Writer: Metamfiesi
_
"Girls, ang swerte ni Jade kay Lucas noh?"
Rinig kong tanong nung isang babaeng may mahabang buhok sa mga kaibigan niya.
"Sana ako nalang si Jade."
"Ang guwapo at ang sweet ni Lucas noh? Tapos ang ganda ni Jade, mayaman pa sila pareho kaya naman bagay na bagay sila sa isa't isa."
Binilisan ko nalang maglakad para hindi ko na marinig ang mga pinag uusapan nila tungkol sa pinsan ko, yes. Jade is my cousin.
Papasok na sana ako sa room nung biglang may humila saakin, grupo ng mga babae hindi ko sila kilala, nagpupumiglas naman ako pero marami sila kaya nagpatangay nalang ako.
Simula nung naging sila ni Jade, maraming nagbanta saakin na, hindi ko aagawin si Lucas sakaniya, hindi ko aakitin si Lucas sakaniya.
Ang hindi nila alam, inakit lang ni Jade si Lucas, inagaw lang ni Jade si Lucas saakin, ang sakit isipin, sarili ko pang pinsan, inagawan ako akala ko supportive siya sakin, yun naman pala sinisiraan niya na ako kay Lucas, hanggang sa nakipag hiwalay na ako sakaniya, pagkalipas ng dalawang linggo.
Nalaman ko lahat ng pinag gagagawa niya saamin ni Lucas ng dahil sa kaibigan pa namin, si Mika. Pero huli na ang lahat.
Nakipag kita ako kay Lucas para magkaayos pa kami, pumayag naman siya, pero ang hindi ko alam nung nakipag kita ako sakaniya ay ka relasyon na pala ni Jade si Lucas that time, pero pinilit ko parin ung sarili kong lumaban, gusto ko siyang bawiin, kaso huli na ang lahat.
Sinubukan kong sabihin kay Lucas ang lahat lahat na ginawang pangloloko ni Jade, akala ko maniniwala siya pero nagalit lang siya saakin at umalis.
"Saan niyo ako dadalhin?" Kinakabahang tanong ko sa babaeng hila hila ako kanina pa, napagtanto ko kasing papalapit na kami sa back stage eh.
Wala namang umimik sakanila, at tuloy parin akong kinaladkad, hanggang sa makapunta na kami sa stage, hindi na ako pumalag, alam ko na ang mangyayari.
Maraming sumigaw nung nasa gitna na ako ng stage, napapikit nalang ako at yumuko nung maramdaman kong may bumuhos sa buong katawan ko na malamig na tubig, napayakap nalang ako sa sarili ko dahil giniginaw na ako.
"Ayan! Nababagay yan sayo! Masyado kang ambisyosa, akala mo magugustuhan ka pa ni Lucas sa ginawa mong pag iwan sakaniya noon." Naikuyom ko ang aking palad nung si Jade ang magsalita, gusto kung tumutol sa mga sinasabi niya saakin pero pinili ko nalang ang manahimik.
"Alam niyo ba, itong babaeng ito ay nakipag meet kay Lucas nung kami na, gusto niyang makipagbalikan kay Lucas nung nag meet sila, alam niyo ba kung ano ung mga pinagsasasabi niya tungkol saakin?" Tanong ni Jade sa mga estudyanteng nasa baba ng stage at nanonood saamin, may ibang estudyante na nagtangkang tulungan ako at awatin si Jade pero hinarangan lang sila nung mga babaeng humila saakin kanina.
"Sinabi niyang sinisiraan ko silang dalawa, inakit ko raw si Lucas, inagaw ko raw si Lucas sakaniya." Totoo naman ha! Totoong siniraan mo kami sa isa't isa! Gusto kong isigaw sa harap ng ibang estudyante ang pinag gagagawa niya saamin, pero nanatili paring nakatikom ang bibig ko.
"Alam mo? Annie alam kong may gusto ka padin sa Boyfriend ko, pero please? Tigilan mo na siya?" Pagkatapos niya sabihin ito ay naglakad siya papunta saakin, sinampal ako ng napakalas kaya ako napa upo sa sahig ng stage.
Natawa ang ibang estudyante nung mapa upo ako, habang ung iba ay sumigaw na parang nagulat sa nangyari.
Ayoko na manahimik sa tabi!! Ayoko nang inaapi ako!! Ayoko nang sinasaktan ako!! Gusto kong gumanti!!
