"Cardinal, masaya akong dumalo kayo sa aking paanyaya."
Masayang sinalubong kami ni Hara Bella. Ngumiti naman si Cardinal sa kanya. Dumapo ang tingin saakin ni Hara Bella at saka lumapit.
Ngumiti ako sa kanya. "Namaste, Hara!"
"Namaste, Astrid." Kinuha nya ang kamay ko at saka ako tinitigan.
"Mahirap ang tadhanang nag-aantay sayo. Nawa pagkalooban ka ng langit ng sapat na lakas para malagpasan ang anumang pagsubok saiyo."
Tumingin ako kay Cardinal pero ngumiti lang sya saakin.
"Dhanyavaad." Sabay ngiti ko.
Pagkatapos kaming salubungin ng Hara ay umalis na sya para maghanda. Kaya naman dumirecho na kami sa parang assembly hall ng kastilyo.
Makikita mo rin ang ibang mga mystics na nakikisalamuha sa iba't ibang lahi. Mapa-hobbit, elf o fairy man. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.
Napakaganda ng buong palasyo dahil sa mga palamuti at dekorasyon nito. May red carpet sa pinakagitna na may mga pink petals. Mayroong mga garland na gawa sa mga bulaklak na nakasabit sa bawat sulok ng hall na nakasentro naman sa malaking fountain sa gitna. Mayroon ring mga nakasabit na mga wreath ng iba't ibang kulay ng bulaklak sa mga poste. Maya't maya rin ang paroroon ng mga nagsisilbing elf na may mga dala na tray na mayroong mga pagkain.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kung sino.
"Ang ganda no?" Nakangiting tanong nya na masayang inililibot ang mata sa buong paligid.
Tinitigan ko sya mula sa bagsak nyang puting buhok na tumatakip sa noo nya papunta sa makapal nyang kilay pababa sa matangos nyang ilong. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mahaba nyang mga pilikmata na nagdadagdag ganda sa kulay nyang brown nyang mata. Bumaba naman ang paningin ko sa manipis at pula nyang labi na nakangiti.
Napangiti ako.
Bakit ba napakagwapo mong nilalang Cardinal?
Mas tinitigan ko ang mga ngiti nya. Ang mga ngiti nya na nagbibigay ng lakas at kapanatagan saakin. Ang mga ngiti na pumapawi sa lungkot ko at ang tumutunaw sa mga takot ko.
Naalala ko na naman ang propesiya saamin kaya bahagyang nawala ang mga ngiti sa labi ko.
Hindi. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.
Babaguhin ko ang takbo ng tadhana.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Cardinal kaya napalingon sya saakin.
Nakakunot ang noo nito at bakas ang pag-aalala sa mukha nya kaya naman nginitian ko lang sya at ngumiti rin sya pabalik.
Nakarinig kami ng malakas na tunog ng trumpeta hudyat na dumating na ang reyna. Naglakad ito sa red carpet at mas lalong nangibabaw ang ganda nya sa suot nyang kulay rosas na tunic na may mga gold end lines na sumasayad sa lupa. Meron rin syang suot na gold brass a braso nya at malinis at eleganteng nakabraid ang buhok nya sa likod habang suot sa ulo nya ang korona.
Kumaway ito sa lahat hanggang makarating sya sa trono nya.
"Namaste mga mahal kong mystics!" panimula nya. Tahimik lang kaming nakinig sa panimulang pambati nya at saka nya opisyal na dineklara ang pagsisimula ng selebrasyon.
"Opisyal ko ng dinedeklara ang pagsisimula at pagbubukas ng Sprinf Festival ng Asterin!"
Naghiyawan naman ang lahat.
"Wohooo! Tara na sa downtown!"
--
Pagdating namin sa downtown ay iba't ibang uri ng lahi ng mystics ang nakasalubong namin. Mga elf na may suot na makukulay na tunic at mayroong mga flower crown sa ulo nila.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...