(EXTRA CHAPTER)
✍ sweetpsycho13
***
Kasalukuyan na akong naglalakad pauwi sa amin, madilim na ang buong lugar at tanging ilaw mula sa mga light post na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Medyo ginabi ako dahil tinapos pa namin ang aming practice sa sayaw.
Nakatulog na nga ako sa bus dahil sa pagod kaya hindi ko na namamalayan kung sino nang katabi ko. Kung hindi pa ako nalaglagan ng bag, hindi pa ako magigising.Napatigil ako nang may mapansin akong parang mali.
"Hala! Iyong bag ko wala! "
Katangahan nga naman Ariya, pati bag ko tuloy hindi ko na namalayan na hindi ko pala nadala.
Paktay ako nito. Naiwan ko yata sa bus? Pagod pa naman na akong bumalik, atsaka kilala naman ako ni kuyang driver kaya for sure itatago niya iyon kapag nakita niya. Sa harapan lang naman ako lagi naupo kaya fc ako sa driver.
Alam niyo na, para may kunting tawad naman liban sa discount. Hahaha. Ang sama, kinarma tuloy ako.Habang tumatagal napansin kong tila may sumusunod sa akin, bigla naman akong kinabahan dahil iba agad ang pumasok sa isip ko.
Hindi kaya rapist ito?!
Binilisan ko ang lakad at gumaya rin ito. Pasimple akong tumingin sa likod.
Oh my God! Sinusundan niya nga ako!
Lalaki ito pero hindi ko makita ang mukha dahil naka-hoodie siya. Pakiramdam ko nanlalamig na ang kamay ko dahil sa sobrang kaba at nerbyos, tatakbo na sana ako ng biglang may humawak sa kanang kamay ko.
"Aaahhh! Huwag po kuya! Maawa po kayo sa akin! Bata pa po ako! Wala rin po akong pera! Ayaw ko pang mamatay na walang jowa! Mumultuhin ko kayo kapag nawala ako! " Marindi ka sana sa akin!
Napapikit na lamang ako dahil sa sobra-sobrang kaba, hindi ko namalayang napapaluha na ako at kuntudo sa pagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito.
Mga mahal ko sa buhay, I LOVE YOU GOODBYE.Syempre, charot lang.
Nagulat na lamang ako nang makarinig ng isang tawa. Napamulat ako at nandidilat ang mga matang tiningnan ko ang lalaki.
"T-tinatawan ba ako nito!?"
"May nakakatawa ba, ha!?" Singhal ko dito dahilan upang tumigil ito sa pagtawa. Gago ba siya? Tinakot niya ako tapos tatawa-tawa siya diyan. Hambalusin ko siya eh!
Nabigla ako ng tinanggal niya ang kanyang hood.
OW-EM-G.
Binabawi ko na ang sinabi ko.
"K-Kent?" Si Crush! Grabe, nakakahiya iyong ginawa ko! Wala na finish ka na Ariya. Huwag na po tayong umasang maka-crushback pa tayo. Awit. Nakakaiyak.
"Ginawa mo pa akong manyak, Aya." Natatawa pa rin nitong sabi. Feeling ko nagiinit mukha ko.
My G! Ito na ba ang sinasabi nilang natural blush-on !? Putcha! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Nakakahiya pero kinikilig ako, huwag kayo! Haha"A-eh..." Ano bang sasabihin ko!?
"Isasauli ko lang bag mo. Naiwan mo kasi sa bus, hindi mo man lang napansin. Pasalamat ka, katabi kita." Napatingin ako sa kanya nang may kinuha siyang puting sling bag mula sa loob ng mamahalin niyang bag. Iyong bag ko nga!
Ba't nilagay niya sa bag niya pwede namang bitbitin niya ah? Tsk.
Sabagay, may kalakihan kasi bag niya, akala mo naman maraming laman. Haha. Crush ko pa rin naman siya.
At siya pala naging katabi ko sa bus !?
Sayang! Nakatulog ako, edi kami na sana ngayon. Huhu. Grabeng katangahan na ito Ariya. Minus points ka na naman kay crush.

BINABASA MO ANG
A Broken Tales
Roman d'amourA Broken Tales: Collection of one-shot and short stories from various writers. A tale that came from heartbreaks, unrequited and tragic love story, betrayal and rejection. Words and story that can give you an advice and a reminder that sometimes wha...