Chapter 26: Unleashed Magic

120 15 0
                                    

CHAPTER 26: Unleashed Magic

"Handa kana ba anak?" Lumingon ako sa kamay na humawak sa balikat ko. Si Mama. Ngumiti lang ako kahit medyo kabado ako. Saka ako tumingin ulit kina Lolo, Cardinal at sa mga Captain Mages sa harap ko.

Nandito kami ngayon sa likod ng palasyo para magtraining. Malayo sa university, dahil nga tinatago pa ni Lolo ang katauhan ko at ang pagdating namin ni Mama dito para sa kaligtasan rin namin.

Suot suot ko parin ang university uniform ko at kumapit ako ng mahigpit sa hem ng skirt ko at saka ako lumapit sa kanila.

"Para sa magiging unang pag-eensayo mo, ako ang una mong kakalabanin."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Lolo. Seryoso ba sya? Kakalabin ko ang isang kalahating Celestial Spirit? Hybrid lang ako, anong laban ko sa isang gaya nya?

Tumabi na sina Cardinal at ang iba pa sa gilid kahanay ni Mama. Naiwan lang kami ni Lolo sa gitna na nakatayo at nagtititigan.

"Gamitin mo ang mahika mo, Maori."

"Pero lolo, hindi ko pa po alam talaga--"

Hindi na ako nakaimik ng makita ko ang isang puting liwanag na lumabas sa kamay nya at nagpormang lubid na tila ba hawak nya at saka inihampas papunta sa direksyon ko. Kaya tumakbo ako palayo dito pero sinusundan lang ako ng hampas ni Lolo.

"Maori, walang mangyayari kung palagi kang tatakbo!" Sigaw nya saakin mula sa malayo.

Itinaas ni Lolo ang dalawang kamay nya sa langit at maya maya ay pumorma ang maraming espadang liwanag mula sa langit.

ANO YAN?! BAKIT ANG DAMI? PAPATAYIN BA AKO NI LOLO? Teka Ast, hindi ito ang panahon para magpanic. Kumalma ka. Huminga at magfocus ka.

Nagfocus ako at nagconcentrate sa pagpapalabas ng magic saakin. Hindi gaya noon na matagal bago ko ito mapalabas, ngayon ay sobrang bilis nito. Naramdaman ko nalang ang madilim na liwanang sa kamay ko.

Ibinaba ni Lolo ang kamay nya mula sa langit at nagsimulang magbagsakan ang espadang liwanag sa langit at bumagsak na parang ulan sa direksyon ko.

Itinaas ko rin ang kamay ko sa langit kahit na hindi ko alam ang magic na lalabas mula sa kamay ko. Bahala na!

Pagkataas ko ng kamay ko ay mabilis na lumaki ang liwanag sa kamay ko at nagmistulang blackhole. Hinigop nito ang lahat ng espadang liwanag.

Ramdam ko ang pagbigat ng mga mana sa kamay ko. Susubukan kong gawin ang pagdoble ng atake gaya ng naging training namin ni Vanna.

Itinapat ko ang dalawang kamay ko sa direksyon ni Lolo at pinakawalan ang mabigat na mana na lumabas na isang sobrang laking espadang liwanag.

Hindi ko namalayan ang bilis nito. Nakita ko nalang si Lolo na umiwas at nakahawak sa braso nya dahil nadaplisan sya nito. Nagliliwanag ng kulay itim ang sugat na iyon na agad ring pinagaling ni Lolo gamit ang mana nya.

Tinitigan nya ako at saka sya ngumisi.

"Magaling Maori.." In a flash of light, Lolo appeared infront of me na nakatapat ang isang palad saakin na biglang naglabas ito ng isang bolang liwanag.

Ang bilis!

Pero tinabig ko agad ang kamay nya at saka ako lumayo ulit. I made a ball of black light ball which I called black asteroid from my hand at agad na binato iyon sa direksyon ni Lolo.

The characteristic of my Black Meteorite is, it can disperse magic.

He dodged all my attacks easily. Ginamitan nya ako ng iba't ibang atake nya. Mostly, I am on my defense. Lolo is strong. Despite his age, he can still fight in an amazing speed with accurate attacks even on a distance.

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon