Chapter 7: Captain Mage Selection Exam

196 21 1
                                    

"Go Vanna! Kayang kaya mo yan."

"Thanks, Ast." Sabay yakap nya sakin.

"I'll make sure to be the Captain Mage ng Sea Dragons, para makasama kita at matulungan kita sa pagt-training."

"Salamat Van." Humiwalay na sya at nginitian ko sya.

Nandito kami ngayon sa field. Malaki ang field ng University, mga 5 basketball court siguro ang laki nito. Napapalibutan kami ng mga puno at sa gitna nito ay isang maluwag na espasyo na puro lang damo.

Umalis na si Vanna at iniwan ako rito sa gilid ng field. Tinignan ko ang lahat ng mages na nag eensayo o di naman kaya ay nagw-warm up para sa exam.

Yep, ngayon ang araw ng Captain Mage selection exam na sinabi nila Prof. Klaus. Lahat ng mages sa buong university mapa junior or senior mages ay sumali. Ako lang ang bukod tanging hindi at si Cardinal. Well, given naman na kasi kung bakit hindi pwedeng sumali si Cardinal. He is the Cardinal Mage for Raia's sake, kaya nyang makontrol lahat. It would be unfair to all mages kung sasali pa sya diba?

And as for me, Im still trying to figure out how I will be able to control my magic. Puro pagbabasa ng libro about sa mga magic ang ginagawa ko. Meron naman sa library kaya sinusubukan kong mapamilyar sa mga characteristics and properties ng mga magic. For now, all I can do is to feed my brain the informations I need.

Halos hawig ang magic ko sa magic ng dating prinsesa Ciara. Pero wala akong mahanap na kahit anong libro tungkol sa magic nya. Limited lang din ang informations about sa Mana Magic. Merong nagu-urge saakin na magpunta sa Magic Castle para makausap ang Emperor at magtanong kung paano ko makokontrol ang magic ko, dahil feeling ko makakatulong sya saakin.

Naputol ako sa mga iniisip ko ng biglang dumagundong ng malakas ang lupa sa field. Napatingin ako sa grupo ng Earth Mages na nakapwesto sa gitna ng field na nakataas ang mga kamay na gumagawa ng isang mataas na pader na para bang stage.

At sa kabila naman ay ang isa pang grupo ng Earth Mages na nagmamagic rin at gumagawa ng mga obstacles sa buong field. Gaya ng isang maliit na kastilyo o di naman kaya ay cliff, at mangilan ngilan na mga pader.  May iilan ilan ring mga water at fire mage akong nakikita na gumagawa ng mga maliliit ng river bilang obstacle at mga fire mages na nagsisindi ng mga torch palibot sa field.

Ang astig, ang ganda! Ngayon, mukha na talaga itong battlefield. Nakakaexcite siguro manood ng magic battle.

Hindi nagtagal nung natapos na ng mga mages ang pagp-preprepare sa obstacles sa field, nagsimula ng magtipon ang mga mages sa gitna.

At nakita ko naring dumating sina Cardinal, Headmaster Sol, Prof. Klaus at isang matanda na mayroong maikling blonde na buhok na nakasuot ng royal robe sa likod nya.

Posible kayang sya si Emperor Lumiere?

"Mages!" Tawag ni Cardinal sa isang parang mic na nakalutang lang sa hangin.

"Welcome sa Captain Mage Selection Exam." Panimula nya. Nagpalakpakan naman at naghiyawan ang iilan.

"Ginawa natin ang examination na ito para sa pagpalakas pa ng hukbong mahikal ng Abellona laban sa anumang banta at bilang paghahasa narin sa inyong mga kakayahan bilang mga mage ng Magic Empire. Galingan nyong lahat. May the heavens be on your favor..Salvete Etheria! [All Hail, Etheria!]

"Salvete Etheria!" Sigaw ng lahat ng mage.

"Narito ang butihing Emperador ng Magic Empire, Emperor Lumiere Maltese."

Pakilala ni Cardinal, umatras sya at umabante ang lalaking matanda na may blonde na buhok.

"Woah, ang emperor."

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon