CATERING

20 8 0
                                        


Jess' POV

Fiesta sa amin ngayong araw. Bale 2 days before fiesta umuwi ako sa amin, kahit sabi nung parents ko na okay lang daw muna kahit huwag muna ako umuwi. Pero nag-leave ako ‘nong friday para buong weekend at fiesta makatulong pa ako sa business namin since malakas siya kapag fiesta.

Yun na nga po , tulad ng inaasahan maraming nagpa-cater. Parents ko pala yung nagmamay-ari ng catering services doon sa amin. May binyag, may family events, at kasalan. Madalas kapag umuuwi ako lagi akong inuutusan ng parents ko sa mga designs at pagpi-print ng ibang materials.

Habang nagpi-print ako ng mga names nung mga kinasal may napansin akong name nung kinasal. Tawagin na lang natin siya sa pangalang ‘Kent’ ex-boyfriend ko.

We’ve been together since high school until college. Ilan taon ring naging kami na akala namin aabot na hanggang kasalan. Pero sadyang mapagbiro nga ang tadhana dahil ngayon sa iba na siya ikakasal.

Dalawang taon na kaming hiwalay. Kahit nasa iisang siyudad lang kami, wala na akong balita sa kanya. Simula kase naghiwalay kami, tinigil ko na rin yung communication namin.

Naghiwalay kami kase inuna ko yung career ko sa malayong lugar. Walang panlolokong naganap o kung anong issue. Bago ko piliin ang career ko, kinausap ko siya sa plano ng parents ko sa akin. I told him everything and asked him kung may plano ba siya sa amin o sa akin. Pero ang sabi niya wala pa raw at sundin ko raw muna yung parents ko. At the same time, wala rin siyang sinabing maghihintay siya sa pagbalik ko.

Kung sinabi niyang ipaglalaban niya ako sa araw na ‘yon, papakasalan niya ako? Or kahit ano para manatili ako sa tabi niya, gagawin ko. Pero wala raw siyang plano, in short pumayag siyang malayo kami sa isa’t isa. I suggested long distance relationship pero kinlaro niya sa akin na hindi siya sang ayon sa ganun dahil baka raw mauwi lang sa lokohan.

Hanggang ngayon andito pa rin sa loob-loob ko yung katagang “bakit hindi mo’ko pinaglaban?” pero iniisip ko na lang na baka pinili lang niya ang nakakabuti sa akin.

Akala ko nakamove-on na ako at handa na ‘kong tanggapin in case malaman kong may bago na siya,  pero masakit pala. Ilang beses ko nang pinaghandaan ang magiging reaction ko kapag nalaman kong may bago na siya pero in the end mas sumama lang loob ko noong nalaman ko.

Walong taon kami at nawala lang ako ng dalawang taon ikakasal na agad siya. Bakit? Paano?

Alam kong nag-alala parents ko sa akin kase simula last week sinabi nila sa akin na huwag na lang daw muna ako umuwi kase konti lang naman yung events at hindi sila masyadong tumanggap ng clients. Tapos simula noong umuwi ako dito lagi nila akong chine-check kung okay lang ako. Kaya pala.

Until kanina, nakita nila ko sa may gilid ng hagdan , humagulgol. Umiiyak din si mommy at pinapatahan ako. Si daddy naman hindi alam ang gagawin. Nakita ko siya kumuha ng tubig pero alam kong nasasaktan din siya na makita akong nagkaganun. Ako lang ang nag-iisang babaeng anak nila kaya grabe nila akong alagaan tapos makita nila akong ganto. Hindi siguro matanggihan ng parents ko yung kasal ng ex-boyfriend ko kase isa sa matalik nilang kaibigan yung parents ‘nong ex-boyfriend ko.

Ang bigat sa pakiramdam. Masakit din makitang pati parents ko apektado. Akala ko nga okay na ‘ko eh. Malaki na ipon ko at handa na sana akong ipaglaban lahat ng gusto ko kase may napatunayan na ako. Pero wala, hanggang dito na lang pala.

Best wishes, Mahal!

•••

Sender: Jess
Retrieved from FEU Secret Files

A Broken TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon