Chapter 32: The Dawn

113 8 2
                                    

- KALIXTO -

"Ako, si Chanta at ang lahat ng Enchant na naririto ngayon ay miyembro ng The Dawn. Kami ang pamilya ng mga pinatay na mag-ina ng iyong ama labingwalong taon na ang nakakaraan."

Kumunot ang noo ni Hades sa pagtataka. Nagtiim ang bagang ko nang makita ko ang reaksyon nya. Gamit ang kaliwang kamay ko ay pinadapo ko ang palad ko sa mukha nya.

Natumba sya mula sa pagkakaluhod nya.

"Papa!" Dumapo ang tingin ko sa anak ni Hades. Akma sana itong lalapit sa ama pero agad syang nahawakan ng isang Enchant at muli syang pinaluhod.

Mas lalong nabubuhay ang galit ko. Hindi ako makapaniwala sa kahangalan ni Hades. Pero kung sa bagay, umaayon ang lahat sa plano ni Azrael. Pero kahit ganoon ay hindi ko parin maiwasang magalit lalo na at nalaman kong buhay ang anak nina Hades at Ciara.

Tinignan ko ang mukha ni Astrid. Biglang nagbalik ang ala-ala ko labing walong taon ang nakakaraan.

"Apwe! Esmeralda!" Sigaw ko mula sa labas ng bahay. Nagkakagulo ang lahat sa bayan dahil sa pagsugod ni Azur. Mula dito ay unti unti kong naririnig ang palahaw ng mga inang nawalan ng anak.

Maya maya ay nakita ko nang nagbukas ng pinto ang aking apwe. Pagkapasok ko ay agad na hinanap ng aking mata ang anak niya. Nakita ko ito sa isang sulok na mahimbing na natutulog.

"Kalixto, anong nangyayari sayo?" Tanong nya saakin pero dali-dali akong lumapit sa natutulog na sanggol.

"Apwe, kailangan nyong umalis dito." Kinuha ko ang natutulog na sanggol na si Azrael at agad ko itong iniabot saaking kapatid.

"B-bakit? T-teka Kalixto, ano bang nangyayari sa iyo?" Naguguluhan nyang tanong saakin. Pero hindi ko na ito pinansin.

Tinulak ko na sya palabas. Wala ng oras, baka maabutan pa sila ni Azur.

"Sandali lamang, Kalixto--"

"Tumakas na kayo ng iyong anak. Nanganganib ang lahat ng mga sanggol! Pinapatay silang lahat ni Azur."

Nanlaki ang mata ni Apwe Esmeralda at hindi makapaniwalang tinignan ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hinahanap ni Azur ang sanggol na nakatakdang pumatay sa kanyang anak na si Hades."

"Ano?!"

"Oo, kaya humayo na kayo."

"Subalit anak rin nya ang sanggol na ito." Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. Hindi ko alam na anak ni Azur ang sanggol na hawak ng aking apwe.

"P-paanong..." hindi ako makapaniwala. Bumaha ang tanong saaking isipan.

"Anak namin ni Azur ang batang ito... kaya bakit nya nanaisin na patayin ang sarili nyang anak?"

"Kailan...ba ipinanganak ang batang iyan?" Sabay tingin ko sa sanggol.

"Ika-labing apat ng ikalawang buwan ng taon. Bakit?" nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko ng mapagtanto ko ang isang bagay.

Ang batang ito ang nakatakdang pumatay sa kanyang kapatid.

Dali-dali kong tinulak ang aking kapatid. Pero nakarinig ako ng palahaw mula sa kabilang bahay.

Huli na ako.

"Akin na ang sanggol, tumakas na tayo! Ako na ang magkakarga sa kanya para makatakbo ka ng maayos." Sabay lahad ko ng aking braso sa kanya para iabot nya ang sanggol pero inilayo nya ito.

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon