One week later:
"Ast, direcho na ako sa dorm. Ikaw ba?" Napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko at tumingin kay Vanna.
"Ah, sa library muna ako."
Maagang nagdismiss ang klase dahil may meeting daw ang mga faculty at professors.
"Osige, mag iingat ka sa pag uwi. Wag kana masyado magpa-abot ng gabi. Yari kami kay Cardinal pag may nangyari sayo."
"Mmm." Sabay ngiti ko. Kaya naman pinagpatuloy ko na ang pag aayos ko ng gamit.
"Vale" paalam ni Vanna at tinapik ako sa balikat.
"Vale." Paalam ko sa kanya at ngumiti.
Nagpatuloy ako sa pag aayos ng gamit ko at ng sarili ko. Medyo binagalan ko pa ang pag aayos para masiguradong ako ang huli. Kaya naman nung ako nalang ang natira sa classroom, lumabas na ako.
Nagstay muna ako sa field at umupo sa mga upuang bato doon at nagpahangin o di naman kaya ay nagkunwaring nagbabasa. Medyo marami pa kasi ang mga estudyante ang pagala gala sa university. Nung napansin ko ng kumonti na ang tao, dumirecho na ako sa lugar na yun.
At the Training Forest:
Inilapag ko ang bag ko sa tabi ng isang puno. Ilang araw na akong nagt-training mag-isa. Palagi kong sinusubukan mapabilis ang pagramdam sa mana ko at sa bilis ng shift ng pagcontrol ko dito.
Pumwesto ako sa gitna at pinakiramdaman muli ang hangin na para bang may binubulong na mahika sa katawan ko para pumayapa ang isipan ko.
Calm and Focus.
Iyon ang kailangan ko ma-master. Alam kong pinagbabawal na magtraining except sa training days at mahigpit ring pinagbilin na huwag akong magt-training mag-isa dahil nga delikado at walang mags-seal ng magic ko pag nagkataon na hindi ko ito magawang makontrol. Gaya nga ng sabi ni Cardinal noon, pag di ko nakontrol ang magic ko, ako ang kokontrolin nun kaya I am prone to self destruction. Lalo na at delikado ang magic ko.
I train alone for how many days already. But I kept it a secret dahil nga ipinagbabawal. Palihim akong pumupunta dito araw araw para lang magtraining. Nagdadahilan lang ako kay Vanna para hindi na nya ako hanapin pa.
Mabilis ko ng nararamdaman ang maliit na mana ko dahil narin sa ilang araw na akong nagt-training para rito.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi dahil ramdam ko ang mana, kundi nakaramdam ako ng pananakit sa dibdib ko.
Hindi pa man nagwawala ang mana sa katawan ko, nananakit na ang dibdib ko. Ilang sandali pa ay naubo na naman ako at hindi ko alam bakit nagulat pa ako na dugo ang lumabas. Siguro ay dahil, madalas lang itong mangyari kapag nagwawala na ang mana sa katawan ko.
Dinura ko lang sa lupa ang dugo at pinunas ito gamit ang braso ko.
Nagsimula ulit akong magconcentrate. Kaya naman naramdaman ko ang mana na umiikot ulit sa buong katawan ko.
As if its a switch, I easily shifted the mana's direction into my arms and it goes directly into my hands. Kaya naman ramdam ko na naman ang dense at mainit na presensya nito. Nagsimula na naman lumiwanag na kulay itim ang mga kamay ko.
Release...
Sinubukan kong irelease ang enerhiya sa kamay ko. Pero laking gulat ko ng makabuo ako ng maliit na kulay itim na enerhiya sa kamay ko hanggang sa unti unti itong lumaki.
"Ano...ito...?"
Sinubukan kong ibato ito sa di kalayuan, pero bigla nalang ito tumigil at biglang hinigop ang mga tuyong dahon na nasa paligid namin at habang humihigop ito, mas lalo itong lumalaki. Maski ang hangin nagagawa nitong higupin kaya naman ramdam na ramdam ko ang hangin na nahihigop dahil lumilipad ang buhok ko at ang mga dulong tela ng cloak ko at ng uniform ko.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...