PROLOGUE

1K 39 5
                                    

Disclaimer: THIS. IS. A. WORK. OF. FICTION!

The names, characters, events and places are purely fiction unless otherwise stated by the author. Any resemblance of events, people or character is purely coincidental and oh PLAGIARISM IS A CRIME.

And this work has still typographical errors and etc. But once I finish this, I'll work on the errors and edit it right away. Im still a young writer that needs improvements, so please bare with me.

*************

Sa kabila ng madilim, puno ng usok at umaapoy na paligid ay malinaw kong nakikita ang gulo at labanan sa pagitan ng mga Mage at Enchant.

"Astrid, wag!"  Nilingon ko si Headmaster Sol sa hindi kalayuan. Puno narin ng dugo ang katawan nya.

"Huwag mong idamay ang buong Guild sa galit mo Astrid...pakiusap." pagmamakaawa nya habang inaalalayan ang sarili na tumayo palapit sa direksyon ko. Pero pinigilan ko sya.

"Astrid...pakiusap...makinig ka..."

Binaling ko ang atensyon ko kay Cardinal na sa ngayon ay nasa harap ko. Nanghihinang nakaluhod at puno narin ng dugo sa buong katawan. Gula-gulanit narin ang robe niya at bakas narin sa mukha nya ang pagod. 
May parte saakin na kumikirot at nasasaktan sa kalagayan niya pero sa tuwing tinitignan ko sya, bumabalik sa isipan ko ang ginawa nyang pagpatay kay papa dahilan para mag-alab ang galit ko.

Pumikit ako. Hindi ako pwedeng makaramdam ng awa sa kanya dahil kung totoong minahal nya ako, ay dapat hindi nya pinatay si Papa mismo sa harap ko. Kaya pilit kong pinatay ang awa at pagmamahal na nararamdaman ko para kay Cardinal. Tinitigan ko sya na walang emosyon.

Hindi pwede ang pagmamahalan namin na may lamat na. Alam ko, kahit matapos ang gabing ito, hinding-hindi na babalik ang lahat sa dati.

"Pinagtaksilan nyo akong lahat, kaya bagay lang sa inyo na mawala." 

Unti-unti kong itinaas ang dalawang kamay ko at binuklat ang palad ko. Nagliwanag iyon ng kulay itim dahilan para mas lalong dumilim ang madilim ng langit.

"Dapat sa mga gaya nyo ay maparusahan! Ang mga walang puso na gaya mo ay dapat mawala sa mundo!"

Mas lalong lumakas ang paglabas ng itim na magic sa mga kamay ko. Lumakas din ang hangin sa paligid.

"Tignan natin kung mapipigilan mo pa ito Cardinal. Black Swords of Conviction!"

Mula sa madilim na langit ay lumabas ang hindi mabilang na mga itim na espada na tumapat sa lahat ng Mage at sa oras na ibaba ko ang mga kamay ko, ang sanlibong espada ay mahuhulog at papatayin silang lahat.

"Astrid...wag..." mahinang pakiusap ni Cardinal. Nagtama pa ang mga paningin naming dalawa pero matapang ko syang tinignan at saka ako ngumisi.

"Huli kana...Cardinal."

Akma kong ibababa ang mga kamay ko bilang senyales ng pagbagsak at pag ulan ng mga espada. Pero laking gulat ko ng tumayo si Cardinal at itinaas rin ang kanyang dalawang kamay. Lumabas sa mga kamay nya ang maliwanag nyang magic at pumorma iyon ng isang malaking orasan sa langit at sinakop ang buong lugar.

Kinumpas nya ang dalawa nyang kamay at sumunod ang kamay ng orasan dahilan para unti-unting bumalik ang mga dark swords sa pinanggalingan nito.


Nagtiim ang bagang ko at tinitigan sya ng masama.


"Afthadis!"

Kaya habang nakataas ang mga kamay nya ay gumawa ako ng espada at dali dali kong sinaksak sa kanya. Dahil nanghihina narin sya at malaking mana ang inilalabas nya para makontrol ang malaking magic na ginawa nya ay kinuha ko iyon na opportunity para gumawa ng espada gamit ang isang kamay ko. Saka ako dali-daling sumugod sa kanya at sinaksak sya.

"Maaari ngang mas malakas ang magic mo kesa sa akin at ikaw ang Cardinal Mage pero, ang pagiging Cardinal mo ang dahilan ng kamatayan mo."  bulong ko sa kanya habang mas ibinaon ko espada. Naramdaman ko ang pag-ubo nya at ang paglabas ng dugo sa bibig nya.


Tinitigan ko sya at saka nagtama ang paningin namin.  Laking gulat ko nang ngumiti sya.


"Mahal kita...Astrid..."

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon