EPILOGUE

337 18 6
                                    

"I love you to death, Astrid."

Napaupo ako nang magising na naman ako dahil sa isang panaginip na lagi kong napapanaginipan.

Ang boses na iyon, pamilyar saakin pero hindi ko maalala kung kanino.

Hinilamos ko ulit ang kamay ko sa panaginip ko.

Nananaginip na naman ako. Ilang linggo na ako ganito. Napatigil ako sa paghilamos ng kamay ko sa mukha ko nang may maramdaman akong isang bagay na tumama sa ilong ko.

Tinignan ko ito. Pagkakita ko, isang gold na singsing. Plain lang ito pero kasyang kasya ito saakin.

Saan naman ito galing? At bakit ako may singsing sa kaliwa? Kasal naba ako?

Bahagya akong natawa sa huling naisip ko kaya napailing ako. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba papunta sa kusina. Naabutan ko naman si Mama na kumukuha rin ng tubig.

"Oh, anak? Bakit gising ka pa?" Tanong nya saakin habang nagsalin ng tubig sa baso.

"Ikaw rin ma, bakit gising kapa?" Sabay lapit ko sa kanya at kinuha ang iniabot nyang baso ng tubig.

"Nananaginip ka parin ba?" Tanong nya saakin pagkatapos ko uminom ng tubig.

"Opo." Hinawakan nya naman ang kamay ko at saka ngumiti.

"Tara na?" Aya nya saakin pabalik sa kwarto. Naghiwalay naman na kami pagdating namin sa itaas at pumasok na kanya kanya naming kwarto. Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko at hinawi ang kurtina. Nakita ko naman ang buwan na nagliliwanag at ang mga bituin na kumikislap katabi nito.

Sabi ni Mama ay nacomatose daw ako ng tatlong linggo dahil naaksidente daw ako. Nasagasaan daw ako habang pauwi kami nila Mayhem. Wala akong maalala sa mga nangyari pero may sugat ako sa bandang tagiliran. Magmula nang magising ako sa ospital ay wala na ako masyadong maalala sa mga nangyari saakin. Ang huli kong naalala, may pupuntahan dapat kami nila Mayhem.

Sandali lang akong tumitig sa langit at saka bumalik narin sa pagtulog dahil may klase pa ako bukas.

Papasok palang ako ng room ay sinalubong na ako ni Ayu.

"Mamsh!" Sabay kapit nya sa braso ko.

"Oh?"

"May chika ako sayo!" Nagtaas baba pa ang kilay niya na para bang magandang ibungad sa umaga ang chismis.

"Tss.." napairap ako sa kanya. Dumirecho ako agad sa upuan ko at nilagay ang bag ko.Sinubsob ko ang ulo ko sa mga braso ko dahil medyo inaantok pa ako.

"Puyat na puyat teh?" Hindi ko nalang sya pinansin.

"Hoy!" Nagulat ako ng bigla nya akong hinampas sa likod.

"Ayu, ano ba?!" Inis kong sabi.

"Makinig kana kasi, may chika nga ako e." Sabay nguso nya. Nag-pout pa ang loka.

"Hay nako Ayu, ang aga aga. Chismis agad. Chismosa ka talaga e."

"Dali na kasi..." sabay hila nya sa braso ko.

"Oh ano ba yon?"

"Kasi mamsh, may transferee dito sa school."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Wait lang! Gwapo kasi!"

"Oh tapos?"

"Tara, nasa star section daw e. Sa pagkakarinig ko, Akio Ferrer ang pangalan. Oh diba, pangalan palang gwapo na!"

"Hay nako, ewan ko sayo Ayu."

"Kahapon lang kasi dumating iyon."

"Wala akong pake." Sabay subsob ko ulit.

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon