"Narito na tayo anak."
Lumingon ako sa paligid. It was a plateu of plain wilderness. Dry and leafless branches of trees are all over the place. The cold breeze of the place sent shivers to my spine.
Nakakakilabot ang buong lugar. Nauuna si papa maglakad papunta sa kastilyo. The castle was was huge. It is composed of black bricks. It is more like an old stone castle.
Naglakad lang kami ni papa hanggang sa makarating kami sa dulo. Sa dulo nito ay isang malalim na bangin. Mayroong direchong batong tulay ang nakakabit mula sa kinatatayuan namin papunta sa kabila kung nasaan ang pinaka-gate ng kastilyo.
Napatigil ako bago kami tumawid. Napalunok ako.
Ito na yun Astrid, wala ng atrasan to.
Lumingon naman saakin si Papa at nag-aalalang tinignan ako.
"Wag ka matakot anak, andito ako. Proprotektahan kita." He assured me. Pero kahit in-assure na nya ako, hindi ko parin maiwasan kabahan. Ngumiti nalang ako ng pilit para kahit paano ay hindi na sya mag-alala saakin.
Tinawid namin ang tulay hanggang sa makarating kami sa gate ng kastilyo. Doon ay sinalubong kami agad ng mga goblin na nagbabantay sa gate ng kastilyo.
Masama ang tingin nila saakin pero halatang nagpipigil dahil kasama ko ang hari nila. Kinuha ni papa ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Kaya naman nakalagpas ako sa gate na iyon ng ligtas.
Pagbukas ng gate, bumungad saakin ang gothic na disenyo ng kastilyo. Ang mga pader nito ay may mga torch na nakasabit. Iyon ang nagsisilbing liwanag ng buong lugar. Samantalang may malaking dome sa gitna pero butas ang tuktok nito kung saan nakikita ang pagdilim ng langit at ang buwan.
May isang mahabang kulay pula na carpet ang sumalubong saamin na papunta sa isang hall na may maliit na entablado kung saan ay may batong upuan sa gitna at may dalawang batong upuan sa magkabilang gilid nito na may nakaupong isang lalaki at isang babae.
Sa gilid nila ay isang hilera batong upuan na parang hagdan at nakita kong nakaupo doon ang iba't ibang uri ng Enchant. Para silang nag-uusap usap.
"Hades! Mabuti at nagbalik kana." Tumayo ang lalaki na nasa kanang upuan na may puting buhok na hanggang balikat at sinalubong kami ni papa, pero napatigil din sya ng dumapo ang tingin nya saakin.
"Astrid Sullivan..." nanlalaki ang mga mata nyang tinignan ako na para bang sinisindak ako. Sumilay ang nakakatakot na ngisi sa labi nya. Kaya agad akong nagtago sa likod ni Papa.
"Kalixto." Bati ni papa. Tinignan ko naman ang babaeng naka-kulay pulang cloak na nakatingin saakin. May hawak syang champaigne glass at sumimsim ng kaunti at saka ngumisi saakin. Mas humigpit ang paghawak ko kay papa.
"Sinong mag-aakala na nadala mo pala ang panibagong Hybrid ng Abellona." Sabay sulyap nya ulit saakin.
"Dinala mo ba sya dito para maging kasapi ng ating guild?" Malawak syang ngumiti saakin. He spread his arms as if he is welcoming me.
"Mabuti naman at naisipan mong sumapi saamin--" Bumaba sya sa entablado at naglakad palapit saamin pero agad na hinarang ni papa ang kamay nya sa harap ko.
"Hindi sya naparito para maging kasapi ng Amaris." Napatigil si Kalixto sa paglapit saakin at tinignan si papa. Unti unting naging seryoso ang ekspresyon ni Kalixto. Nagsalubong ang kilay nito na tinignan si Papa.
"Hindi natin sya kasapi? Kung ganoon bakit buhay pa ang mage na yan?!" Matalim nya akong tinignan. Biglang nagtayuan ang mga enchant sa mga upuan nila ng marinig na isa akong mage. Nagngisihan sila na para bang mga hayop na nakita ang pagkain nila.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasía[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...