TOGETHER BUT ALONE

45 9 0
                                    


Writer & FB acct: Sevi Manunulat

Ken and I have been in a relationship for three years. We're legal both sides. Open kami sa lahat-lahat as in walang taguan.

From our messenger, instagram, and twitter. Swap kami ng passwords sa lahat ng social media accounts. Pati na rin sa totoong nararamdaman namin. Walang sekreto.

Pero ang hindi niya alam ay may sakit akong cancer. Speaking of cancer, oo nakakamatay ito. One year na rin akong pa balik-balik sa hospital. Pero mas lalong lumalala ang sitwasyon ko.

Si Ken, ay maunawaing tao. Sobrang taas ng pasensya niya. At alam kong mahal na mahal niya ako. Inuuna niya ako palagi. Iniingat-ingatan, nilalambing at higit sa lahat minamahal.

Pero nagbago ng lahat ng 'yon sa isang iglap.

‘Meet up tayo ulit doon sa may cafeteria for our six monthsarry. Iloveyou Ken ko : ))’

Pagbasa ko nito. Isang dummy account ang ginamit niya. Mas lalo akong nanghina. Ganito pala ang pakiramdam kapag may ibang ini- entertain 'yong boyfriend mo.

Hanggang buto 'yong sakit. Kusa nalang tumulo ang luha ko.

Peke akong tumawa sa kaniya ng dumating ito.

“Kamusta laro niyo?” tanong ko sa kaniya.

“Ang saya love, kaya lang talo kami eh.”

How dare he? Ang sakit pakinggan ang mga kasinungalingan niya.

Kailan ka pa naging ganyan love? Bakit nakakayanan mo nang magsinungaling?

Ang alam ko kasi nagkita sila ng pangalawang girlfriend niya kasi six monthsarry nila ngayon.

Palihim kong pinunasan ang luhang tumulo sa kabilang pisngi ko.

“Love, matutulog na ako ha.” dagdag niya.

“Wait lang love.”

Dali-dali akong tumayo at kuhanan sana siya ng pinggan para sabay kaming kumain.

“Tapos na akong kumain, love. Pinakain kasi kami ni coach kanina.” ngumiti siya sa akin. Habang pilit ko namang pinipigilan ang sarili kong mapaiyak sa harapan niya.

Oo nga pala. What do I expect? Syempre kumain sila nung babae sa cafeteria.

I can't help but to cry silently. Sobrang sakit ng nararamdaman ko yung tipong pinipigilan mo yung bawat hikbi. Ang sakit no'n.

Lumipas ang ilang araw, ang laki ng pagbabago niya. Araw-araw na itong umaalis. Minsan may mga araw na hindi na siya nagpapaalam sa akin. Syempre nasasaktan ako. At patuloy na rin akong inaatake sa sakit ko.

Dumating ang araw, anniversary na namin. Masaya ako dahil dumating siya. Pero hindi ko inaasahang aamin siya sa akin.

“Happy anniversary love!” masiglang bati ko sa kaniya.

Aakmang hagkan ko sana siya pero kinabig niya ang kamay ko at umiwas sa akin na parang diring-diri.

“L-love...” naiiyak na ako.

He took a deep sighed. “Nandito ako para sabihin sa iyo—” hindi ko siya pinatapos 'cause I know what next.

“Umupo ka muna love.” pinaupo ko siya at ngayon nagsimula nang nagsibagsakan ang mga luha ko.

“Dyan kumain ka muna, l-love ha. Kahit  konti lang.” sambit ko ulit.

Ramdam ko ang bawat titig niya.

“James! Pwede ba tama na?!” sigaw niya. Gulat akong napatitig sa kaniya.“Tama na James, mahal ko si Kath, at isa pa gusto ko siya dahil magkakaroon na kami ng anak.”

Hindi ako nakaimik. Nakalimutan ko pa lang pareho kaming lalaki at doon pa lang talo na ako. Matagal na akong talo.

“Please umalis ka na sa buhay ko.”

The most painful statement I've received. Nakakapanghina. Mahal niya ako noon pero bakit naging ganito?

Ngumiti ako na may halong kirot.

“Salamat Ken, hindi mo na kailangang magmakaawa sa akin. Gusto ko lang namang maging memorable ang araw na 'to. Gusto kong umalis ng may ngiti sa labi. Gusto kong pumikit na ikaw ang huling nakikita ko.”

“Wala akong pakialam! Just leave!” his voice roared. Dinampot niya ang cake tapos tinapon ito sa harapan ko.

“Meron akong c-cancer, Ken.” Kusang lumabas sa nanginginig kong bibig  iyon. Napansin ko ang pagkabigla niya. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang patuloy na umiiyak.

“I have been battling with this disease for almost two years alone! While you? You're busy dealing with s-someone e-else.” I exploded. Mapakla akong ngumiti.

He is my boyfriend yet he doesn't know I am going through something heavy.

I feel like my heart ripped apart. I pity myself.

He remain silent. Hindi siya umimik.

“You left me just when I needed y-you m-most, Ken. And now iiwan mo ako ulit sa huling araw ng b-buhay ko.”


A Broken TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon