Chapter 3: Mage Squad

239 25 6
                                    

Magmula ng magtalo kami ni Cardinal sa room, hindi na pumasok ulit si Cardinal.

Nakakaisang linggo narin ako dito sa Etheria. So far, unti unti nakakapag adjust sa pamumuhay rito pero hindi parin naaalis ang kagustuhan kong makaalis rito.

Si Professors Klaus Grimwald ang training professor ng University. Matandang lalaki na siguro ay nasa around 70 years old na may payat na pangangatawan. Matangkad, maputi at matangos ang ilong.  Meron syang reading glass na madalas nyang itinataas dahil nahuhulog kapag yumuyuko sya.

"Mages! Pumunta na kayo sa inyong mga mage squad. Magsisimula ulit tayo ng training."

Kasalukuyan kaming nasa isang gubat sa loob ng university. Ito raw ang training ground ng lahat ng mga mages. Dito ginaganap ang mga pagsasanay nila para magamit ang mga magic nila. Bawal gamitin ang magic sa loob ng university except sa training ground na to.

"Van anong mage squad ka?"

"Sa Sea Dragon squad, doon kasi lahat ng water mage."

"Ah ganun ba..."

Nagsimula na silang maghiwa-hiwalay hanggang sa nakabuo na sila ng apat na grupo. Teka...saan ako?

"SEA DRAGONS?" tawag ni Prof. Grimwald.

(Insignia of Sea Dragon Squad)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Insignia of Sea Dragon Squad)

Sabay sabay nilang itinaas ang mga kamay nila at saka binuksan yon.  Maya maya ay nakaramdam kami ng tulo ng mga....tubig?  Umuulan ba? Napatingin ako sa langit, umuulan kahit may araw?

Hinanap ng mga mata ko si Vanna at lumingon sya saakin saka ngumiti. So...sila pala ang squad na iyon.

"Good." Sabay ayos ulit ni Prof. Grimwald sa salamin nya.

"CRIMSON PHOENIX?"
I

(Insignia of Crimson Phoenix Squad)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Insignia of Crimson Phoenix Squad)

Sabay sabay nilang pinormang  bilog ang mga kamao nila. Mula sa ibaba ay nakabuo sila ng maliit na apoy. Sabay sabay nilang itinaas ang mga kamao nila. Napaatras ako ng malaking apoy na nagawa nila. Nagmistulang malaking torch ang nabuo nila gamit ang mga kamao nila. So,  sila pala ang fire mages. Jusko,  Ang ineeeeet!

Etheria University:School of Mages (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon