Chapter 19: Poison

138 16 4
                                    

"Hindi pa tayo makakabalik sa guild?"

Gulat na tanong ni Vanna kay Cardinal at Sky na kakarating lang.

"Bakit daw?" Tanong rin ni Fhyra na nakaupo lang sa may lamesa.

Hapon na nakarating sina Cardinal at Sky mula sa pagbisita at pagreport  sa Hara tungkol sa naging pakikipag-usap namin kay Calliope.

"Inimbitahan kasi tayo ni Hara Bella para sa selebrasyon nila ng Spring Festival."

Sinalubong ko si Cardinal at tinulungan syang, alisin ang robe nya. Medyo hassle naman kasi kung andito lang sya sa bahay tapos nakarobe pa sya. Isa pa, distinction lang naman yun para malaman na sya ang Cardinal Mage.

"Nakabalik na ako." Sabay kindat nya saakin kaya natawa ako ng kaunti. 

"Hindi naman kita hinahanap." Pang-aasar ko sa kanya.

"Hmm."

Kinuha ko ang robe nya at ngumiti naman sya. "Salamat."

Tae, nakakakilig. Grabeng ngiti naman yan, Cardinal. Nakakatunaw.

Di ko mapigilang ngumiti habang tinutupi ko na ang robe nya at dinala sa kwarto nya pagkatapos ay bumalik na ulit sa sala kung nasaan ang lahat.

"So...ano ng plano natin?" Tanong ni Vanna na tinignan kaming lahat.

Ilang araw na ang nakakalipas mula ng makausap namin si Calliope at malaman ang totoo na ako si Prinsesa Maori. Napagplanuhan na naming bumalik na sa University pero gaya nga ng sabi kanina ni Cardinal, iniimbitahan kami umattend sa Spring Festival.

"Tatlong araw lang naman yun, puntahan na natin."

"Oh, narinig nyo ng nagsalita ang prinsesa ah." Pang-aasar ni Vanna.

"Sira." Napatingin ako kay Aiden na magmula nung umalis si Calliope ay hindi na gaano nagsasalita. Isang tanong, isang sagot.

"Masusunod po, mahal na prinsesa." sabay kindat ni Cardinal na tinawanan ko lang.

--

Naghanda naman sina Fhyra at Vanna ng makakain para hapunan. Samantalang sina Sky at Cardinal ay may pinag-uusapan sa kwarto nila.

Noong natapos na kami kumain ay agad agad narin kaming naghanda para sa kanya-kanya naming pagtulog. Mabilis namang nakatulog ang dalawa marahil ay dahil narin sa pagod.

Nilinis kasi namin ang bahay na tinutuluyan namin sa pag-aakala na aalis na kami pero ayun nga, mags-stay pa pala kami ng ilang araw.

Hindi ako makatulog kaya kanina pa ako paikot ikot. Di ako mapakali. Kaya naman kumuha ako ng scarf at pinalibot sa katawan ko saka lumabas.

Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto, nakaupo si Aiden sa tabing ilog.  Dapat magpapahangin lang sana ako, kaso napagdesisyunan kong umupo nalang sa tabi nya at samahan sya. Mukha kasi syang may problema.

"Aiden.." gulat syang lumingon saakin.

"Astrid, anong ginagawa mo dito? Bakit di ka pa natutulog?"

Nginitian ko lang sya.

"Di rin ako makatulog e."

"Bakit? May problema kaba?" Sabay lingon nya saakin.

"Ikaw, meron ba?" Natulala naman sya saakin saglit at saka tumingin sa malayo.

"Pansin ko kasi...bigla kang nanahimik ng ilang araw."

"Ah...yun ba? Wala yun. Wag mo na ako pansinin." Sabay, tapik nya sa ulo ko at ngumiti.

Ang gwapo talaga nito.

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon