MY CHILDISH GIRL

65 17 1
                                        

Writer: sassasy27
FB: Zhynielle Jayde Writes
_

"Loveeeeeeeee!"sigaw niya sa akin habang nakanguso.

"Bakit?"

"Bili mo'ko ng napkin, naubos na yung stock ko sa bahay."

"Seriously?"

"Ayaw mo? Sige break nalang ta-"

"Fine, whisper diba? Sige, bibili lang ako."

"Talaga love? I love youuuuu na talaga."

"Baliw, sige na goodbye, I love you too."

Siya yung tipo na kahit napkin na gagamitin niya, ikaw pa bibili lalo pa kapag tinatamad siya kagaya ngayon.

________

"Loveeeeee!"

"Oh, bakit? Anong nangyari?"

Paano ba naman, nakikita ko na siyang umiiyak ng husto habang umuupo.

"Nauubos na yung marshmallows ko kakakain, gutom pa ako."

"Hays, huwag kanang umiyak, bibili ako kaagad."

Sometimes, masasabi mo talagang isip-bata ito.

_______

"Loveeeeeeee!"

"Ano na naman iyon?"

Luminga-linga ako pero may mallows pa naman siyang kinakain kaya nagtataka ako bakit umiiyak ito.

"Si Jack, namatayyyyyyy!"

Bulalas nito habang humahagulgol pa talaga.

"Sino si Jack?" Pagtatanong ko sa kaniya.

"Yung sa titanic, ayaaaaaaan. Tulungan mo, isave mo siya love! I save mo! Jackkkkkkkkk!"

Napatawa ako, akala ko kung sino na yung Jack na sinasabi nito.

"Sige, sasagipin ko siya. Bukas papanoorin ko iyan at gagawan ko ng sariling ending na buhay si Jack para matuwa kana." Saad ko na ikinatuwa niya

"Yieeeee, I love you na talaga loveeee!" Sabi nito habang hinalikan ako sa pisngi.

________

"Loveeeee, puntahan mo ko ngayon dito!"

Tumawag ba naman bigla habang nasa office pa ako.

"Love, may trabaho ako. Ano ba yun?"

"Loveee, pleaseeee. Ninakawan akoooo!" Sabi uli nito habang umiiyak pa.

Wala na akong nagawa, dali-dali kong pinuntahan siya dahil sinabi naman kaagad niya yung place king nasaan siya ngayon.

Umiiyak lang talaga ito habang tinatawagan ako maya-maya pa'y nakikita ko na siya.

"Hey, love. Okay ka lang ba? Ano?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Loveeeeeeee!" Sabi nito habang umiiyak pa na parang bata.

"Love, ninakawan ako. Hinablot niya yung wallet ko. Loveeeeeee!" Gasgas na tonong sabi nito.

"Ano ba yung laman doon? Magkano ba ang pera don?" Pagtatanong ko uli.

"Piso lang, pero love nandoon yung picture mo baka agawin ka niya sa akin. Lovee, ayokooo. Sa akin ka lang diba? Loveee, ninakaw niya. "

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa girlfriend kong ito o matatawa.

Akala ko kung ilang milyon na, piso lang pala.

_________

"Loveeeeeee, tara na!" Masiglang sabi nito sa harap ko.

Pagkakita ko sa kaniya, halos maibuga ko yung iniinom kong kape

"Fuck? Bakit nakagown ka?!" Malakas na sabi ko.

"Gusto ko itong suotin papuntang simbahan love, ito lang susuotin ko. Ayoko ng iba, ito lang talaga." Malambing na sambit nito.

Hindi pa naman kami magpapakasal pero bakit nakagown na siya?

May dala pa talaga siyang isang boquet ng rosas.

___________

"Love, picturan mo ako, dali." Pakikiusap nito habang nakappse pa talaga.

Natapos na ang misa at kanina pa siya pinagtitinginan ng mga tao dahil sa suot niyang ito.

"Love, nakakahiya ka talaga. Hahahah, umuwi na tayo." Sabi ko pero wala, hindi siya nakinig sa akin.

Nakapose pa rin talaga ito.

Wala na akong nagawa't pinicturan nalang siya.

Kahit baliw siya,mahal na mahal ko parin ito.

_________

"Love, bitaw na. Tama na. Hindi mo kasalanan yung nangyari sa akin, love huwag mo sisihin ang sarili mo. Hayaan mo na akong umalis, bumitaw ka na lang, please." Pagmamakaawa niya sa akin habang nakaluhod pa talaga.

Ang babaeng mahal na mahal ko, unti-unti na niyang kinukuha yung kamay niyang hinahawakan ko ngayon.

"Huwag kang bumitaw love, mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka sa akin." Sambit ko habang umiiyak na.

"Love, please live. Oras ko na ngayon pero hindi mo pa oras. Enjoy your life, love. Sige na, let me go."

Sabi nito at tuluyan niya ng nakuha ang mga kamay niya.

Muli, nakita ko yung ngiti niyang napakaganda, walang katulad.

"Jason, bangon na."

Napamulat ako dahil sa pagyugyog sa akin ng isang matandang babae.

"Ma?" Ani ko.

"Anak, tama na iyan. 2 taon na simula ng nawala si Alyzza sa buhay mo, move on na anak. Hindi natutuwa si Alyzza na makita kang ganiyan, please find happiness again, my son. Hindi yung natutulog ka lang halos araw-araw sa tabi ng puntod niya."

At doon ko napagtanto, dalawang taon na pala simula nong araw na nawala siya sa piling ko.

Simula sa araw na sumama siya sa akin papuntang bar.

Nagkainuman kami't wala na sa huwestiyo.

Kahit ayaw niyang magmaneho ako, ginawa ko pa rin.

At doon naganap ang isang hindi magandang pangyayari, tumama ang sinasakyan namin sa isang poste't nagtamo ng napakagrabeng insidente.

Siya ang humarang sa pagkakabunggo ko.

Siya ang nagligtas sa akin na ako sana ang gagawa.

Ngayon wala na siya, wala na ang babaeng nagpapasaya at nagbibigay kulay sa mundo ko.

_

"Cherish every moment and every person in your life, because you never know when it will be the last time you see someone."

A Broken TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon