica. Pagod na pagod akong intindihin ka. Let's just stop. Maghiwalay na lang tayo." mahinang sambit ko sa kanya kasabay ng pagbitaw ko sa kamay niya.

"Huwag naman ganito Paul oh. You're my only strength to fight. Please 'wag mo kong iwan." she said trying to grab my hand.

Hindi ko siya pinansin saka naglakad akong papalayo sa kanya at hindi nagtangkang lumingon sa kanya. I received a text from Alexa, the new girl I'm meeting. She asked me if it's okay for us to meet kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong nagreply na sa park kami magkita.

Nang makarating ako sa park nakita ko si Alexa nakaupo sa isang bench. I walked towards her and welcomed her with a smile. She smiled back saka binigay sa akin ang isang ice cream na hawak niya.

"Kamusta kayo ni Rica?" Nagatatakang tanong nito habang kinakain ang ice cream.

I immediately stopped and it seems like I was upset whenever her name was mentioned. I just shrugged without saying a word.

"Nag-away na naman kayo?"

Tumango na lamang ako sa tanong niya bilang sagot. Palagi naman. Walang bago sa amin. Palaging away dito, away doon. Nakakasakal na, nakakawalang gana.

"Anong ginawa mo sa kanya?" she asked again, staring at me, waiting for my answer.

"Wala." tanging sabi ko sakanya.

Ano pa nga ba gagawin ko? Paulit ulit lang naman ang ginagawa niya. Why don't she take the risk? Baguhin niya ang sarili niya kung ayaw niya akong mawala sa kanya.

"Wala?" mahinahon na tanong ni Alexa saka inubos ang kinakain nito.

"Yes, wala."

"I have a question, Paul...."

"Ano 'yun?" agad kong binaling ang tingin sa kanya.

"Do you still love your girlfriend?" she asked.

"Yes, of course.... pero nakakapagod siyang mahalin." I answered.

"Ni minsan ba tinulongan mo siya iovercome ang pagiging overthinker niya? Tinanong kung bakit nagkakaganyan siya?"

Hindi ko alam ang maisasagot sa tanong ni Alexa parang may kung ano akong naramdaman sa sarili ko na tila napatigil ako at nahulog ang ice cream na kinakain ko.

"Oy." kinalabit ako ni Alexa saka ako bumalik sa katinuan.

Tumingin lang ako sa kanya at hindi umimik.

"Ako sa'yo Paul, kung gusto mo talagang magbago ang relasyon niyo at maiwasan ang away niyong dalawa. Try to help her, try to understand her kasi kung naghahanap siya ng taong makakaintindi sa kanya ikaw lang 'yun at wala nang iba. Mahirap labanan ang mental health ng tao hindi basta basta nakukuha 'yan kung walang tao nagsusumikap na tulongan siyang mapagtagumpayan ang problema niya."

Pagkatapos ng araw na 'yun. I tried to contact her pero hindi siya sumasagot sa tawag o text ko. Ilang araw na rin hindi siya nagpaparamdam sa akin at hindi pumapasok sa school kaya nagsimula na akong mag-aalala sa kanya at agad ko siyang pinuntahan sa bahay ng tiyahin niya.

Nang makarating ako sa bahay nila nagulat ako sa maraming tao bumibisita sa loob. Napahinto ako sa tapat ng gate nila at nagulat sa kabaong nasa harap nito. Nakita ako ng tiyahin ni Rica kaya nilapitan niya ako at hinila sa braso.

"Tita, nasan si Ri...." luminga linga ako sa bahay at natigilan ako sa nakita ko.

It's Rica.... I noticed Rica's photo beside the coffin. Biglang umawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko. Lumapit ako sa kabaong para masigurado ko kung tama ba ang nakikita ko o hindi.

Rica's aunt walked beside me while crying.

"Wala na si Rica.... wala na siya."

Agad akong napaluhod sa sahig habang walang tigil na bumubuhos ang aking luha sa aking mga mata. I knew her painful background, she was left behind. Her family left her and she was abused by people who adopted her before she met her aunt.

For the past three years, I felt proud of myself for loving her. I was being narcissistic. Bakit nga ba siya malungkot at ano ang dahilan ng ikinalungkot niya? Why are her smiles so brief?

Hindi ko siya tinanong kung bakit siya nagkakaganiyan. Tanging sarili ko lamang ang pinagtuonan ko ng pansin. Damn. It's hard for me to accept this knowing na nagkulang ako sa kanya. She was already hurt before but I chose to hurt her and caused so much pain.

Ang kaisa-isang babae na minahal ko ay napagod na sa mundong kinagalawan niya. I didn't look back to see how she truly felt. I should've have asked the things I never asked her.

A Broken TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon