- ASTRID -
Nanlaki ang mata ko nang may umangkin sa mga labi ko. Lumayo ang lalaking humalik saakin at saka ko lang sya nakilala. Bigla itong napaubo ng dugo.
Si Cardinal. Anong nangyayari? Bakit sya umubo ng dugo?
Nagtama ang paningin namin. Doon ko lang napagtanto ang mga nangyayari. Nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko.
Hindi...hindi ito nangyayari.
Bumaba ang tingin ko sa hawak ko. Nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Napaatras ako at agad na binitawan ang espadang nakasaksak kay Cardinal.
Paanong nangyari ito? Anong nangyari saakin?
"Cardinal..." hindi na magkamayaw sa pagbagsak ang mga luha ko. Shit, hindi totoo to. Hindi totoong nangyari ang nasa propesiya.
"Mahal kita....Astrid." nakita kong ngumiti si Cardinal at saka na sya bumagsak sa lupa.
Hindi...
Hahawakan ko palang sana si Cardinal pero nagulat ako nang biglang may humila saakin palayo kay Cardinal.
"Magaling Astrid, thanks for doing your job well. You may rest now. " bulong ng isang boses sa tainga ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na may sumaksak saakin mula sa likod ko.
"HINDI!"
"ASTRID/MAORI!"
Hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Bumagsak nalang din ako sa malamig na lupa.
Nagtama ang paningin namin ni Cardinal.
"ASTRID!" Rinig kong sigaw ni Cardinal. Tumulo ang dugo mula sa bibig ko hanggang sa tuluyan narin akong bumagsak sa malamig na lupa.
I stretched out my arms and tried to reach Cardinal pero tumulo ang luha ko dahil sa napagtanto ko bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Kasalanan ko. I am the cause of Cardinal's fall. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Dapat umalis nalang talaga ako dito noon pa. Ano bang laban ng isang gaya ko sa tadhana na matagal nang nakatakda? I am such a fool for believing that my decisions can make a difference to what is bound to happen.
I forgot that this is a magical world. What seems magic to the mortals are nothing here. Because here, all that matters is MAGIC and STRENGHT.
Hindi ko na nagagawang pakinggan o maproseso pa ang mga nangyayari sa paligid ko. Basta ang nakikita ko lang ay nakikipaglaban ang lahat. At nagawa nilang mapagtulungang mapatay sina Chanta at Kalixto kasama na ang ibang enchant.
I am too drowned in my own thoughts to be bothered about the happenings around me. Pakiramdam ko wala na akong lakas para labanan pa ang mga mangyayari.
"KALIXTO! CHANTA!" Sigaw ni Aiden. Sumugod si Aiden sa direksyon ni Mama at akmang sasaksakin sana si mama habang nakatalikod ito at nakatingin sa bangkay ni Chanta.
Pero laking gulat ng lahat nang biglang sumulpot si papa at hinarang ang saksak na para dapat kay Mama. Napalingon si Mama sa likod nya at doon nya nakitang niligtas sya ni Papa.
Papa...
"Hangal ka talaga kahit kelan Hades! The fact that you love someone is the reason why you will die. Hatred should be the only
reason for an enchant to live."Nakita kong sinalo ni Mama si Papa nang hilahin ni Aiden ang espada nya.
"Hades!" Maluha luhang sabi ni Mama.
"Ciara..." hinawakan ni papa ang mukha ni mama at pinunas ang luha nito.
"Patawarin nyo sana ako..."
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...