Writer: Lia Wp
FB Account: Lia WpNAGLALARO ako ng bato habang nakatitig sa daan.
Nakatingin sa mga bituin na walang sawang nagniningning sa kalangitan at sa buwan na nagsisilbing liwanag sa kadiliman.
Naisipan kong pumasok ng bahay at kakain na sana ng ayain ako ng isa kong pinsan.
"Margauxe!Tara at sumama ka samin sa perya para dika mainip dito!Pinaalam na kita sa mommy mo!" Sabi ng pinsan kong si Veronica at hinatak ako palabas ng bahay.
"T-Teka Ver!Hindi pako nakakapagpalit ng damit!" Sigaw ko dito at tumingin naman siya sakin.
Naka short shorts lang ako at ang t-shirt ng daddy ko na sobrang laki sakin.Napailing nalang siya at hinatak ako papasok sa bahay.
Nagbihis ako agad at nag ayos ng kaunti.Agad naman akong lumabas pagtapos.
"Kaya ayokong pinag aayos ka eh.Mukha kang artista eh." Sabi ng pinsan ko sakin na ikinatawa kolang.
I'm from NYC dahil dun nagwowork si mommy at daddy.I'm half Filipino and half american.
Mabilis kaming nakarating sa daan katapat ng bahay ng tita ko at nag abang ng masasakyan.Agad kaming nakapara ng tricycle at sumakay doon.Malayo layo din ang peryaan pero sulit naman.
Madaming pwedeng laruan at rides.Andami din na pagkain na pinagsawaan namin ni Ver agad.
Pero nang medyo magtagal ay tinawag si Ver ng isang grupo ng kababaihan na kaibigan niya.
"Margauxe?Sama ka samin?Pupunta kami sa mamihan ng kaibigan ko." Aya nito sakin.
Alam ko na ma oop lang ako don kaya't sinabi ko sa kanya na sumama na siya sa mga kaibigan niya.
"Sige na Ver.Ako nalang uuwi mag isa hindi naman ako maliligaw dito eh.Papasundo nalang ako kay mommy pag pauwi nako.Mag enjoy kayo." Sabe ko dito.
Agad itong nagpaalam sakin at sumama na sa mga kaibigan niya.
Ako naman ay naglakad lakad sa peryaan at naglaro at sumakay ng rides.Inenjoy ko ang huling gabi ko dito sa probinsya.
Pumunta ako sa bilihan ng cotton candy at kukunin na sana ang kulay blue pero may humawak din dito.
Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sakin.
Napatitig ako sa kanya at biglang bumagal ang lahat.
Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin ngunit sa mga oras nato ay tanging sa mukha niya lang ako nakatitig at ayokong alisin ang mga mata ko sa maganda nyang mukha.
"Miss?" Sabi nito habang nakatingin sakin.
Umiwas ako agad ng tingin at iginalaw ang aking ulo.
"Kukunin mo ba 'to?" Tanong nito habang tinuturo ang kulay blue na cotton candy.
Nakatitig lang ko sa mukha niya at hindi makaimik.
"Miss?" Tawag nito ulet sakin sa pangalawang beses.
"H-Huh?"
"Kukunin mo ba 'tong cotton candy?" Tanong nito.
Napakamot nalang ako sa aking ulo at tumango sa kanya.
"Sige.Libre kona." Sabi nito at binayaran ang biniling cotton candy.Isang pink at blue.
Ang blue ay binigay niya sa akin at pink naman ang sa kanya.
Nang maabot niya ito sakin ay nahawakan ko saglit ang kamay niya at tila may naramdman akong kuryente kaya't agad na inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

BINABASA MO ANG
A Broken Tales
RomanceA Broken Tales: Collection of one-shot and short stories from various writers. A tale that came from heartbreaks, unrequited and tragic love story, betrayal and rejection. Words and story that can give you an advice and a reminder that sometimes wha...