Writer: SHERIA
FB: Ria Ivory_
"Magkaaway kayo?"
"Bakit hindi kayo nagpapansinan?"
"LQ na naman kayo."
Ilan lamang 'yan sa mga tanong ang naririnig ko mula sa'king mga kaibigan. Alam nila kung kailan kami nag aaway ng boyfriend kong si Cloy.
"Lapitan mo na s'ya," sabi ni Jesse habang tinutulak ako palapit kay Cloy.
"Ayoko," pagmamatigas ko.
"Aba'y paano kayo magkakabati n'yan?"
"Bahala s'ya." Sa aming dalawa, hindi ako ang unang sumusuyo sa amin.
Napasapo si Jesse sa sarili n'yang noo saka ako tiningnan ng seryoso.
"Pag 'yan nainlove sa iba--"
"Edi, mainlove s'ya."
Tumayo na ako sa bench at tinalikuran ang aking kaibigan.
--
"Ang ganda n'ya.."
"Sinong maganda?" biglang sulpot ko sa kanilang tabi.
Napatingin silang lahat sa'kin at natigilan sa'king presensya.
"Kanina ka pa nand'yan, Julian?" tanong sa'kin ng isa kong kaklase kaya napailing ako.
"Hindi naman, bakit?"
"Ahh..ehh kasi.."
"Ano nga? Tsaka sino ba 'yong tinitingnan n'yo?" Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang magandang babae na nakatayo habang umiiyak ito sa harapan ng lalaki.
"I like you." anito ng lalaki kasabay nito ang pagluhod. Nagulat ang lahat at naghiritan.
"Will you be my girlfriend?"
"Yes! Yes!" masayang sigaw ng babae.
Tumayo ang lalaki at parehas silang nagyakapan sa isa't isa.
Tumulo ang aking mga luha habang nakatingin sa kanila.
"Stay strong, Cloy." Tumalikod na ako sa bintana at ipinagpatuloy ang aking pag-iyak.
Cool off is not easy.
Pero mas masakit 'yong ipagpalit ako sa ibang babae na wala akong kaalam-alam.
BINABASA MO ANG
A Broken Tales
RomanceA Broken Tales: Collection of one-shot and short stories from various writers. A tale that came from heartbreaks, unrequited and tragic love story, betrayal and rejection. Words and story that can give you an advice and a reminder that sometimes wha...