"TAMA NA JADE!! SAWA NA AKO SA KASINUNGALINGAN MO!!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat, tumayo na ako mula sa pagka upo ko dahil sa malakas na pag sampal ni jade, nagbago ang aura niya nung hinarap ko siya, kitang kita ko sa mata niya ang kaba at takot.
"A-anong sinasabi mo? Wag kayong makinig sa babaeng--"
"Anong sinasabi ko?! Yung katotohanan!! Ang alam nila inaagaw ko si Lucas sayo, inaakit si Lucas para mapasakin, sinisiraan kita kay Lucas para makuha ko ang loob niya? Ngayon Jade, diba kagagawan mo ang lahat ng yun? Inagaw mo si Lucas saakin!! Inakit mo si Lucas para mapasayo siya! Siniraan mo kami si isa't isa para makuha mo ung loob niya! Hinayaan mo akong makipag hiwalay ako sakaniya para may pagkakataon ka na!! TAPOS NGAYON?! BINALIKTAD MO UNG SITWASYON!! AKALA MO HINDI KO ALAM UNG MGA PINAG-GAGAGAWA MO SAAMIN NI LUCAS NOON?! SALAMAT NGA KAY MIKA DAHIL NALAMAN KO YANG PAGKATAKSIL MO!" Bulyaw ko sakaniya na, nanlulumo ako dahil ayokong may masaktan akong tao, lalona't pinsan ko pero wala sumobra na siya, pinalampas ko ang mga ginawa niya saakin noon, pero ano kinalabasan ngayon? Ako pa yung mali, ako pa ung mang aagaw.
"NO!! THAT'S NOT TRU--"
"Anong hindi?! IPINAHIYA MO NA AKO SA HARAP NG MGA ESTUDYANTENG ANDITO NGAYON!! P*TA NAMAN JADE!! PINSAN KITA!! PAANO MO NAGAWA SAKIN TOH?!" Galit... oo galit ang namumuno sa puso't isipan ko ngayon, wala na akong pakielam kung masaktan man siya or mapahiya siya, wala naman din siyang pake saakin nung time na ipahiya na ako ng lahat!!
Nagbago ulit ang ekspresyon ng mukha ni Jade mula sa kaba at takot ay napalitan ito ng galit, sasampalin niya na naman ako pero agad ko itong napigilan.
"HINDI YAN TOTOO!! SAAKIN SI LUCAS!! HINDI KA NA NIYA BABALIKAN!!" Sigaw niya na ikinagulat ulit ng lahat.
"AKIN SIYA JADE! AKIN SIYA!! INAGAW MO LANG!" Gigil kong sigaw sakaniya bago ko nilanding ung palad ko sa magkabilaan niyang pisngi, napa upo rin siya katulad ko kanina dahil sa malakas na sampal.
Tinalikuran ko na siya at naglakad patungo sa back stage, ung ibang mga estudyante ay nagbubulongan, ung iba naman ay hindi makapaniwala, pero naagaw ang atensyon ko nung may humarang sa harap ko.
"I-is that...true?" Nag angat ako ng tingin at tinitigan si Lucas.
"Yes." Maiksi kong sagot, may kumawalang luha sa mga mata niya.
"I'm sorry hindi ako naniwala sayo, i'm sorry Annie, sana maayos ko pa ito." Napangiti ako ng mapakla sakaniya.
"Napatawad na kita Lucas, pero yung maayos mo pa? Malabo na. Akala ko ba mahal mo ako? Diba kung mahal mo ako, maniniwala ka sakin? Nung time na nakipag hiwalay ako sayo, akala ko hindi ka papayag... hinayaan at tinalikuran mo lang ako, e." Yan ang last na sinabi ko bago siya nilampasan at patuloy na naglakad, ilang beses niya binanggit ang pangalan ko, pero patuloy parin ako sa paglalakad ng hindi siya nililingon, di sapat yung sorry para maibalik yung pusong nawasak na, hindi sapat yung sorry mo para mapatawad ka ng taong minahal ka ng lubos pero sinaktan at hinayaan mo lang.
_
Will it matter? Maybe it won't. Maybe it doesn't end the way you expect it to be. But somehow, you know it can offer you solace. Yes, you can be shattered into pieces, but even the deepest wounds can heal, and the worst kinds of pain can be buried underground, but a love, never told, can never be silenced.
— Mc Jet Gepitulan//What If?
BINABASA MO ANG
A Broken Tales
RomanceA Broken Tales: Collection of one-shot and short stories from various writers. A tale that came from heartbreaks, unrequited and tragic love story, betrayal and rejection. Words and story that can give you an advice and a reminder that sometimes wha...