- ASTRID -
"WARNING: Do not enter."
Tinignan ko ng may pag-aalala ang likuran ng mga kasama ko matapos kong lingunin ang warning sign na hindi nila pinansin.
"Sigurado ba talaga kayo sa gusto nyong gawin?" tanong ko kahit na napag-iiwanan na nila ako. Hindi nila ako pinansin. Abala silang lahat sa paglalakad at pagtitingin-tingin sa paligid.
"Balik na kaya tayo?" pag-aaya ko, pero as usual dedma sila.
Habang mas sinusuong namin ang lugar, mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Parang may hindi tama at hindi rin tamang sumama pa ako sa kanila dito.
Kabado kong inikot ang paningin ko sa paligid. Madilim dito dahil sa mga nagtataasang puno at bihirang makapasok ang liwanag dahil natatakapan 'yon ng mga dahon. Puno rin ng hamog at malamig ang parte na ito ng gubat. Kanina padin ako panay ng hampas sa binti ko dahil sa mga mahahabang talahib na kanina pa tumutusok sa binti ko.
"Hoy, Astrid! Bilisan mo naman dyan!" sigaw ni Mayhem. Napatingin ako sa kanila. Medyo malayo layo na sila at nahuhuli na ako kakaisip kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kanila dito. Kakagaling lang naming ng school at dumiretso agad kami dito sa gubat. Naalala ko pa kung paano ako balaan ni Mama na huwag papasok dito. Pero dahil nga pinilit ako ng mga kaibigan ko kaya nandito ako ngayon.
Ngayon lang talaga 'to 'Ma. Hindi na mauulit.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanila.
"Ayusin nyo lang na hindi tayo maliligaw dito ha!" Pagbabanta ni Ayu.
"Naman! Andito naman ako para protektahan ka e. " sagot ni Shawn sabay kindat kay Ayu. Nagbangayan pa sila pagkatapos, kaya naman sinaway na sila ni Mayhem na seryosong nakatingin lang sa mapa.
"Nasaan na kaya 'yun?" tanong nya sa sarili habang inililibot ang mata sa paligid. Noong nakaraang araw kasi ay bigla nalang naging curious sina Mayhem at Kurt tungkol sa folklore na napag aralan namin sa at naging kwentuhan narin sa buong lugar namin.
Ang kwento ng Enchanted Forest.
"Balik na kaya tayo?" Suhestyon ko. Tinignan ko kung may magre-react ba pero gaya parin ng dati hindi nila iyon pinansin. Masyado silang focus mahanap ang spot kung saan ang posibleng lugar ng Enchanted Forest.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na ako nag-abala pang sayangin ang laway ko kakasalita. Bahala na, andito narin naman kami. Ang mahalaga sinabihan ko sila, walang sisihan kung sakali man na may mangyari saamin dito.
Pero sana wala...
Napatigil kami ng tumigil din si Mayhem sa isang lugar na puno ng payat at matataas na puno. Nilingon lingon namin ang paligid. Mukha namang walang kahit na anong kahina-hinala sa pwesto kung nasaan kami.
"Ito na ba 'yun?" pagkausap ni Mayhem sa sarili. Ilang beses pa nga nyang binali-baliktad ang mapa na nakuha namin sa isang manghuhula sa bayan na ayon rin sa kanya ay magtuturo kung saan daw ang kastilyo ng mga diwata.
"Mayhem ano na? Nasaan naba tayo? Kanina pa tayo lakad ng lakad oh!" pagrereklamo na ni Ayu. Inilibot ko rin ang paningin ko. Mukhang hindi nga totoo ang kwento. Gawa-gawa nga lang talaga ang kwento ng Enchanted Forest.
"Oo nga Mayhem, tara balik na tayo--" pag-aaya ko pero napabuntong hininga nalang ako ng hindi na naman nila ako pinansin at nagpatuloy parin sila sa paglalakad.
Naiinis na ako. Iniisip ko ng bumalik kung saan kami pumasok pero nang lingunin ko 'yon ay nakaramdam ako ng panlalamig sa sistema ko nang makita ko kung gaano na kami kalayo.
BINABASA MO ANG
Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)
Fantasía[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm the existence of Enchanted Forest which they learn from one of their subjects. After their class the...