Ikaw yung lalaking 'di pasok sa standard ko. May tattoo, hindi nag-aaral ng college, nag-adik, lasenggero in short pangit ng history background mo. Wala kapa nga yatang pangarap sa buhay e. Then nanligaw ka sa 'kin bigla, sabi ko ayoko but you insisted hanggang sa nadala ako sa mga kwento mo at nagkaroon ako ng interest sayo. Pumayag akong magpaligaw sayo kahit ang labong magustuhan ka ng pamilya ko.
We're LDR, nasa manila ka at ako naman andito sa probinsya pero may bahay din kayo dito. Habang tumatagal, minamahal kita sa ugaling pinapakita mo, gabi-gabi pa nga ako nagdadasal kay God na bigyan niya ko ng signs kung dapat ba kitang sagutin. Then he did. Binigyan niya ako ng signs. At ang pinakahuling hiningi kong sign ay ang pauwiin ka dito at 'pag umuwi ka, dun kita sasagutin.
Umuwi ka. Nagstay ka ng ilang araw dito. At sa pag uwi mong yun lalo kitang minahal. Lalo akong na attached sayo, sabi ko pa non "yayakapin ko buong pagkatao mo, handa na'ko sa mga sasabihin ng mga tao kasi mahal kita" we just enjoyed the moment habang andito ka. Sa ilang araw na yun parang ayaw na kitang umalis pero kailangan at sa huling araw na kasama kita, kinalkal ko messenger mo at sh*t, ang dami-dami kong nakitang masakit sa mata at puso. Pero wala kang narinig sa'kin.
To make the story short, pagbalik mo ng manila okay tayo, okay ang pinakita sayo, pinaramdam ko yung care at love na meron ako sayo kahit na from the very start palang alam ko nang hindi 'to magwo-work. Pero nilabanan ko kasi mahal kita. Andyan na eh. Takot na akong mawala ka. Mahal na mahal na kita.
AUGUST 29
Araw na di ko makakalimutan. Ganda ng usapan natin ta's may sinabi pa ako sayo na "Mag iistay ako kahit anong gawin mo unless ikaw ang bibitaw. Kaya kung lolokohin mo lang ako sabihin mo nalang para 'di masyadong masakit, sige tulog na'ko goodnight iloveyou and imissyou". Ta's reply mo sa akin no'n "Sige tulog kana iloveyou every minute and everyday my everything" t*ng*na ang corny pero bilang girlfriend kinilig ako bago matulog. Ang saya kong natulog no'n pero yung sayang yun, hanggang dun nalang pala.
AUGUST 30
'Pag gising ko agad kitang chinat ng goodmorning message pero 'di ka nagreply hanggang maglunch 'di ka na nagparamdam pero inintindi ko kasi baka busy ka lang. Baka madami ka lang ginagawa. Inintindi ko pa rin na kahit maghapon wala kang paramdam okay lang kasi mahal kita. Then out of the blue, bigla kang nagtext sa'kin gamit ibang number at nagpapasorry ka.
Sa text mo palang sa'kin sobrang nanlambot at nanghina na ako, ramdam ko na e. Ramdam ko na, na mawawala ka. Ang bait ko pa nga no'n sayo tinanong ko pa rin bakit, kahit hinang-hina na'ko ta's tinanong pa kita kung nakikipagbreak ka na ba? Sabi ko okay lang basta bigyan mo ako ng rason. Naging matapang akong tanungin ka kahit alam ko na yung mga isasagot mo sa akin.
August 30. Sa araw na iyon, nakipag break ka sa'kin sa kadahilanang nagbalikan kayo ng ex mo.
Sana 'di mo nako pinakilig bago ako matulog, kung yun lang din pala ang kapalit. Binigla mo ako sa sakit e.
After kong tanggapin at mahalin lahat ng meron ka, iiwan mo lang din pala ako nang hindi ka nagdadalawang isip. Isang text lang ng ex mo nakalimutang mong girlfriend mo ako. Nakalimutan mong committed ka na. Nakalimutan mong may nagmamahal sayo. Naging selfish ka at hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko. Wala akong nagawa kundi ang palayain ka.
Wala na e talo na agad ako kahit di pa nagsisimula ang laban. Sobrang sakit, to the point na nawawalan na ako ng tiwala sa sarili ko pero kailangan kong harapin kasi andyan na eh. Inembrace ko lahat ng pain at hanggang ngayon akap-akap ko yun pero unti-unti, nasasanay na ang puso ko sa sakit. Nasasanay na ang puso ko na wala kana at binitawan mo ko ng ganong kadali.
(Insert SANA lyrics, "Bigla nalaman ko may hinihintay ka lang palang bumalik" )
•••
Retrieved from FEU Secret Files
Story from Atemongnasaktan
BINABASA MO ANG
A Broken Tales
RomanceA Broken Tales: Collection of one-shot and short stories from various writers. A tale that came from heartbreaks, unrequited and tragic love story, betrayal and rejection. Words and story that can give you an advice and a reminder that sometimes wha...
